Ako'y sayo at ika'y akin
Mahirap man paniwalaan
Pero ito'y nagpapasaya sa akinBawat pag ikot ng mundo ko sayo
Ay ang pag gawa ng masasayang alaala
Masayang mga alaala na nagpapatibay sa pagkatao koMga pagsubok na aking natatalos
Mga ingay ng bawat kaluskos
Mga pag-asa na hatid ng unos
Ang pang-ibig ko na tatagos
Nagbibigay ng lakas sa aking bawat kilosIkaw ang kasiyahang nagbibigay liwanag
Sa mundo kong puno ng hilakbot
Na nagdudulot sa akin ng kirot
Na kahit kailan walang nagtangkang umabot
Para tulungan ako mula sa takotSa takot na sa mundo ko'y nakabalot
Mga pangarap na ayokong subukang ma-abot
Dahil sa takot na patuloy akong binabalotIkaw ang nagsi-silbing ilaw at init
Sa mundo kong madilim at malamig
Na sa bawat pag-ihip ng simoy ng hangin
Para mo akong nilalayo sa malalim na banginAko man ay nababalot ng takot
Tingin ko man sa mundo'y bulok
Ang hatid ko man sayo ay laging kirot
Salamat sa pag-ibig na sa atin ay bumalot
Aking sinta, sana ang tulang ito'y sayo'y ma-abot