Para sa mga Brokenhearted. :)

665 5 2
                                    


Alam mo yung feeling na kayo na dapat kaso hindi pa nangyari. Malapit na sana kaso nalihis pa.  Andun na eh, masasabi mo na yung "oo". Nakapagipon ka na ng lakas ng loob para makapagpaalam sa magulang. Kaso nainip siya. ayun biglang napunta sa iba. O kaya yung bigla ka niyang iniwan sa ere. O kaya naman yung ginamit ka lang. Awch. YEAH VERY AWCHY. </3 XD (tawa muna, sakit eh)

Ngayon, asan ka? Andyan sa upuan binabasa 'tong gawa ko. Sakit nu? Pero ganun talaga. Wala ka nang magagawa eh. Nangyari na. Wala ka namang karapatan. Wala kang karapatang makieksena sa kanila. Wala kang karapatang ibalik siya ng ganun na lang. Wala kang karapatang magalit o magselos, actually pwede naman, patago nga lang. :): Pero masakit talaga eh. Malungkot nga lang na katotohanan? Wala kang magagawa kundi tanggapin yun. YEP TANGGAPIN KAHIT GAANO KASAKIT. 

Kung perfect time lang talaga okay na sana. Pero di nangyari yung gusto ng puso mo eh. Ibig sabihin may ibang plano sa'yo si Lord. It's either di ka talaga para sa kaniya, or kayo din sa "huli". Pero kung di talaga kayo para sa isa't isa, antay ka lang. Di kailangan magmadali. Darating naman "siya" eh, Perfect timing, perfect place, perfect person para sa'yo. :)  Pero kung siya pa din naman sa huli, hayaan mong tadhana ang maglapit sa inyo. Wag mo ipagpilitan sarili mo.

Alam kong brokenhearted ka ngayon, pero ilang buwan o taon lang yan, mawawala din yan. Isipin mo lang palagi na andyan si Lord. At may maganda siyang plan kung bakit nangyayari yang mga bagay na yan. Ok? Ngiti na. Marami pang higit sa kaniya. ^——^




Thanks for reading! ^-^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sa mga Brokenhearted. ^---^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon