"Anong meron dyan, ate?" Napahinto sya sa pagbabayad ng tricycle nang hatak hatakin ng nakababatang kapatid na lalaki ang laylayan ng luma nyang damit.Tiningnan nya ang itinuturo nitong nakabukas na gate ng mansion ng mga Barenuevo na tila may handaang magaganap.
Natatawang hinaplos nya ang buhok nito. "Hindi ko alam at kahit naman alam ni ate hindi naman tayo makakapunta dyan."
Ngumiti sya kay Mang Roy at inabot ang bayad nya. "Naku, Patricia! Imbitado ang lahat para sa hinandang piging ng mga Barenuevo para sa nagbabalik bansa nilang panganay."
"Talaga po?!" Singit ng kapatid nya na kinatawa ng matanda. "Mukhang masaya ho sigurado ang piging mamaya dahil lahat po pala ay kasama." Nakangiti nyang sabi.
"Tama! Asahan ko kayong dalawa mamaya, ah! Prince, isasama ko si Abigail para makapaglaro kayo."
"Sige po!"
Umiling sya sa matandang lalaki at ngumiti. "Sa susunod na lang po siguro, Mang Roy. Ang dami po kasing gagawin sa bahay."
"O sya sige!"
Masayang nilakad nilang magkapatid ang daan papunta ng bahay nila. Puro kwento ang kapatid nya tungkol sa eskwelahan na masaya nyang tinutugon.
Nang makarating sila sa tapat ng maliit at kawayang bahay nila ay pinauna nya munang pinapasok ang kapatid samantalang sya ay naghanda na sa kanilang maliit na lutuan sa labas ng bahay.
May ginawa doong maliit na Kubo ang tatay nya para gawing lutuan at dahil wala naman silang pambili ng gaas, kahoy ang ginagamit nila para makapag luto.
Sa araw na iyon ay wala ang mga magulang nya dahil nasa sakahan. Kasama nya lamang ang bunsong kapatid na si Prince. Ang kuya Pantaleon nya naman ay nasa eskwelahan at mamaya pa panigurado ang uwi.
"Psst, Patricia!" Lumingon sya ng may sumitsit sakanya mula sakanyang likod.
Nakatayo doon ang dalawang kaibigan na sina Althea at Esmeralda habang may sinusupil na mga ngiti sa labi.
May ginagawa man ay naglakad pa rin sya papunta sa kinaroroonan ng mga ito tsaka ngumiti. "Anong ginagawa nyo dito?"
Ngumiti si Althea bago sumagot. "May papiging ang mga Barenuevo mamaya dahil parating ang panganay na anak na lalaki. Makakasama ka ba?"
Umiling sya at itinuro ang gawaing bahay na kailangan nya pang gawin bago makauwi ang mga magulang. "Hindi pwede, eh. Marami kasi akong kailangan gawin dito sa bahay."
Nawala ang ngiti sa labi ng dalawa nyang kaibigan na ikinalungkot nya. "Pasensya na talaga Althea at Esme. Marami lang talaga akong kailangan gawin kaya hindi ako makakasama, tsaka nakakahiya na tayo pang mahihirap ang marami doon sa piging na inihanda ng mga Barenuevo."
"Bakit ka mahihiya? Eh imbitado ang lahat ng mamamayan ng Costa Brava doon sa piging." Sagot ni Esme.
Umiling na lang sya hudyat na tinatapos na nya ang diskusyon. "Hindi talaga pwede. Pasensya na Thea at Esme."
Bumuntong hininga si Esme. "Hayy! Lagi ka na lang tumatanggi sa paanyaya namin, Patricia. Kailan ka ba magiging willing na sumama samin?"
"Pasensya na talaga. Hayaan nyo sa pasukan, babawi ako."
"Hindi na kami umaasa pa." Natatawang turan ni Althea.
"Ayyy! Ganito na lang, para makapunta ka sa piging ng mga Barenuevo, tutulungan ka na lang namin sa mga gawain mo!" Excited na sigaw ni Esme.
"Oo nga!" Sigaw din ni Thea.
Napaingos sya dahil hindi sya tinitigilan ng dalawa. "Huwag na! Kaya ko naman eh, tsaka hindi ko kailangang pumunta sa papiging ng mga Barenuevo dahil mas may importanteng bagay akong kailangang gawin."
YOU ARE READING
Juvenile Affection #2: Friston Santino Santibañez Barenuevo
General FictionEverybody knows that this girl named Patricia Davina Aragon was already owned by Friston Santino Barenuevo. Indeed, Barenuevo owned Aragon. Series #1: Friston.