"Haruhi! Haruhi! Gising na! Baka malate ka naku! Unang araw pa naman ng pasukan."
Sigaw sa akin ng mama ko.
Nagising nako, tapos pumunta sa shower para maligo Haaaaayyy. Unang araw nanaman ng pasukan. Sino kaya mga kaklase ko ngayong year? Sana si Will kasama ko ulit.
Pagkatapos ko ay nagbihis na kagad ako. Ayaw ko malate sa unang araw ng pasukan, noh! XD
Pagbaba ko ng hagdan may naririnig na ako na nagsasalita. Isang pamilyar na bose ang naririnig ko na kausap ni mama.
"Ay naku Will pasensya ka na ah? Matagal talaga maligo 'yung batang yon. Kung ako sayo iniwan ko na siya. Baka malate ka pa. Sabihin ko na lang sa kanya pinnauna na kita."
"Ok lang ho iyon. Haha baka magtampo pa po yon"
Pagbaba ko....
"Will! Ay naku wag ka makinig kay mama talaga lang kasing mainipin yan."
Ang masaya at mainit kong pagsalubong kay Will sabay yakap sa kanya.
"Oh, ano? Kamusta ang America? Siguro akong hindi nalalayo itsura mo sa kanila. Haha"
Pabiro kong sinabi.
"Hindi naman pero may konting pagkakaiba pa rin. Oh, halika na baka malate pa tayo! Ikaw sisisihin ko kapag nalate tayo. Hahaha. Una na po kami Tita Imelda."
Mahinhin niyang sinabi kay mama. Tita na ang tawag niya kay mama kasi malapit nanaman sila sa amin. Kapit-bahay pa!
Nagbye-bye na ako at si Will kay mama at tumuloy na kami papunta sa school.
Habang papunta dun napag-usapan namin si Lee.
"Oy, may balita ka na ba tungkol kay Lee?"
"Wala pa eh. Ikaw ba Hi?"
"Wala din eh, kailan nga ba ulit balik nun? Nalimutan ko na eh. Siguraduhin nya lang na maililibre nya tayo! Haha"
"Hahaha. Oo bilisan na natin. Anong oras na oh 7am na."
"Hindi pa yan. Haha 8:30am pa nga pasok natin eh! XD"
"Eh di ba nagsasarado ang gate kapag late na?"
"Grabe ha Will ilang years ka na ba napasok dito? XD di mo na ba tanda? 8am pa sarado ng gates sa school? Hahaha. Ikaw ha, pumunta ka lang sa America nalimutan mo na ang Pilipinas! XD"
Biglang may nakasalubong kami na isa naming kaklase na babae. Si Mikee.
"Uuuyy! Will! Hi! Haha late na din kayo? Haha! Magkakaklase ulit tayo! Whooooooo! Hahaha akalain mo 'yon 2nd year na tayo! XD Sana masaya ulit ngayong taon! Haha sige una na ako sainyo. May gagawin pa ko eh"
Pagkaalis niya napasigaw ako ng malakas. Siyempre sa sobrang saya!
"Oh Will! Magkaklase ulit tayo! Hahaha. Tara! Dali! Bilisan na natin! Hahahaha!"
"Bigla ka atang nabuhayan ah Hi! Hahaha! Tara na mandadamay ka pa na maging late ako eh!"
Nagtatakbo na kami papunta sa school. Pagkadating namin doon dumiretso na kami sa room namin. Kami ay nasa 2-A. Mga nasa honor at achievers ang mga kaklase namin.
Pagpasok namin nakita na namin agad mga best friends namin ni Will.
Sina Mikee, John, Angel, Daniel, Jenny, Maria, atbp.
Sakto nagbell na. Pumasok na ang homeroom teacher namin. Siya si Ms. Jenny Coleman (bata pa noh? XD) na pumasok kasabay ang isa naming kaklase, hindi kami familiar sa kanya so baka bagong student. Haha. Halata naman diba? XD
Eto ay isang lalaki, mukhang bad boy. Hindi siya mukhang seryoso sa mga pinag gagawa niya. Pero infairness gwapo siya kahit may eyeliner. Lahat kami ay nakatingin doon sa bagong pasok na lalaki.
Narinig ko ang isa na sinabi sa kausap niya, "Hindi siya bagay dito, dapat doon siya sa 2-C or sa 2-F"
May tiwala naman ako dun sa lalaki na much more siya kaysa dun sa mga iniisip nila kasi imposible na dito siya sa 2-A nilagay kung ganun ganun lang siya. Kasi may kasabihan tayo na "Don't judge a book by its cover" diba?
Bigla akong tinawag ni ma'am. Napatayo ako bigla,
"Yes ma'am!"
Akala ko kung bakit. Ayun pala, wala kasi akong katabi doon papaupuin ni ma'am.
Pagkapunta niya dun sa pwesto, umupo na agad siya at tumingin sa labas. Kakausapin ko sana siya kaso iniisip ko muna ng maigi ang sasabihin ko bago ako magsalita baka biglang ma-offend eh.
"Hi! Ako nga pala si Haruhi! Kaso pwede mo na lang akong tawaging Hi kung gusto mo. Haha"
pangiti kong sinabi.
Kaso, hindi niya ako sinasagot, grabe to ah!
"Tch."
Bigla na lang siyang humarap sa bintana. Eh baka lang ako magmukhan ewan dito, humarap na lang ako kay ma'am at nakinig sa kanya.