*

92 2 0
                                    

Ako'y nakahiga ngayon sa isa sa mga upuan dito sa parke upang tingnan ang mga nag gagandahang mga bituin sa kalangitan.


Nakagawian ko na eto simula pa noong bata pa lamang ako. Pag patak ng ala syete ng gabi, tumatakas ako sa bahay para dumiretso dito sa parke upang kausapin at titigan ang mga bituin.


Ang mga bituin ay nag sisilbing "stress-reliever" ko araw-araw. Makita ko lang etong nag nining-ning sa kalangitan ay para bang, napawi na ang pagod na nararamdaman ko.


Isa pang rason kung bakit gusto ko tingnan ang mga bituin ay dahil, napaka simple ngunit napakaganda nila. Biruin mo, nag nining-ning lang sila, nakukuha na nila ang atensyon ng mga tao.


Minsan nga ay napapaisip ako. "Paano kaya kung mag astronaut na lang ako?" Ngunit natatawa lang ako pag naiisip ko yan dahil, napaka imposible naman mangyari nun.


Ako si Bryan, 23 taong gulang at ang lalakeng inaasa lang sa mga bituin ang magiging landas ng kaniyang buhay.


Napakatanda ko na ngunit naguguluhan pa rin ako sa aking buhay. Napakaraming tanong at napakarami kong pinagsisihan. Para bang, hindi ko maintindihan kung anong laro ang ginagawa namin ng tadhana.


Tumayo na ako at inayos ko muna ang aking sarili at pakatapos, tumingala ako sa kalangitan upang mag paalam sa mga bituin.


"Mga tol, kayo na bahala saakin ah?" Pabulong kong sabi at ngumiti. Huminga muna ako ng malalim atsaka nagsimula ng maglakad.


Sa tuwing napagmamasdan ko ang mga taong nakakasalubong ko, napapaisip ako.


"Nakuha na kaya nila ang punto ng buhay nila?"


Pag nakakakita ako ng mga magkarelasyon na masayang nag kwekwentuhan, magkahawak ang kanilang kamay o nag yayakap ay di ko talaga maiwasang mainggit. Hindi pa manlang ako binibiyayaan ng babaeng mag paparamdam saakin na espesyal o may silbe ako sa mundong eto.


Baka naman sa sobrang laro saakin ng tadhana ay makalimutan na akong bigyan ng babaeng mamahalin ko ng pang habang buhay.


Pero sana naman hindi. Kahit papaano, gusto ko rin makita ang mga magiging anak ko na lumaki at kuntento sa mga ibinibigay naming mag-asawa sakanila.


"Oh Bryan, may ipapakilala ka na ba saamin?" Pabirong tanong ni mama saakin kaya naman ay natawa kami ni papa. Parati yan ang tinatanong saakin ni mama pag nakauwi na ako sa bahay namin. 


"Sana nga meron na, ma." Natatawa kong sagot habang nag mamano sakanilang dalawa.


"Nako, tumatanda na kami anak. Bigyan mo na kami ng apo." Pabirong sabi ni papa. Napangiti naman ako nung tumawa silang dalawa.


Siguro, sa ilang taon ko ng nabubuhay dito sa munodng ito ay sila mama't papa pa lang ang natatanggap kong biyaya na sobra talaga akong nagpapasalamat sa Diyos.


Supportado kasi nila ako sa kung ano man ang gusto ko at hindi man kami yung pamilya na sobrang yaman at kung ano ang gusto nila ay bibilhin na nila, kami naman yung pamilyang sobrang yaman sa pag mamahal. Eto talaga ang pinagyayabang ko sa iba eh.


Kahit hindi na ako bata ay pinaparamdam pa din nila saakin na bata pa ako. Ako lang kasi ang tanging anak nila dahil natakot na mag buntis ulit si mama. Ewan ko kay mama kung anjo saktong rason pero dahil ata sa hirap.


Pagkakain ko ng hapunan ay saglit muna kaming nag kwentuhan nila mama at papa, ikweinento ko ang ga nangyari saakin sa trabaho at kwinento ko din na tumambay ako saglit sa parke upang titigan ang mga bituin. Habang sinasabi ko sakanila na tinititigan ko pa din ang mga bituin hanggang ngayon ay napapangiti sila dahil, naaalala nila yung pag takas ko noon dito sa bahay upang masilayan lang ang mga bituin.


Pagkatapos namin mag kwentuhan ay dumiretso na ako sa kwarto upang mag pahinga. Saglit muna akong huminga at naghilamos na.


Isa nga pala akong manunulat. Sabihin na nating kilala ang mga naisulat ko sa buong Pilipinas ngunt, hindi nila ako kilala. Pero ayos lang, di ko naman pinangarap na makilala ng karamihan e at dahil na rin siguro sa pagkamahiyain ko.


Lahat siguro ng napagdadaanan ko ay ginagawan ko ng kwento. Lalo na yung mga desisyon na pinagsisihan ko ng sobra para naman, makatulong ako sa mga nag babasa ng mga kwento ko at balaan sila na huwag na iyon gawin para hindi sila matulad saakin na sising sisi sa mga pinag gagawa ko noon.


Loko-loko akong estudyante at sobrang tigas ng ulo ko noon. Madalas akong absent noon para gumimik, mag inom at mag yosi kasama ang mga kaibigan ko kaya naman pag dating ng kuhaan ng card, sermon ang na aabot ko kanila papa. Naging playboy din ako noon at hindi ko na mabilang kung ilang puso ang binasag ko noon.  Siguro, nag tanim yun saakin ng sama ng loob. Di ko naman sila masisisi.


Sa bituin lang talaga ako lumalambot ng sobra. Kahit sobrang tigas ng ulo ko at pusong bato ako noon, pag pumupunta ako sa parke para kausapin ang mga bituin ay nanlalambot ako. Napapatanong na lang ako bigla sa sarili ko...


"Bryan, ikaw pa ba to?"


BituinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon