My Best Friend's Last Wish (KathNiel One-shot)

511 10 3
                                    

@misswitty Dedic for you! I'm one of His BEDMATE's reader :) Sana mabasa mo 'tong one-shot ko. I super love love youuuuuuu!

My Bestfriend’s Last Wish.

“Huy…. Pssst kuyang sexy!” Tawag ko sa katabi kong nakatungo sa armrest niya. Sakto wala pa kaming teacher.

“…………………………..”

“Huy, patoots! Huy… Try mo kayang mamansin? Huy…..” Pagpapapansin ko ulit sa kanya pero ni hindi man lamang ako pinapansin.

“…………………………..”

“HOY KUYANG MAHILIG SA CARBONARA! PWEDE BA PANSININ MO AKO? HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KA NAGAGALIT SAKIN EH…. HUHU. PLEASE NA” Pagmamakaawa ko ulit sa tonong malakas na hindi tulad ng kanina.

“ANO BA ANGHEL! KATABI MO LANG AKO!” Naiinis na hinarap niya ako.

Huhu, sinisigawan niya ba ako?

“Eh kasi naman sexy eh…. Huhu, bakit ba hindi mo ako pinapansin? Tinetext kita di ba? Bakit wala man lang reply po?”

“Magtanong ka sa sarili mo Kathryn!” Sagot ni Daniel na sa tono eh, naiinis pa din.

Sandaling tumahimik ako……

Hanggang sa………

Tumingin siya sa akin.

“Saan ka kahapon bata?”

“H-huh?"

“Uulitin ko pa ba?”

God, nakakatakot ang bestfriend ko.

“A-ah… Nagpunta kasi…. A-hmmm..  Kila Kristoffer lang, ano kasi… A-ano… nagyaya siyang kumain sa labas kasi di na daw kami nagkikita araw-araw kasi nga diba? Lumipat na siya ng bahay.”

“Oh. Ah. Okay anghel.”

“Yun lang ba kinakagalit mo kuyang pogi?” Ngumiti ako sa kanya.. tila naman naging kamatis ang gwapong mukha niya ng tumingin siya sa akin.

“H-huh? Hindi naman ako nagagalit sayo anghel, worried lang ako kasi late ka na daw umuwi kagabi sabi ni tita, tapos nagtext ako sayo kahapon hindi ka naman nagreply dyan….” Bahagyang tumingin siya sa mga kaklase namin tsaka nagsalita ulit. “Atsaka…. Di mo naman maiaalis sa akin ang pagselosan yung dakila mong manliligaw, eh halos angkinin ka na sa akin nun eh. Alam mo na, syempre bestfriend mo ako kaya dapat ako ang una lagi.”

Natawa ako sa sinabi niya.

Speechless at the same time.

Nagseselos siya?

Oo, alam ko natural sa amin iyon. Dahil bestfriend naman kasi kami eh.

Yun lang… We’re nothing but Bestfriend.

Pero wag kayong mag-alala, hindi ako yung tipo ng bestfriend na katulad ni Mae sa pelikulang Paano Na Kaya.

Dahil hindi ko gustong sabihin na

Bogs walang namilit sayo, walang nagmakaawa sayo. Sinabi ko lang naman sayo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago yun. Bogs sana lumayo ka nalang, Sana umiwas ka nalang maintindihan ko pa yun. Pero bogs shinota mo ko eh, shinota mo ang bestfriend mo.”

Ayaw ko. Hindi ko gusto…

Dahil kung may gusto man ako ngayon, yun ay yung pagkakaibigan lang namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best Friend's Last Wish (KathNiel One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon