Chapter 3

967 37 3
                                    

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula kay Jao, Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Sabi pa niya buksan mo daw iyan kapag nakabalik ka na at dapat daw di ka tumagal ng hindi lalagpas sa limang araw dito dahil mababago daw ulit ang natapos niya, May sinabi din siya sa akin na sa araw na makita daw kita kinagabihan ay bubukas ulit iyan at kailangan mo ng umuwi di ka pwede tumagal dito."dagdag pa ni Quen este Jao.

"Ano ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya.

"Malalaman mo daw kapag nakabalik ka na at nabuksan mo daw iyan."sabi niya. Okay ang wierd..

"Salamat nga pala sa inyo ni Mikay."sabi ni Quen este Jao peste naman nasa Chapter 3 na di ko pa din alam!

"Wala yun."sabi ko tapos naiwan ako dito para antayin dahil mag-gagabi na nga binulsa ko muna yung Plastic Tube ng makapa ko ang broach.

"Gino."tawag sa akin ni Areeyah at napatingin ako sa kanya.

"Maraming Salamat dahil nagkaroon ng pagkakataon na walang gumalang sa akin at natupad yung pangarap ko na gusto kong maging isang normal na tao na hindi tinatawag na Prinsesa o Kamahalan salamat."sabi ni Areeyah at yinakap ako.

"Wala iyon, Nga pala ito para sa iyo, at alam mo mas maganda kung ibibigay mo iyan sa kaapo-apuhan mo."sabi ko at inabot ko sa kanya ang Broach.

"Salamat at makaka-asa ka ibibigay ko ito sa kanila, Sige. Ang ganda naman nito salamat."sabi ni Areeyah at ngumiti, Kamukha mo talaga si Mikay pero kahit ganoon si Mikay Mabait naman siya at maalaga, Kaya siya yung babaeng minahal ko.

"Kanina tinawag mo kong Mikay, Kamukha ko ba siya?"tanong niya.

"Oo, Kamukhang kamukha."sabi ko. Napa-Ahh na lang siya.

"Alam mo ba ikaw yung lalaki lagi sa panaginip ko."sabi ni Areeyah.

"Ano?!"tanong ko.

"Oo, Ikaw nga pero parang nag-iba yung mga pangyayari sa panaginip ko kesa sa mga nangyayari ngayon."sabi niya.

"Alam mo ba sa panaginip ko-"naputol si Areeyah dahil dumating si Jao.

"Uhm pasensya na pero di ka pwede mag-kwento Kamahalan saka ko na lang ipapaliwanag sa iyo, At Gino malalaman mo kung ano yung panaginip na iyon kapag nakabalik ka na."sabi ni Jao na parang alam na alam ang lahat. Nang biglang kumulog at kumidlat kasabay ng paglakas ng hangin at pagbasak ng ulan.

"Jao anong nangyayari, Bakit malakas ang hangin at hinihigop tayo?"sabi ni Areeyah at hinatak siya ni Jao na ang dahilan ako lang ang mahigop..

-;-;-;-;-;-;-

-;-;-;-;-;-;-

Jao's POV (Alam ko inaantay niyo 'to kaya eto na)

Sinadya ko talagang pigilan para di na mangyari ang kinuwento sa akin ni Maestro.

*Flashback* (Sosyal)

(15 years old si Jao Noon)

"Jao nakabalik ka."sabi ni Maestro.

"Ahhh Opo."sabi ni Maestro ng biglang Kumulog at Kidlat malakas din ang hangin.

"Mukhang wala tayong pagsasanay, Ma-upo ka at palipasin muna ang ulan dahil baka mapahamak ka sa pagbaba mo ng bundok."sabi ni Maestro sa akin at pumasok ako sa kubo niya saka ako umupo sa upuang gawa sa pawid at kawayan. Kumidlat at kumulog na naman, Humahampas ang hangin sa mga halaman.

"Alam mo ba Jao may ikukwento ako sa iyo."sabi ni Maestro.

"Ano po iyon?"tanong ko.

"Alam mo ba ganito din noon Kumukulog at kumidlat malakas din ang hangin, Nang may isang malakas na hangin ang humigop sa isang lalaking nag-ngangalang Gino."kuwento niya sa akin.

"Nagising si Gino na akala niya si Mikay ang gumigising sa kanya, Si Mikay ang babaeng nililigawan ni Gino ngunit napadpad si Gino sa isang Lugar na di naman niya alam at doon ay nakita niya ang Magandang Prinses. Tumagal siya sa Lugar na iyon ng limang araw nahulog din ang loob ni Gino sa Magandang Prinsesa at gayoon din ang Magandang Prinsesa kay Gino. Ngunit ng sumapit ng ika-anim na araw ay umatake si Han ang masugid na manliligaw ng Magandang Prinsesa at naglaban sila ni Gino ng mapatay ni Gino si Han ay gumanti si Kara at napatay niya si Gino pero di pala namatay si Gino dahil nananaginip lang pala ito ngunit lingid sa kaalaman niya ay totoo ang lahat. Ngayon Jao ito ang kailangan mong gawin, Darating ang araw na may isang banyaga na darating kasama ni Prinsesa Areeyah sa pag-sasanay yayain mo siyang mag-tiyaa kasama ang Prinsesa at ibigay mo sa kanya ito."sabi ni Maestro.

"Maestro, Ano po ito?"tanong ko.

"Ibigay mo iyan sa lalaking kasama ni Prinsesa Areeyah na kakaiba ang kasuotan at malalaman mo kung sino ang kasama ng Prinsesa at mauunawaan mo, Ayoko ng magulo pa ang lahat lahat ng Pangyayari, Naayos ko na at ayoko ng magulo pa kaya sabihin mo sa kanya na kailangan makaalis siya at di siya umabot ng di lalagpas sa limang araw at Sa araw na darating siya sa kinagabihan magbubukas ang pinto na dinaanan niya, Na dinaanan mo NOON."sabi ni Maestro na ikinagulat ko na alam niya iyon. Napa-lunok ako ng laway ko..

"Maestro paano po ninyo nalaman na nakapunta ako doon noong ako ay bata pa?"tanong ko at ngumti siya.

"Dahil ako si Gino Dela Rosa."

Princess and HIM [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon