7:30 p.m.
Ready na ako papuntang sayawan, hinihintay ko na lang yung mga pinsan ko, at syempre yung sasakyan naming mga motor. Maya-maya dumating na si Rex.
"Uy sorry, di ko nasabi na may lakad kami ngaun , nalowbat kasi cp ko eh"-salubong ko agad sa kanya sa may terrace namin. FYI guys, legal po kami dahil napakabait at supportive ng aking parents.
"Okay lang, sasama na lang ako sa inyo"-sagot niya.
"sure ka?'-tanong ko
"oo, baka pag hindi ako sumama, madaming sumayaw sayo"-seryosong sagot niya.
"ay sus, seloso"-padinig ko sa knya,
"Oo na, eh mahal kasi kita"-sabi pa niya
"tsk!tahan dyan!"-sabay irap ko.
"uy tara na?"-yaya samin ni kuya at mga pinsan ko, kumpleto na kasi kami at yung buong club namin.
"sakin kana umangkas ha,"-saad ni Rex
"oo naman! Ikaw pa di makarequest"-sabi ko naman sabay wink sa kanya at ayun na nga Gorabels na kami. Malapit lang naman yun eh.Actually,ganito talaga sa mga probinsiya, lalo na sa aming bayan, nagkakaroon ng sayawan ng mga kabataan sa ilang mga barangay, kahit malayo pa yung iba, dumadayo sila. Pero kami, hindi kami dumadayo sa mga malalayo, sa mga karatig barangay lang.
Eto na nga nagstart na ang sayawan. Syempre, maraming sumayaw sakin papahuli ba naman ang ganda ko? haha..
" asar naman tong si Rex , hindi man lang ako inasayaw, pinagtyatyagaan ko lang yung mga sumasayaw sakin na mga amoy alak at sigarilyo..",himutok ko habang nagngingitngit ako dto sa upuan ko." insan bkit hndi ka inasayaw ng boyfriend mo?" tanong ng pinsan ko.
"Ewan ko ba kung bakit andun lang siya sa isang tabi"nagdadamdam na sagot ko
Badtrip na talaga ako."Miss pwede ka bang maisayaw?", tanong ng isang matangkad na lalaki na nakatayo sa harapan ko. At dahil badtrip ako tinanggap ko na lang ung nakalahad niyang kamay.
Nung nasa gitna na kami hindi ko enexpect yung sasabihin niya.
"miss, hindi ka ba nahihirapang ksayaw ako?"paFc niyang tanong"huh? at bakit nman?"kunot-noo kong tanong.
"eh kasi ang liit mo, tapos ang tangkad ko, "Papresko pa niyang sagot.Agad na nagpanting ang tenga ko.
"eh may hangin pala to sa ulo eh",naiinis na sabi ko sa sarili ko.
" uy miss magsalita naman, hangin ba ang kausap ko ha?" reklamo niya.
"hindi nman" napatungo na lang ako.
"Miss, alam mo mas maganda ka kung hindi natatabunan ng buhok mo yung mukha mo." saad nya.
"ganun ba"
" Gusto mo ako na ang maghawi?" tanong niya.
" hindi na, ako na lang" at agad kong hinawi yung buhok ko na tumatabon sa mukha ko.
" Ayan, mas maganda ka" biglang sabi niya.Teka knina pa nya ako kinakausap pero hindi pa din siya nagpapakilala ah. Hanggang sa matapos yung kanta na hindi ko man lang siya nakikilala.
Ang sumunod na kanta ay isinayaw na ako ni Rex.
"babe sorry kung ngaun lang kita naisayaw." explain ni Rex
" okay lang hindi naman ako nagtatampo eh" sagot ko,
" Thanks babe", saad niyaAt tuluyan ko ng naenjoy yung gabing yun. Muli na naman akong isinayaw nung guy kanina.
" ikaw na naman?" reklamo ko nung hinila na niya ako sa gitna. Take note! hinila niya talaga at hindi man lang ako tinanong kung sasamahan ko ba siya. Hay naku! FC talaga as in feeling CLOSE siya,!!
"Bakit na naman po,?" masungit kong tanong.
"ayoko kasing matapos ang gabing to na hindi ka nakikilala" seryosong sabi nya."okay" tipid kong sagot.
"Ako nga pla si Jan Kevin Lopez eh ikaw anong pangalan mo?"
"Reshie Aina ", tipid kong sagot
" eh anong apelyido mo?"
"Reshie Aina Dellapar", walang gana kong sagot.
" Nice to meet you Aina, pwede ba kitang tawagin sa pangalang yun?" tanong niya.
" okay, marami rin nmang tumatawag sakin sa ganung name eh"..
"thankss", nakangiti niyang sabi.And dun na natapos yung usapan namin hanggang sa mag uwian na kami.
" babe, nag enjoy ka ba ngayong gabi?" tanong bi Rex.
" huh? ah.. Oo naman, masaya naman", sagot ko habang okupado ng isip ko si Kevin.
"haiistt, bakit ko ba iisipin yung FC na yun?", ipinilig ko yung ulo ko upang hindi na siya maalala pa.------
YOU ARE READING
In God's Perfect Time
HumorNaranasan mo na ba yung sitwasyon na, wrong time with a right person? Yung tipong nasa kanya na halos lahat ng hinahanap mo at mayroon ka ng contentment but still, hindi pwedeng maging kayo. Ang hirap di ba, mahal na mahal niyo na yung isa't-isa pe...