Prologue

5 1 0
                                    

Naranasan mo na ba yung sitwasyon na, wrong time with a right person? Yung tipong nasa kanya na halos lahat ng hinahanap mo at mayroon ka ng contentment but still, hindi pwedeng maging kayo. Ang hirap di ba,  mahal na mahal niyo na yung isa't-isa pero hindi rin pala kayo magiging masaya sa huli. Ang hirapp...
Ang hiraaaaaaappppppppp kapag wala ng load yung Wifi!!!!
"tsk! Pambihira, kung kelang matatapos ko na yung pag-download, saka naubos yung load!"-himutok ko habang nagdadabog sa kuwarto ko. Kasalukuyan kasi akong nagdadownload ng mga korean themesongs ng Kdramang katatapos ko lang panoorin.
"Haiiisssttt!! What the Hell!!"-sigaw ko

"Hoy!! ano ka ba namang bata ka!! Kay ingay-ingay mo, dinig na dinig sa buong barangay!"-si nanay , sabay pasok sa room ko.
"Modear!! wala ng load yung wifi oh"- reklamo ko
"Hay naku, bumaba kna lang at ang daming hugasan sa baba."-sagot nya at iniwanan na ako. Natatamad pa akong bumangon ngunit pinilit ko kasi alam kong sesermunan na naman ako.

"Hindi porke't December na at wala kayong pasok ay tatamad-tamad kana, anak"-si tatay naman na saktong nagkakape sa sala.
"pasensya na po"-sagot ko at hinarap na ang mga hugasin. Maya-maya ay narinig ko ang ingay sa labas.

"Insannnn!!!"- sabay pasok sa kusina nung pinsan ko. Siya nga pala si Monique, cousin ko, kasama nya ung younger sister nya na si, Maurice.
"Oh, mga insan!!"-bati ko din
"Asaan si ate Rein?"-tanong ni Monique tungkol sa ate ko.
"Andun sa kwarto niya"-at pinuntahan agad nya ito, naiwan naman si Maurice.
"Ate , may new Kdrama ka ba?"-tanong agad ni Mau.
"Meron! Pero wait lang, tapusin ko lang to ha?'-saad ko at tinapos ko na ang paghuhugas ng pinggan.

Maya-maya ay biglang dumating si kuya Johannes , older cousin namin. Kaya nagipon-ipon kami sa sala.
"Ay kayo ay pwede ko bang isama sa mga sayawan, ayos lang ba?'-tanong ni kuya.
"Ay sakin ay ok lang, basta wag mong apabayaan yang mga yan"-sabat ni mother , kala mo siya ang iniimbita hahahah.
"Tara na mga insan!"-sagot ni Monique
"Okay.."-sabay naming sagot na tatlo.
"Ay hala, mamayang 8 ay mapunta na kita dyan sa kalapit barangay natin"-sabi ni Kuya Johannes at nagpaalam na samin.
"mamaya na pla yun?"-tanong ko.
"Oo ay hala, mauwi na muna kami"-paalam nina Monique.

Agad naman akong nagpunta sa room ko. Wait, Bakit nga pala hindi pa ako nagpapakilala sa inyo? By the way, my name is-------...

"Kriiinnnngggg...."-pagtunog ng phone ko.
"Boyfie is calling..", sinagot ko agad.
"Yes? Labidooo??"-natatawa kong sagot.
"Babe, bakit antagal mong sagutin?"-iritadong tanong ni Rex, boyfie ko for almost 2 months.
"sorry, naiwan ko phone ko dito sa room ko"-sagot ko.
"ah ganun ba, puntahan kita mamaya jan ha?"-sabi niya.
"Wait!! ----"-hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nalowbat na cp ko.

"aiisshhh!! May lakad kami mamaya eh! "-saad ko. Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama ko sa sobrang frustration.
"Blaaagggggg!!!"-isang ingay na lalong nagpastress sakin.
"arayyyy ko, huhuhuhuhu,,"-nalaglag kasi ako sa kama ko, bagsak ako sa sahig. Ang sakit ng balakang ko hahahaha..

Okay, sa Chapter 1 na lang ako magpapakilala!! Babush!!!..

In God's Perfect TimeWhere stories live. Discover now