Ako nga pala si Roxanne Mislang. Dalagang Pilipina pero Binatang Pilipino kung manamit! Joke. Sakto lang naman. In short, simple lang ako sa buhay.
Sabi nila, mapagpahalaga daw ako sa lahat ng bagay. Bakit daw ganon? Sabi kasi ng magulang ko, "Matuto kang magpahalaga sa tao o bagay na importante sayo." Wag ko daw pababayaan mawala yung mga bagay lalo na ung mga pinaghirapan ko.
February 16, 1997 ang araw na pinanganak ako. Habang lumalaki ako, natuto akong lumaban sa buhay, pero hindi sa lahat ng oras kaya ko, naranasan ko na din magkaproblema tulad ng karamihan. MAHiRAP pero KiNAKAYA. Naranasan ko na ding umibig, at napansin kong hindi pla madaling maghanap ng taong seseryosohin ka. Kumbaga kung gusto mong abutin ang buwan na may kasamang bituin, "Pagmamahal ng isang taong walang hanggan at kasama ang kasiyahan", kelangan mo maging madiskarte. Pero sa kabila ng mga Problema, nandyan pa din naman ang "Ngiti" para itago ka sa pagkamalungkot mo.
Yays! Mukhang expert sa lahat eh noh? Pero hindi din. :PPP
Tulad nga ng karamihan din na gustong magmahal, Gusto ko rin syempre! Pero mahirap na magmadali dahil baka ako'y magkamali.
Ang sakit din naman kasing umasa sa mga bagay na hindi mo alam kung hanggang saan lang. At sa mga makakabasa neto, Alam kong KORNY pero TOTOO. :)
I just turned 15, and I already know the good and the bad things i will do.
Pero kahit anong talino at alam mo pala sa buhay, di mo pa rin makakamit basta basta ang gusto mo.
Gusto ko lang naman sa isang lalaki ay yung maiintindihan ako kahit gano pako kahirap maging girlfriend eh, kundi naman talaga kaya yon, kahit yung mabait, maaalagaan, at maiintindihan ako, Ok na ko. Yung tipong kaya nyang iparamdam na mas importante ako sa lahat. Ang sarap siguro ng feeling nun noh? Pero MAHIRAP TALAGA maghanap!
Sana naging Hide and seek nalang ang pag-ibig, tago-tago, takbo-takbuhan, pero mahahanap at mahahanap mo pa rin ang kelangan mong hanapin. Siguro nga lahat ng babae iniisip nila na ang pag-ibig ay parang nabubuo sa kwento. May Prince na dadating sa buhay ng Prinsesa at mamumuhay ng Happily Ever After. Siguro nga umaasa lang din ako sa Perfect Ideal man na alam kong parang imposibleng dumating sa buhay ko.
Pero di yan! Tiwala lang. Darating din ang Prince Charming ko. Yung isasayaw ako kahit hindi siya marunong sumayaw. Yung susuyuin ako at yayakapin nalang bigla para lang manahimik pag nagtatampo ako sa kanya. Yung handa siyang ipaglaban ako sa lahat. Yung pababayaan siyang magmukang tanga para lang mapasaya nya ko, at syempre sa kabila ng lahat nandyan sya para suportahan ako! :">
Aww. Di ko ata alam ang gagawin ko kung dumating na si Prince charming ko. Yung Prince charming na ubod ng kulit, masayahin, masarap kasama, yung mapagkakatiwalaan ko, yung alam kong safe ako sa kanya, at higit sa lahat yung mamahalin ako ng sobra.
Kung pwede lang dagdagan pa ng caring , sweet, at handang maging panyo ko kapag umiiyak ako.
Marunong naman akong makuntento eh, sana nga lang maging masaya ako sa mapipili ko. alam kong mahirap talaga mahanap ang lalaking gusto ko pero kung para lang sa pagmamahal alam ko mangyayare ang tama. Tiwala lang naman ang kailangan.
TIWALA LANG kahit masaktan. :)))
BINABASA MO ANG
Tiwala Lang. :)
Teen FictionWag mong pagurin ang isang tao kung alam mong kaya nyang ibigay ang buong pagmamahal nya para sayo.