I am Miss Daydreamer!

56 2 1
                                    

Yssah POV

"Will you marry me Yssah?"

Grabeeeetiii! Ngayon lang ako kinilig ng ganito. Ganito pala ang feeling ng may magpo-propose sayo... haaay...

"Say YES! Say YES!"

"Oo na yan, si bezzie pa." naririnig kong sinisigaw ng mga tao sa paligid at ni bezzie (bezzie talaga yan as in ZZ haha!)

Grabeeeetiii na iteeey! Ene bey! Kakilig.

Yssah Inhale, Exhale okay? Haay sasagot na ko eto naaaaa......

"Y-Y...YE....."

"Hoy Yssah! YSSAAAAAAAAAAH! Gisiiiiiing! Anong ni-ye yes yes mo dyan ha? Bumangon ka na at baka malate ka pa sa klase mo!" Panggigising sakin ni Mama sabay labas ng kwarto

Haay naman... talaga, Panaginip lang pala. Nagising na ko kanina eh tapus nakatulog ulit dahil sa daydreaming haha! Habit ko na atah talaga yun ung mag-daydream.

Pero mag-ye Yes na nga ako di pa natuloy, sa Panaginip na nga lang eh tapus naputol pa.

"Hindi bale magkakatotoo din yun. Don't stop dreaming Yssah! Go girl!" Sabay pose sa salamin.

"Hala Anak anong nangyari sayo? Kinakausap mo na naman sarili mo tapus may pa pose pose ka pa jan sa salamin. Level up sa kabaliwan anak?" pang-asar na sabi ni Mama na hindi ko namalayan na kanina pa pala nasa pinto ng kwarto ko at nakasilip.

"Sige na bumaba ka na dun at kumain ka na para makapasok ka na." -Mama

"Opo Ma."

"Baba na ha"- Mama

Ako nga pala si Yssah Montero, 18 yr. old, 3rd yr College sa West Heart Academy taking Theater Arts. oh ha! Dream ko kasi talaga maging Actress haha! at nakatira sa BAHAY haha! Wag nyo na alamin kung saan baka istalk nyo pa ako eh pero find me on FB. chos! Haha!

Papuntang School
Hayss... bakit pa kasi nasira yung Car namin eto tuloy maglalakad na naman ako at maghihintay ng tricycle na dumaan dito sa Subdivision or else sa labasan pa. Nakakainis! Tsss! Asan na ba kasi ung Mercedez Benz ko at si Manong Driver?! Haha nangarap na naman si Yssah the daydreamer girl. Pero may sasakyan talaga kami, Toyota Vios. Kaya lang daw na-flat yung gulong kagabi sabi ni Papa kaya dinala nya muna sa pagawaan.

"Panget! Panget!" Hingal na sabi ng taong parang kanina pa tumatakbo at nagmamadali.

Pagharap ko si Ericson lang pala. Pustahan tayo aasarin lang ako nito.

"Oh bat hinihingal ka dyan?" -Ako

"Kasi kanina pa kita hinahabol at tinatawag pero dedma ka naman." -Ericson

"Sana kasi tinext mo ko para naintay kita PO!" -Ako

"Sus! Siguro daydreaming ka na naman dyan Panget, habang naglalakad kaya ganyan din lakad mo pagewang gewang. Wala ka na naman sa sarili mo Panget!" -Ericson

"Panget talaga? Hoy Ericson Maganda nga ako OKAY? GOD NEVER CREATED AN UGLY PERSON. (Sabay taas ng kamay sa langit) TANDAAN MO YAN." Iritang duro ko sa kanya
Sabi sa inyo eh mang aasar na naman yan.

"Oh sya ibaba na ang kilay Ms. Maganda at ngiti na okay?. Tara na po at baka malate pa tayo." -Ericson

Teka.. teka.. Sino si Ericson???
Abangan! BTW.. Salamat po sa pagbabasa. God bless!

Miss Daydreamer!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon