•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
CHAPTER 1
"Hoy pila na daw" sigaw ng president namin na si KC
Buti nalang medyo malamig ngayon hindi tulad dati. Hayss sabagay January ngayon, actually kakabalik lang namin from Christmas break
Habang papunta na kame sa pilahan may tumawag sa akin.
"Nag ring na naman yang phone mo, another fashion show?" Sabi ni thea, one of my friends
"Or another call from another friend" si leigh friend ko din
Tumawa nalang ako at agad sinagot baka kase emergency.
Nakita kong si tita Romina ang tumatawag, isa sa mga manager ko kaya sinagot ko na
Me: Hello po tita
Tita Roms: hello 'nak. May photoshoot nga pala kayo next Wednesday, may importanteng gagawin ka ba?
Me: ay wala naman po, ano po bang oras tita Roms
Tita Roms: start tayo ng 11 ng umaga pero may rehearsal ng 9:00am, pati sa Sat and Sun 1:00pm-3:00pm
Me: ah sure po tita
Tita Roms: okay sige babush na
Me: babush na rin po tita hahahah love u po
At inend ko na ang call
"Tara na, hanggang ngayon talaga andami mong kausap hahaha" sabi ni Leigh sa akin
"Sorry na siz hahaha" sabi ko sa kanya ng may nakita ulit akong friend
"Hoy siz tara mag audition sa dance troupe. Btw namiss kita" salubong sa akin ni Rubie
Hinug ko siya kaya hinug back nya rin ako.
"Namiss din kita siz hahaha. Hmmm yung dynamica? O sige" sagot ko sa kanya.
"Si Thea and Leigh nga pala turo ko sa dalwa" sinenyasan ko si Rubie na kausapin sila. Baka magreklamo uli na op sila hahaha.
"Oh hi guys nice meeting u" sabi ni Rubie sa kanila at ngumiti lang silang dalawa.
Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha itong lakas ng loob ko. I feel like super fc ko na hahaha
"Una na kame siz" paalam ko sa kanya
"Hatid ka pala namin" sabi ko dahil napansin ko agad na wala siyang kasama.
Hinatid na namin siya sa pilahan nila at dumiretso na kami sa pilahan namin.
"Sorry ha? napachika na naman ako hahaha" sabi ko sa kanila.
Gusto ko sana maging friendly sila para diba di na sila op. But maybe they are just making sure to the people na makakasama nila. Pero sure naman din ako although may iba akong friends na akala ng iba ay masama pero sa akin mabait naman sila. Problema kase sa iba hindi na nga nila kinikilala hinuhusgahan pa nila, tsk.
Nagdasal, kumanta ng Lupang Hinirang, nag Panatang Makabayan, kinanta ang Dominic Hymn, nirecite ang Philosophy, Mission, Vission, and Goal, and lastly yung exercise.
Nasa pinakalikod si Ara, friend ko din at nasa harap nya ako. Dance Leader ako kaya kailangan kong pumunta sa una pero mamaya na tutal nag-aayos pa naman ang dynamica(name ng dance troupe).
"Kita mo yun?" turo ni Ara dun sa bandang dulo na maputi.
I felt nervous and i dont know why. Weird.

YOU ARE READING
UNEXPECTED FALL
RomantikI never expect that I will fall to someone, specially to him.