No Prologue, Contains Chapter 4 only. Enjo!
__________________________
Gino's POV
"Gino nahanap mo na ba yung research? Wala kaming mahanap nila Dindi eh."sabi ni Mikay at napahawak sa ulo niya. Napangiti naman ako sa inaasal ni Mikay.
"Ganoon ba? Sandali lang ang hirap kasi eh wala man lang Computer kailangan talaga dito sa Library? mag-gagabi na oh."sabi ko sa kanila. Nakakaasar kasi si Ms.Ortega pinapa-research sa amin yung Legacy ni King Anand at ng anak niya na si Princess Areeyah, Eh wala namang evidence na totoong nangyari yun.
"Sure ba kayo totoong nangyari iyon? Kasi di ba wala namang evidence na nahukay na totoo ngang nangyari."sabi naman ni Kiko.
"Oo nga parang Alamat o kwentong barbero lang yun eh."pagsang-ayon naman ni Quen kay Kiko.
"Hay naku mag-hanap na lang kaya tayo."sabi naman ni Julia, psh if i know gusto niya lang talaga makasama si Quen.
"Kaasar naman bakit kasi dito pa sa Library magdidilim na dito sa Campus."pagrereklamo ni Dindi.
"Dindi naman takot ka sa Dilim doon tayo sa Garden para mas masaya."pangloloko sa kanya ni Kiko.
"Leche di kaya kita sagutin!"sabi ni Dindi.
"Tama na nga yan! Maghanap na lang tayo."sabi ni Mikay na umakyat sa Ladder para kumuha pa ng ibang libro sa Shelf.
"Hoy Mikay! Sandali lang hahawakan ko mamaya malaglag ka magka-Bone Fracture ka pa."sabi ko sabay bagsak ng librong hawak ko kanina tapos hinawakan ko yung Ladder.
"Ayieee sweet ni Gino Hahahaha kayo na nilalanggam."sabi ni Kiko.
"If i know inggit ka lang."asar ni Dindi kay Kiko. Hay buhay nga naman si Ms.Ortega talaga sa lahat ng pwede i-assign sa amin ito pa NO COMPUTERS will be used in the reaserch tapos bukas ang Deadline kaasar kayo maasar kayo di ba?
"Anong oras na?"tanong ni Mikay habang pababa inalalayan ko siya habang bumababa siya may dala din siyang mga makakapal na Libro mas MAKAPAL pa sa MAKAKAPAL ang Mukha.
"5:15."sabi ni Julia.
"5 hours na tayo dito."sabi ni Quen. Tama po 5 Hours, Half Day kasi kami tapos binigyan kami ng Project nakasalalay ang Grade namin dito.
"Nakakainis naman si Ms.Ortega bakit sa mga Classmates natin ang dadali samantalang sa atin ito pa!"sabi ni Julia. Oo nga ang Unfair eh.
"Dahilan ni Ma'am Ortega alam nga daw kasi natin yun."sabi ni Kiray na sumulpot out of nowhere.
De joke lang kasama niya si EJ bumili sila ng pagkain kasi mukhang gagabihin kami saka pwede kaya kumain sa Library basta wag magkakalat saka sa Table lang naman kami kakain eh. Hindi sa Shelf subukan niyo kaya sa Shelf kumain kung kaya niyo.
"Ano binili niyo?"tanong ni Dindi.
"Uhm bumili kami sa MCDO (Credits) para sa Dinner natin at Snacks mamaya kasi mukhang aabutin tayo ng Madaling Araw dito eh."sabi naman ni EJ at inangat ang hawak niyang plastiks.
"Mikay, Okay ka lang?"tanong ko kay Mikay kasi parang natulala siya sa nakita niya.
"Gino tignan mo 'to."sabi ni Mikay. Lumapit ako sa kanya at tinignan ko yung libro, Doon ko nakita ang kamukhang Broach ni Mikay.
"Kamukha ng Broach mo."sabi ko at tumango siya.
"Gino alam mo naman di ba na Galing pa sa kalolalolahan ng Lola ko yung Broach."sabi ni Mikay tapos napatingin naman ako sa kanya.
"Oo naman nandoon ako nung binigay sa iyo ni Tita Min yung Broach eh."sabi ko at nagtaas baba ng kilay.
"Gino eh bakit may ganito ano 'to?!"sabi ni Mikay sabay pakita sa akin ng isang Broach na kaparehas ng suot niyang Broach ngayon. Nanlaki ang mata ko dalawa? Ano yan Imitation?
"Mikay dalawa?!"gulat na sabi ko kay Mikay.
"Gino hindi tatlo."sabi ni Mikay sa akin kaya napa-pokerface ako, Seryoso kami dito eh.
"Mikay ano ba yan lokohan?"tanong ko sa kanya at sinarado niya ang libro.
"Hay naku mag-research na nga lang tayo."sabi ni Mikay sabay tayo tapos nalaglag yung Broach. Di kaya Imitation 'to kasi yung kay Mikay totoong Diamond at gold gawa pero maalikabok lang siya pero ganoon pa din.
Nilagay ko na lang sa bulsa ko baka mamaya hanapin ni Mikay. Nilapag na ni Mikay yung makakapal na libro tapos ayun nagbasa na kami ilang Oras din ata kaming nag-hahanap ang gawain namin, Kuha ng Libro, Hanap, Basa, Balik ng Libro, Kuha Uli...
Ganoon lang kami Hay...
"Inaantok na ko!"sigaw ni Dindi at humikab sabay unat. Alam niyo ba ilaw at AC na lang ang nakabukas dito sa Campus at iyon ay nasa Library, As in wala na madalim na sa labas ang nakabukas lang eh yung poste sa labas ng Campus at yung lugar ng mga Janitor, Janitress at mga Guards dito kasi sila pinatira.
"10pm na!"sigaw naman ni Julia.
"Aish ingay mag-basa na nga lang tayo ng matapos na 'tong Lecheng Project na 'to."sabi ni Mikay. Tignan mo 'to kanina siya yung pinaka-masipag mag-aya sa amin ngayon siya na yung pinaka-nagmamadali siguro asar na asar na din siya.
After asdfghjkl years...
Natapos na din kami at siyempre biro lang yun wala pa nga kaming nahahanap kahit isang katiting na information tapos agad kami.
"Gino, Guys CR lang kaming mga girls ah."sabi ni Mikay sabay tayo nila as in SILA yung mga Girls apat sila eh.
"Pare kukuha lang ako ng libro ah."sabi ni Quen at pumunta sa mga shelves. Tumango lang ako tapos si EJ at Kiko naman seryosong seryoso sa pagbabasa nang biglang humangin ng malakas..
"Pare ano yun?"tanong ko kasi parang humangin impossible namang may multo dito kahit matagal na 'tong school na 'to eh wala namang kwentong may namatay dito saka school namin ito eh.
"Pare may Bagyo signal number 20."sabi ni Kiko na nag-cause para batukan siya ni EJ.
"Baliw ka pare? Signal number 20 edi lumubog na ang pilipinas."sabi naman ni EJ.
"Ay kung ako baliw ikaw tanga ibig ko pong sabihin sa 20 eh TWO, TWO."sabi ni Kiko na tinatapat pa yung daliri niya na naka-peace sign pero two pala ibig sabihin sa mukha ni EJ.
"Oo na! Alam ko na kulit lang!"sabi ni EJ. Nang may napansin akong ilaw sa dulo kung saan naka-lagay yung matandang bato na ginawang design dito sa Campus, Para siyang Mesa pero hanggang Dibdib ko yung tangkad.
"Pare umiilaw oh."sabi ko sabay turo ng ilaw.
"Wala naman eh antok ka na Gino."sabi ni Kiko sabay balik sa binabasa niyang libro, si ako naman naglakad pumunta doon. Grabe nasisilaw ako sa SOBRANG liwanag ng ilaw, Ang lakas ng Hangin tinignan ko lang sila Kiko at EJ pero seryoso pa rin sila hanggang sa hinigop ako..
_________________________________________________________________
Inspired ang Author niyo ng Faith (The Great Doctor) ni Lee Min Hoo, Time Slip Dr.Jin ni Song Seung Hun at siyempre Princess and I ng Kathniel.
Dapat After ng Same Love at House ko pa ito ipa-publish pero try ko muna humakot siya ng Readrers...
~Cynthia

BINABASA MO ANG
Princess and HIM [Complete]
FanfictionSeries1: Travel through Time || He accidentally gone to the past where he met the Princess from a Legend Kingdom of Yangdon 1000 years ago. Traveled through Time with the Swirling Portal. Will love be builds between the Past and Present or Destiny a...