Prinsesa sa kalsada

2 2 0
                                    

Isang batang babaeng maputla at tila walang tulog ang nakapukaw sa atensyon ng maraming tao sa labas  ng simbahan. Tangan-tangan nya ang isang lumang gitara. Naupo sya sa malamig at maruming sahig at nag simulang tumugtog.Kasabay ng kanyang malaanghel na pagkanta ay bumuhos naman ang ulan at dumagundong sa buong lugar ang napakangingilabot na kulog.

Siya'y pumikit habang kumakanta at saka nag hintay ng mga taong mag aabot ng limos. Itinuloy niya ang pag awit kahit na nangingibabaw na ang malakas na patak ng ulan sa kalsada, malatambol na kulog, at malakas na pagsampal ng hangin sa kanyang mukha. Hindi niya ito alintana kahit sya pa ay mabasa. Tanging nasa isip nya lamang ay umawit para may magbigay sa kaniya ng barya maipambili lang sana ng tinapay na sasagot sa kumakalam na sikmura.

Sandali syang napatigil sa paggigitara at pagkanta nang imulat nya ang kanyang mga mata. Wala na palang nakikinig sa kaniya, nalungkot siya. Nagbabadya na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata ngunit pinunasan nya agad ito.Pinagmadadan nya ang mga taong nag uunahan at nag sisiksikan sa pagsakay sa mga jeep at bus para makauwi lamang. May pinagkakaabalahan ang lahat ng tao sa kabila nh malakas na pag-ulan.

Tinigna nya ang sahig at laking gulat at pasalamat nya sapagkat may naglapag pala ng sampung piso. Napakalaking pera na ito para sa kanya kaya sya na naman ay napaluha, hindi dahil sa lungkot ngunit dahil sa saya. Itinabi nya ang pisong sukli upang may ipambili pa sya kinabukasan.

Pagkatapos nya bumili ay makikita siyang nakikipag patintero, hindi sa mga kalaro nito kundi sa mga kotse at mga nagmamadaling tao. Patuloy rumaragasa.Pursigido syang marating ang kabilang dulo. Dinaig pa si Wonder Woman sa tapang dahil sa wlang katakot-takot na paghatak sa madilim at madulas na kalsada nang hindi man lang inaalala ang mga maaring makasalubong nito. Sa kabilang dako ng kalsada ay natatanaw na  nya ang kaniyang mga kaibigan na sumisinghot na naman ng rugby.

"Nandito na pala ang ating prinsesa!" sigaw ng isa sa mga kaibigan nya.

Inismiran nya lamang ang mga ito at saka ibinato ang nakasupot na tinapay na nabili nya. Ngunit nang patuloy na siyang naglakad ay isang ngiti ang kumurba sa kaniyang labi. Prinsesa- iyang ang paulit-ulit na tumatakbo sa kaniyang isipan.Noon pa man ay pangarap na niyang maging isang prinsesa.Nais niyang mabuhay nang payapa at may kaya sa buhay,taliwas sa buhay na kinagisnan nya.

Napatigil sya sa pananaginip nang gising nang makarinig sya ng sunod-sunod na malakas na busina mula sa track na papalapit sa kaniya. Nasa gitna na pala sya ng kalsada.

Huli na nang siya ay natauhan. Napahandusay na lng sya sa gita.Ngunit,kahit na nag-aagaw-buhay ay may ngiti pa ring nakaukit sa kaniyang labi.

"Siguro naman ay magiging prinsesa na ako kapag nasa langit na ako noh? Naging mabuti naman ako dito sa lupa hindi ako nagnakaw o gumawa ng masasamang gawain. Prinsesa sa kalsada? Ako na nga siguro iyon.Hindi naman imposible ang pagiging prinsesa sa langit eh."

Napatawa sya nang mahina at tumulo ang dugo sa kaniyang bibig.Kasabay ng paglakas ng buhos na ulan ay ang pagkawala ng kaniyang buhay.

______

Author'Note:Thank you po sa lahat ng nagbasa ng aking story at sa pag Support lablots...

Prinsesa Sa Kalsada(One shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon