Day 2: Mall Stalker
"Hello, Tita Diana?" sagot ko sa phone ko. Tumatawag kasi ang mama ni Kenjo, nakalimutan atang may anak siyang kadugo niya. Ahihihi.
"Iha! Asan ka ngayon? Saturday pa naman! Ay, mamaya, around 6:30 PM, magdi-dinner tayo sa bahay namin, kasama ang Mama mo, maghanda kayo ha!" Tita Diana
"Okay po, Tita. Ako po? Nandito lang po sa bahay, pero magsha-shopping po ako para bumili ng bagong sapatos, magdi-dinner ho kasi tayo mamaya." I answer. Eh talaga naman eh. Kung pwedeng Vans ang suotin ka-pair ng dress, dito lang ako sa bahay eh. Kaso ang informal tignan.
"Iha, ano ka ba! Sabi ko naman sa'yo na Mama Diana nalang diba? Nakakalimutan mo nanaman? Hahaha, sige, kung magsha-shopping ka, isama mo nalang si Kenjo, para di maumay jan. O sha sha, magsta-Starbucks muna kami ng Mama mo ha! Bye iha!" Taray, Starbucks pa talaga. Kopiko lang, okay na ako eh.
"Sige po, Ma. Enjoy po kayo." sabi ko bago ibinaba ang linya.
At dahil tamad ako at nahihiya pa'rin kay Kenjo kahaponㅡwhich,
SHET YUNG NANGYARA MGA BES! HALOS HIMATAYIN AKO SA 'BABE' AT 'FIANCÉÉ' DAW SHET AKAL KO NGA KUKUNIN NA AKO NI LORD NUN! NAGPA-NOVENA TALAGA AKO PAGKATAPOS.
Okay, tama na, nailabas na.
Tinext ko si Kenjo, which, nasa kwarto lang naman niya. Eh wag nga, hiya ako eh. Ahihi.
To: Kenj
MoA ako ngayon, may dinner daw kasi mamaya kina Tita Diana. Sasama ka?
Okay na ba? Send na?
Sent!
Umakyat na ako sa kwartoㅡwhich is katabi lang ng kwarto ni Kenjㅡat pumasok. Magbibihis na ako, 2 PM na kasi, gusto kong mamili ng matagal, tsaka makapag-libang na'rin.
Bedeep!
Kinuha ko ang phone ko matapos kong nakapasok ng kwarto.
From: Kenj
sasama sa'yo sa dinner? malamang. sasama sa'yo sa MoA? hindi.
Uh-kay. Cold pa'rin kahit text.
Inilapag ko nalang ang phone ko sa higaan at nag-half bath na. Ang iniiiit kasi.
Pagkatapos, mabilis akong namili ng damit. Tinignan ko ang sarili sa salamin; gray top, black skater skirt, black high-cut Converse. Sorry po, nasisilawan ako sa mala-rainbow na pananamit eh. I'm into dark colors.
Dinampot ko ang sling bag kong light brown at lumabas na, kasama ang phone ko.
To: Kenj
Sige, ikaw bahala.
Pa-cold kuno ang reply ko. Hehe, kenekeleg pe'rin eke dehil kehepeeeen! Ahihihi.
Pagka-apak ko sa garage, pinatunog ko agad ang sasakyan gamit ang remote nito. Sa panahon ngayon, ang mga 17 yrs old, may lisensya na :)
Nag-drive ako papuntang MoA at pinark ito. Pumasok na ako ng mall at hinanap ang KFC. Gusto ko mg Krushers eh. Hehe.
Binilisan ko ang pag-take out ng Krushers para makalakad-lakad ako, habang naghahanap ng magandang shop.
"Erin? Erin! Erin!" may narinig akong boses ng lalake. Teka, pamilyar...
Tinignan ko kung saan nanggaling ang boses, at nang nahanap ko,
"Hi Erin! Natatandaan mo pa ako?" Sabi niya ng malapit-lapit na siya sa'kin.
"Oo naman, Kyle. Hindi naman ako nakakalimot ng taong kahapon ko pa nakausap, at tinulungan pa ako." at nginitian ko siya. Si Kyle nga.
BINABASA MO ANG
Hundred Days to Fall (in love)
Teen Fictionall I need is for you to give me 100 days to make you fall. after those days, i'll give you a day to think. either you'll stay, or walk away. "Sabi nila, lahat ng mafa-fall, mababasag. I will prove that wrong, Kenjo Eiohn Cortes." - Erin Thia Sabell...