Natagpuan ko ang sarili ko na nakaluhod habang pinalilibutan ng higit kumulang labin-limang mga tao. Pero ang mas pumukaw ng atensyon ko ang dalawang taong nasa harapan ko. Hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanila kaya naman yumuko na lang ako at taimtim na nananalangin na sana hindi nila ako saktan.Puno ng hinanakit at poot ang kanilang mga mata na para bang isa akong kriminal sa kanilang paningin.
Hindi ko alam kung anong nangyayari hanggang sa may narinig na lamang ako na tunog ng pagkasa ng baril.
B-baril.
Alam ko ang bagay na yan dahil nakikita ko na ang bagay na yan sa mga kasamahan namin sa bahay.
P-pero bakit nakatutok sa akin ang isa sa pinaka-kinatatakutan kong bagay sa mundo?
B-balak ba nila akong patayin?
Napahagulgol ako sa isipang iyon kasabay ng mabilis na pag-iling ngunit mas lalo lamang nanlisik ang mga mata ng dalawang tao sa harap ko."You should die."
Tila isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kapaligiran kahit na ang paghikbi ko ay hindi ko na marinig. Naging manhid na ba ako? P-patay na ba ako? Pero hindi pa ako nakakaramdam ng anumang sakit sa katawan ko.
Hanggang sa napagtanto kong buhay pa ako. At mamamatay pa lang. Unti unting ginalaw ng lalaking nasa harap ko ang daliri niyang nasa gatilyo ng baril kasabay ng pagsigaw at pagpikit ko.
E-eto na ba yun? Pero msyado pa akong bata. A-ayoko pang mamatay... G-gusto ko pang maging isang doktor.
Bago ko pa matapos ang mga iniisip ko ay isang umaalingawngaw na tunog ang namayani sa paligid kasabay ng pagbigat ng katawan ko.
*BANG
Nagising ako na basang basa ng pawis sa noo at leeg. Nakakatawa. This time, hindi na lang pawis ang namumuo sakin. Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mata ko at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
Mariin kong ipinikit ang mata ko at inalala ang panaginip ko na ilang beses ko ng napapanaginipan.
Fuck. It's really hard to reminisce something when you remembered nothing.
Nagulat na lang ako nang dali daling pumasok si Nanay na may dalang isang baso ng tubig at hindi maipinta ang mukha. I sighed. She heard me.
Lumapit siya sakin at umupo sa kama. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko ng may pag-aalala sa kanyang mga mata.
I only stare her, as if memorizing every part of her face.
"Justine anak, anong nararamdaman mo? Uminom ka muna ng tubig. Tell me darling, what was your dream this time?"
Dream. Hearing that word again made me tremble in fear and I don't fucking know why.
I immediately drink the water and sighed. I look straight in to my mother's eye and smiled just to make her sure that I am totally fine.
"It was the same nightmare I had always dreamed of, Mom".
YOU ARE READING
Uranophile
Aktuelle LiteraturMoon Star Dark sky Fresh night air and being alone Is her real comfort zone. She isn't a selenophile nor asterophile. Because she's an uranophile. Who is damnly inlove with both moon and stars.