Chapter 3: Papa

14 0 0
                                    

Anna's POV

Dinampot ko ulit yung cellphone ko para magdial pero...

"Anong ginagawa niyo dit--- AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!"

"Alysson! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!"

"Tito? P-pinatay nyo po si S-sandra?"

"HINDI! N-nakita ko lang sya dito! Tumawag na agad kayo! Buhay pa sya!"

Agad akong tumawag ng ambulansya. Pero bago pa man makarating ang ambulansya, binawian na ng buhay si Sandra.

---------------------------------------

"Anna, b-bakit nagawa yun ng papa mo?"

"HINDI SYA ANG MAY GAWA NUN! Naniniwala ako kay papa."

"Pero Anna nakita----"

"Kilala ko si papa. Di nya yun kayang gawin."

Huminto lahat ng pangyayari sa school ng nalaman nila ang pagpatay sa bagong queen bee. At mabilis ding kumalat ang tsismis na ang papa ko ang pumatay sa kanya.

---------------------------------------

"Hindi ako ang pumatay sa kanya!"

Yan ang paulit ulit na sinasabi ni papa sa mga pulis. Pero di sya pinaniniwalaan ng mga ito.

"Sa presinto nalang po kayo magpaliwanag."

"Anak, sabihin mo sa kanila na wala akong kasalanan!"

"Wala pong kasalanan ang papa ko. Pakawalan nyo po sya."

Tila hindi naririnig ng mga pulis yung pagmamakaawa namin ni papa. Hinila pa din nila si papa.

"Anna! ANAKKKK!"
"Papa..."

Umiiyak si papa nung isinkay sya sa mobil ng pulis. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Papa...

Susundan ko sila sa presinto.

Bumalik ako ng booth namin para kunin ang mga gamit ko.

Habang naglalakad ako, may mga taong nakatingin sakin.

Anna...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon