Princess Suck's :
Today.Today is the start of Royale Month.
Royale Month is a whole month celebration for all Vampires.
Ito yung panahon kung saan nagsasama lahat ng Royalties na bumubuo sa Red Core.
Limang Royalties ang bumubuo sa Red Core, una ay ang Rip Tore, ang Rip Tore ay pinamumunuan ng Shants Family. Pangalawa naman ay ang Hell Way, na pinamumunuan naman ng Antherotes Family. Pangatlo ay ang Sucker Field, na pinamumunuan naman ng Craton Family. Ang pang-apat naman ay ang nangangahas na sakupin ang Blood Royale na Bloodless Fear, na pinamumunuan naman ng Quirvana Family. At ang pinakahuli ay ang Blood Royale na pinamumunuan ng aking pamilya.
" Mahal na prinsesa, patawad po kung ikaw ay aking naabala pero kailangan ka na pong ayusan para sa magaganap na pagtitipon mamayang gabi "
Hindi na ako nag-atubili at nagpaayos na.
**********
Lumipas ang ilang oras at natapos na rin akong ayusan.
Isinuot ko ang kwintas na ipinamana sakin ng pumanaw kong Ina na si Queen Jovanne. Mayroon itong tinataglay na kakaibang kapangyarihan.
Kapangyarihan na tanging sa kwintas ko lang makikita.
Nakasuot ako ng Black Fitted gown, mas lalong lumitaw ang aking kulay. Nagniningning ang mapupula at mapupungay kong mata. Para makumpleto ang aking porma, sinuot ko ang aking korona na sumisimbolo sa posisyon ko bilang isang Prinsesa.
Pagkalabas ko ng pintuan mula sa closet, tumambad saakin ang mga gulat na mukha ng mga utusan ng kaharian.
" Naku mahal na prinsesa! napakaganda mo po at tiyak na mapapasaiyo ang atensiyon nila mamaya sa pagtitipon ! "
Sa totoo lang, ayaw kong makapukaw ng atensiyon sa iba, simula ng pumanaw ang mga magulang ko, naging mailap na ako sa mga tao.
************************************
Nag-umpisa na ang pagtitipon, napuno ang ball room ng Blood Royale Kingdom ng mga Bampira.
Isa-isang nagpakilala ang mga namumuno sa ibat-ibang Royalties ng Red Core.
Unang nagpakilala si King Sandoval Shants, siya na ata ang pinakamabait na pinuno na kilala ko. Si King Sandoval ay matalik na kaibigan ng aking butihin na ama. Simula ng pumanaw ang aking mga magulang si King Sandoval na ang tumayo bilang magulang ko kahit mag-kaiba kami ng kaharian.
" Let the peace in Red Core remains "
Nagpalakpakan lahat ng bampira, sumunod na nagpakilala ay si Queen Jenette, Si Queen Jenette ay mayroong sama ng loob sa aking butihin na ina. Sila'y matalik na mag-kaibigan noon at pareho silang nagkagusto sa iisang lalaki at iyon ay ang aking ama. Lubos-lubos ang galit ni Queen Jenette sa aking ina noong siya'y niyayang pakasalan ng aking ama. Para makapaghiganti, ginamit niya si King Martin para pabagsakin ang amng kaharian pero sila'y nabigo dahil nanatili itong buo at matatag.
" All hail the hell way "
Ang huling pabati ni Queen Jenette.
Pangatlong umakyat ay si Princess Camilla, ewan ko lang. Mali ang kanyang pamumuno, kahit ang mga magulang niya ay walang pakialam sa kahit anong desisyon na gagawin niya. Kada buwan ay nagkakaroon ng Twilight Party sa Sucker Field, nasa kaharian din nila nakalugmok ang mga walang kwentang bampira, nahawaan siguro ng mga walang kwenta nilang pinuno.
" Twilight Party will be held on next week, Your presence is all I need. 8:30 pm on Sucker Field "
Speech pa lang walang kwenta na.
Pang-apat na umakyat ay isang lalaki, lalaki na naka all black gaya ng saakin. Napakamisteryoso niyang tingnan, isama mo pa ang itim niyang maskara.
Napansin ko tumahimik lahat ng naririto ng tanggalin niya ang kanyang maskara.
Tanging pag-hinga nalang ng mga bampira ang iyong maririnig.
Napaka-amo ng kanyang mukha, ang kanyang mata naman ay nababalot ng ibat-ibang emosyon. Gwapo siya.
" So I hope you heard the news about the death of King Philip and Queen Eliza .. "
patay na sila ?! O.O
" Its not because of accident, I have a feeling that somebody do it on purpose .. "
Ramdam ko ang pagtingin niya sa mga mata ko. Para bang gusto niyang magpaabot ng mensahe.
" but now Im back, My name is Zeus Quirvana. Bloodless Fear is back on the track now that their prince is back."
bigla siyang umalis.
I was left dumbfounded.
Nanatili akong nakatayo sa aking puwesto, nang bigkla akong kinalabit ni Lord Xander.
" Your highness, it's your time "
Ako na pala, nag-simula akong maglakad papunta sa gitna. Inabutan na nila ako ng mic. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.
Ramdam ko ang mga mata nilang mausig na nakatitig sa akin.
Ayaw ko ng ganito.
Hindi ako sanay sa ganito.
" Mag-pakilala ka lang sa kanila Mahal kong Prinsesa. " bulong ni Lord Xander.
Nang mag-simula na ulit akong mag-lakad, nakarinig ako ng mga bulong-bulungan sa paligid.
" Siya na ba si Princess Mary?! "
" Bakit siya naka-itim? Attention seeker -_- "
Black is now my favorite color, dati pink pero simula nung mamatay ang mga magulang ko, nag-bago na lahat ng kinahiligan at gusto ko.
" Ang ganda talaga ni Angel ^__^ "
Alam ko kung kaninong boses yan. Sinudan ko kung saan nanggaling ang boses na iyo at pag-katingin ko sa isang sulok, nakita ko si Kristina.
Si Kristina ang dati kong matalik na kaibigan pero ngayon hindi na.
Nang mahagip ng mata niya ang mga mata ko, binaling ko ang tingin ko sa nilalakaran ko.
Yung ngiti niya.
Matapos lahat ng nangyari ngingiti siya, ang kapal.
Nang makarating na ako sa gitna, yinuko ko muna ang ulo ko at huminga ng malalim.
" Hi. Im Princess Mary Angela Kinova, Princess of Blood Royale. I rule, I serve and I protect this kingdom. We're going to remain as the strongest, wealthiest and scariest even though there is no more King and Queen. Don't forget their Princess is still alive. Blood Royale will still be Blood Royale, the one who is capable of the most heinous acts. Let's start the Royale Month by keeping our fangs calm and in harmony.
After I said those words, nag-simula ng mag-palakapakan ang mga bampirang naroroon. Umalis na rin ako sa gitna, babalik na ako sa kwarto ko. Ito lang naman ang pinunta ko dito.
***************************
Bubuksan ko na sana ang pintuan sa kwarto ko nang makaramdam ako ng presensya ng isang nilalang sa likuran ko.
" Be careful my Angel " bulong niya.
Lilingon na sana ako nang biglang humangin at pag-tingin ko sa likod ko, wala na akong naabutan roon.
Boses lalaki.
Sino kaya iyon ?
-----------------------------------------------------------------
Chapter 1 is done :)
Hi Idol Mary Angela Calaustro :D
Feedback po xx
~ Dyosalexis xxxxxxxx
BINABASA MO ANG
Blood Royale
VampirRivalry between five royalties that makes up Red Core : Rip Tore, Hell Way, Sucker Field, Bloodless Fear and Blood Royale.