"The freak is here."
Dinig ko na bulong ng isang estudyante sa kanyang katabi habang kasalukuyan akong naglalakad sa corridor papuntang canteen. Hindi ko rin masabi kung bulong nga lamang ito dahil sa layo ng distansiya namin ay narinig ko pa rin ang sinabi niya. kahit nakayuko, alam ko na lahat ng kanilang mga mata at usapan ay saakin nakapukol.
Ang ganitong atensyon ay hindi na bago saakin.
Simula pagkabata ay malimit ko ng marinig ang mga salita na kung hindi man mga panlalait ay mga pang-aalipusta at mga paninira.
May sakit daw ako, sabi nila.
They said that I have schizophrenia, but I was never diagnosed. they told me that I am delusional and has false perceptions about everything.
Ngunit kahit sabihin ko sakanilang lahat na wala akong sakit, wala kahit isa ang maniniwala.
May mga nakikita ako na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao at may mga tunog na ako lang din ang nakaririnig.
I do not see dead people, hindi ako paranormal o tao na may third eye ngunit nakakausap ko ang mga nilalang na hindi nakikita ng sino man.
I refer myself as a person who experienced Sensed Presence.
When I was seven, I unintentionally locked myself inside my mother's closet. My parents' bedroom was located at the second floor of our house and during that time, they were busy in the kitchen. Akala nila ay natutulog ako sa aking kwarto ngunit nasa loob ako ng kanilang aparador sa loob ng anim na oras. That was the time when I discovered that I have claustrophobia.
I cried my heart out para marinig nila but no one seems to hear me out. I was so scared, my whole body trembled in fear. I cannot hardly breath because of the tears and severe asthma attack.
When I started to lose hope, a cold hand wiped my tears. Inside the closet, a woman appeared in front of me. Hindi ko alam kung bakit sa oras na iyon ay hindi ko magawang matakot. Ang kanyang mga mata na puno ng pag aalala at haplos na may pag iingat ang aking naramdaman. Dahil sa murang edad ay hindi ko na inalam pa ang kanyang pangalan. She told me what to do, kung paano ako makaka alis sa lugar na iyon.
Gamit ang lumang jewelry box ni Mommy na gawa sa magaan na uri ng bakal ay nagawa kong basagin ang salamin na parte ng aparador. Bago pa man ako makalabas ay nag mamadaling yabag ng aking magulang ang sumalubong saakin. Hinagilap ng aking mga mata ang babae sa loob ng aparador ngunit wala na ito.
I told my parents about what happened but none of them believe me. They thought that I was just imagining things because of the fear that I felt during that moment.
Naikwento ko rin ito sa mga kaklase ko ng panahon na iyon subalit pinagtawanan lang nila ang gawa-gawa ko raw na istorya.
Hindi ko na uli pang sinubukan na ikwento sakanila ang pangyayari na iyon dahil nagagalit si Mommy kapag binabanggit ko ito sa kahit kanino.
Naging tampulan ako ng tukso simula noon, walang lumapit o nagbalak na makipag kaibigan saakin.
Subalit nagkaroon ng pangyayari na nag patibay ng paniniwala ko na may mga nilalang nga na tumutulong saakin, nangyari ang pangalawang beses na nalagay sa kapahamakan ang buhay ko.
I was in fifth grade when the school organized a field trip inside the La Mesa Eco Park. Dahil wala akong kaibigan na maari ko pakiusapan para samahan ako gumamit ng comfort room ay pumunta ako mag-isa.
Nag paalam ako sa class adviser namin bago umalis ngunit hindi ko alam kung dahil sa dami namin ay hindi niya napansin na matagal ako bago naka balik.
Sa dulo ng stairway papuntang lagoon ako nakakita ng banyo. Hindi ko napansin na sinundan pala ako ng mga bully ko na kaklase at ikinulong ako sa loob ng masikip na banyo.
Umiyak ako ng umiyak at nag makaawa na buksan nila ang pinto ngunit ang sagot lamang na aking narinig ay ang mga salitang 'freak'
Sumigaw ako ngunit ang huling tunog na narinig ko bago tumahimik ang paligid ay ang hagikhikan ng aking mga kaklase.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa maliit ng sulok ng lugar na iyon. Awang-awa ako sa aking sarili dahil hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kahit na kanino. Wala akong kaibigan para maging kasangga at wala si Mommy at Daddy upang kunin ako sa masikip na lugar na iyon.
Sa gitna ng aking mga hikbi ay magaan na kamay ang naramdaman ko na humahaplos sa aking ulo. Nang tingalain ko ito ay matandang lalake ang bumungad saakin. Nakangiti ito saakin pero imbes na matakot ay parang nagkaroon ng pag-asa ang puso ko.
'Tayo na diyan anak, kailangan mo ng makalabas dito.'
Iyon ang mga salita na nag palakas ng aking loob.
Tinuruan niya ako kung paano makalabas gamit ang mahinahon na pag-iisip at tamang pag-paplano.
Matangkad ako sa edad na sampu kung kaya nakaya kong akyatin ang itaas na bahagi ng banyo sa pamamagitan ng pag apak sa inidoro at pagsampay ng kalahati ng katawan ko sa concrete wall kung saan may espasyo patungo sa kabilang bahagi. Naikulong ako ng aking mga kaklase gamit ang mop na itinukod nila sa door handle at mga alambre na ikinabit nila sa nakausling pako.
Gusto ko sanang sabihin sa teacher ko ang nangyari subalit wala naman ako maituro kung sino sa mga kaklase ko ang nag kulong saakin doon. Nanahimik na lamang ako at iniwasan na mapadikit sa kahit na sino man sakanila.
Ganoon ang naging sitwasyon ko hanggang makapagtapos ako ng primary school, kung hindi ako ikukulong sa banyo ay tatapunan ako ng kung anu-ano. Nang pumasok ako sa high school ay natigil na rin ang mga ginagawa nila subalit nanatili pa rin ang mga masasakit na salita na pinupukol nila sakin.
I got used to it.
Kapag may mga naririnig ako ay pinagsasawalang-bahala ko na lamang dahil kahit ipagtanggol ko ang sarili ko ay wala akong magagawa. Kahit isang beses ay walang nalaman ang mga magulang ko dahil ako na mismo ang umiiwas na makarating ito sa Guidance Office.
Minsan naisip ko na umalis at lumipat na lamang ng ibang school pero kapag ginawa ko iyon ay magdududa ang mga magulang ko at wala rin naman kasiguraduhan na wala ng bullies sa lilipatan ko.
Isang taon na lang naman at graduation na, mabilis na lang iyon.
Kaunting pag titiis at patak ng luha na lamang.
___
If you like my story, feel free to vote, comment and follow. Thank you!
xoxo
Libbele Ferteller
BINABASA MO ANG
Loosing Insanity
Teen FictionWhat if loosing my insanity means forgetting you? Would I dare cure myself? Loosing Insanity© Written by: Libbele Ferteller Story Genre : Teen Fiction/ Fantasy Romance Date Start: January 7, 2019 Date Completed :