Bago Ka Lumisan

41 0 0
                                    

"Nariyan na si Jarred."

Napalingon ako sa tinuro niyang direksyon at naroroon nga si Jarred. Naglalakad papunta sa direksyon namin.

Ako nga pala si Lurian Santiago, ang aking palayaw ay 'Lur' at si Jarred Salvador naman ang aking kababata na matagal ko ng hinahangaan.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hangaan siya. Ilang buwan pa nga lang ulit kaming nagkasama? Kasabay naman noon ay ang lalong pagkahulog ng loob ko sakanya. Paano ba naman kasi halos nasa kaniya na ang lahat ng nanaisin ng isang babae sa isang lalaki.

Ngunit hindi ko kayang aminin sakanya iyon. Kasi alam ko naman na walang mangyayari, e. Masasaktan lamang ako. Ayos na ako ng ganito, nakakausap ko siya at nakakasama ko siya kahit na kami ay magkaibigan lamang. Hindi niya alam na may gusto ako sakanya at lalong hindi niya alam na nasasaktan ako sa tuwing may kinukwento siyang babae sa akin.

"Hi, Lur!" lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Naisin ko mang ikawit ang aking mga kamay sa kaniyang bewang ay hindi maaari sapagkat wala naman akong karapatan.. hindi naman kami. Sa mata ni Jarred ay magkaibigan lamang kami at wala ng hihigit pa roon.

"Jarred.." sambit ko sa kanya at saka ngumiti. Praktisado ko na ang aking mga ngiti sa tuwing naroon si Jarred. Tumingin naman ako kay Carmela na kasa-kasama ko. Ngumiti lamang siya sa akin. Kung mayroon mang taong alam na alam ang aking nadarama, si Carmela iyon. Siya lang naman kasi ang kinukwentuhan ko kapag hindi ko na kaya ang bigat nung nararamdaman ko, e. Siya rin ang aking kasa-kasama ko kapag naiiyak at umiiyak ako..
siya ang saksi kapag ako'y nasasaktan..

"May lakad kayo mamaya?" tanong ni Jarred sa amin. Umiling naman ako kaagad. "Bakit?" tanong ko sakanya.

"May nililigawan kasi ako ngayon. Nais ko sanang ipakilala ka.." ngumiti siya sa akin. Nakita ko na naman ang kislap ng kaniyang mga mata sa tuwing mangyayari ito. May nakita na naman siyang babaeng na natipuhan niya. May babae na naman na pumukaw sa kaniyang atensyon.

Bakit ba hindi niya ako makita?
Narito lang naman ako palagi para sa kaniya pero bakit tila hirap na hirap siyang makita ako?

"Abala kami e.. may proyekto kaming kailangang tapusin." Hinatak naman ako ni Carmela mula kay Jarred. Agad ko namang iniwas ang aking mukha dahil naramdaman ko ang konti-konting pag-init ng sulok ng aking mga mata. Alam ni Carmela ang nararapat na gawain sa mga ganitong pagkakataon.

hays. sobrang laking pasasalamat ko talaga at nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ni Carmela.

Nakaiirita naman kasi, e. Hindi naman dapat ganito. Hindi ko naman dapat nadarama ito. Dapat kinakalimutan ko na lang aking nararamdaman para sa kanya. Ngunit bakit parang napakahirap gawin ang bagay na iyon?

"Akala ko wala kayong gagawin?" nadinig kong tanong ni Jarred kay Carmela. "Mayroon pala, tila nakalimutan lamang ata ni Lur na mayroon kaming kailangan tapusin haha" sagot naman ng aking kaibigan kay Jarred.

Hindi ko kayang iangat ang aking mukha sapagkat alam kong tatraydurin ako ng aking mga mata. Ganun naman parati, e. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Jarred, anim na beses na ata siyang nanligaw sa mga natitipuhan niyang babae. Kasa-kasama niya pa nga ako sa mga surprise na kanyang inihahanda para sa babae noon e, tapos kung may problema naman sila nung babae, ako naman si tanga, nariyan upang damayan siya.. kahit napaka-sakit na. Bibigyan ko pa siya ng payo kung paano niya dapat suyuin yung babae habang siya ay napakamanhid na tila hindi man lang maramdaman na nasasaktan na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bago Ka LumisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon