Love Story

66 4 6
                                    

Hi :) Ako po si Mae Devern . 17 years old at Isang first year college student. Ang buhay ko ay puro libro lang. Hindi ako nerd dahil wala naman akong sinusuot na salamin.anonh konek nun?

Sabi nga ng bestfriend ko, dapat na daw ako mag ka boyfriend. Palibhasa maraming manliligaw at maraming naging ka relasyon. Pero ayaw ko pa talaga mag boyfriend kahit may nanliligaw man.

Hindi sa ayaw ko magkaroon ng lovelife. Hindi ko pa kasi nakikita yung lalaking nagpapatibok ng puso ko.

Uwian na at marami na namang mga estudyanteng nag aabang ng masasakyan. Malakas ang buhos ng ulan. Siguro dala narin ito ng low pressure o kaya may bagyo.

Sa Petron ako parating nag aabang ng masasakyan kasi mas madali mka hinto ang jeep dito.

Pag kasakay ko, inayus ko muna ang pag ka upo ko at tinignan ang mga pasahero ng jeep.

Malapit na ako sa babaan ng jeep ng may nag abot ng pamasahe.

"Miss, pakisuyo." Nakatulala ako noong narinig ko ang boses nya. Inabot ko yung pera at nginitian siya. Di ko akalaing ngingiti rin siya pabalik sa akin. " Sta. Lucia Village. May bababa ba?" Muntikan ko nang makalimotan na bababa na pala ako. Mabuti nalang at nag salita si mamang driber. Sayang nga lang kasi, di ko nakasaman ng matagal si Mr. Ngiti. Ang ganda kasi ng ngiti nya eh.

Pagkarating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni mama ng towalya. Nabasa kasi ako sa ulan eh hindi naman kasi ako mahilig mag dala ng payong.

"Kumain ka na Mae baka gutom kana,kumusta araw mo?" Ganyan talaga si mama, magtatanong kung ok lang ba yung araw ko. Open ako kay mama. Kaya alam nya lahat ng problema ko.

"Ok lang naman po. Ahm. Ma, aakyat lang ako sa itaas at magbibihis lang muna" pag papaalam ko kay mama. Umakyat naman kaagad ako sa kwarto at nag bihis.

Pagkatapos naming kumain, natulog na agad ako.

Kinabukasan, pumasok na ako. Walang ka art art yung buhay ko. Sabi nga nila na ang KJ ko daw. Eh ayaw ko lang naman sumama sa gimik nila eh..

Umuulan parin at andito naman ako sa Petron. At usual, nag hihintay parin ng jeep. Basang basa na talaga ako kasi hindi ako nag dala ng payong. Palibhasa ang tamad ko kasi. ✌

Tumigil ba ang ulan?,parang wala nang pumapatak eh. Tumingala ako at nakita ko naman si Mr.Ngiti oO, siya nga.

"Miss, ba't nagpapaulan po kayo?" Tanong nya na nakahawak parin sa payong.

"Hindi kasi ako mahilig mag dala ng payong eh. " ngumiti naman siya at tumingin sa kawalan. Ang gwapo nya talaga. Napabalik ako sa katawang tao ko ng makaramdam ako ng kamay sa balikat ko. Yun pala, inakbayan nya ako para di ako mababasa at inilapit sa kanya. Bigla nyang hinawakan yung wrist ko at hinatak ako papunta sa jeep. Magkatabi kami ngayon. Pag ka tigin ko sa kanya, nakatingin rin pala siya sa akin at ngumiti siya. Ngumiti rin mana ako. For the first time, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Di kaya, may gusto ako sa kanya?Ang bilis ko naman ata .

Parati na kaming mag kasabay sumakay ng jeep. Minsan nga siya yung na una sa Petron. Mga almost 3 weeks na kaming close .Ang pangalan nya pala ay John Cortez , 17 din edad nya. At ang kurso nya ay Chemical Engineering. Minsan nga hinahatid nya ako sa bahay. Pinakilala ko naman siya kay mama. Nung una nga hindi naniwala si mama na kaibigan lang kami. Tinawanan tuloy ako ni John. Napahiya ako dun ..

Petron Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon