Sa panahon ngayon, masasabi kong hindi na uso ang mga liham.
You can easily send messages through e-mail. Effortless pa diba?
Nung bata pa ako, palagi akong kinukwentuhan ni Lola about sa mga ginawang panliligaw daw sa kanya ni Lolo noon. Kasama na dun yung mga love letters na paboritong basahin niya. Laman daw nun yung mga mensaheng nag sasaad kung gaano daw kamahal ni Lolo si Lola.
Napaka-corny naman no? Hahaha! Pero habang nakikinig ako sa mga kwento ni Lola, kinikilig ako. Mas maganda daw kasi kung pinag hihirapan daw at mula sa puso ang pagsusulat kasi ramdam mo habang binabasa.
May mga lalaki pa kayang katulad ni Lolo? Wala na yata. E kasi sa panahon ngayon, yung mga panliligaw isinasagawa na sa facebook, twitter, instagram at yung pinaka-in na in ay yung sa cellphone.
Lumaki akong kasama nina Lola at Lolo. Maaga kasi akong naulila. Namatay yung mga magulang ko nung 8 years old pa lang ako. Naging masaya naman ako kasama sina Lolo't Lola.
Kasalukuyan akong nanunuod ng Letters to Juliet ngayon. Mahilig akong mag movie marathon, lalong-lalo na kapag love story. Naniniwala talaga ako that each and everyone of us are meant to meet someone who'll make us feel special. Diba nga, we enter in relationships for us to love and to be loved? Kaya nga napaka hopeless romantic ko e.
Naniniwala akong Gino Rosales and I are destined to be together. Napaka-imposible man pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Sya kasi yung tipo ng lalaki na lapitin ng babae, matalino, mayaman at lahat na yata ng maiisip mo na meron sa ideal guy mo ay nasasakanya na.
Well, the sad part is that he doesn't even know that I exist.
Walang Jessica sa perpektong mundo niya. Ako lang naman yung classmate nyang naka upo sa pinaka likuran, tahimik, hindi kagandahan, average ang utak at hindi marunong makipag socialize sa iba. Ako yung babaeng unang tingin mo palang masasabi mo na agad na sobrang manang.
''You're not his type of girl Jess. Tigilan mo na ang pag iilusyon. Alam kong you have feelings for him. Tama na ang pag de-day dream, frog!''
Sinabi sakin yan nung classmate kong si Miya. Siguro nga tama sya pero I believe that once you fall for someone hindi mo agad yan mapipigilan o mawawala na parang bula. Love works in mysterious ways.
Gino, hindi man tayo magka tuluyan ngayong lifetime, or sa next lifetime or sa susunod pa, aasa parin ako. Hanggang sa payagan nako ni Fate at Destiny na makita mo ang presensya ko. Na may Jessica Arboleda'ng nabubuhay sa mundong ibabaw. I'll be.. waiting.
Ang corny ko no? Umaasa lang ako sa wala. Umaasa ako sa taong hindi man lang alam ang pangalan ko.
Alam nyo bang palagi kong kinukwento si Gino kay Lola? Masaya akong tinatanaw ko lang sa malayo. Araw-araw, iniisip ko kung kailan pa kaya nya ako mapapansin, kung kailan pa kaya niya sasabihing, Ah! You're Jessica right? Classmate kita diba? I'm Gino.
Bakit nga ba ako na inlove sa isang tulad nya? Noon kasi nakita ko sya sa ospital. Yun yung araw na nag aagaw buhay yung mga magulang ko sa ospital. Iyak ako ng iyak sa chapel, kasama ko si Lola na taimtim na nag darasal.
Habang umiiyak ako, may napansin ako batang lalaki naka upo sa tabi ko at may hawak na lapis at papel. Tinanong nya ko kung bakit ba daw ako umiiyak. Hindi ko sya pinansin.
Biglang dumating yung mama nya at umalis na silang dalawa. Napansin kong naiwan nya yung papel na hawak nya kanina at may nakasulat..
Hi. I'm Gino. My dad just died earlier but I know kung nasaan man sya ngayon, masaya sya kasi kasama na sya ni Papa God, yun yung sabi ni mommy sakin. Don't cry, look up and have faith.
After nun, nalaman kong schoolmate ko lang pala sya at hanggang tumapak ako ng high school alam kong iba na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Kumuha ako ng papel at ballpen at nag simula na akong gumawa ng liham.
Hi Gino.
Alam kong hindi mo ko kilala pero kilala kita. Ako yung batang babaeng umiiyak sa simbahan nung 8 years old ka pa lang. Nakakatawa no? Kasi matapos mong iwan yung note na yun at nung basahin ko ang nakasulat e crush na agad kita. Sa pag iba ng panahon, nag iba rin yung nararamdaman ko. Yes, I'm inlove with you Gino. Napaka-epic ng confession ko no? Hindi ko kasi kayang i-voice out yung nararamdam ko sayo ng personal kaya dito nalang sa liham ko ilalagay. In case you don't know, classmate kita. Siguro hindi ka mag aaksaya ng panahon para basahin man lang ang sulat na ito pero bahala na. He he. Atleast I tried diba? Masaya ako at nakilala kita. Masaya ako kasi nung time na pakiramdam ko galit sakin ang Diyos e pinatibay mo ang pagtitiwala ko sa kanya. Mabuti kang tao Gino. I love you. Now you know, I exist. :)- Jessica
Nakakatawa mang marinig mula sakin pero inilagay ko yung mensahe ko sa bote at nag paalam kay Lola na pupunta lang ako sa may dalampasigan.
Yung bahay kasi namin malapit lang sa dagat. Habang nag lalakad ako, iniisip ko kung gaano ka ganda ang mabuhay sa mundong ibabaw. Iniisip ko rin si Gino.
Tumigil ako sa dalampasigan at inaabot ng alon ang aking mga paa. Tinitigan ko muna ang malawak na dagat at iniisip kung saan kaya dadalhin ng alon ang mensaheng mula sa aking puso.
Sana makarating ito sayo Gino.
Itinapon ko ang bote sa dagat at mukhang may natamaan yata nito.
Omg! Jessica! Ang bobo mo! May tao yata sumisid! Huhuhu! Kawawa naman yung natamaan ng bote.
''Outch! That hurt! Who threw this bottle?!"
Waaaaaaa~ Si Gino yung tinamaan ko. Huhuhuhu! Ang malas ko naman. Galit na galit pa sya. Huhuhu!
Takbo Jessica. Takboooooo!
Kung minamalas ka nga naman. Hindi nga siguro kami para sa isa't isa.
Hinihingal akong nakarating sa bahay at agad naman akong pumasok sa kwarto ko hanggan sa maka tulog ako.
6:25PM
Grabe ang bilis naman yata ng oras. Tinitigan ko ulit yung orasan. Ano ba naman yan? Bakit di man lang ako ginising ni Lola? Nagugutom na ako. Huhuhu.
Pumunta nako sa kusina pero wala si Lola. Wala rin si Lolo sa kwarto at kahit sa sala. Nalibot ko na ang buong bahay. Bakit wala sila? Saan sila nag punta?
Kinakabahang lumabas ako ng bahay at nagulat ako sa nakita ko..
ANG DAMING BOTTLES!
Pinulot ko yung isa at napansin kong may laman yun.
Binasa ko yung naka sulat.
I love you too Jessica, matagal na. Alam mo bang noong nakita kita umiiyak sa simbahan e crush na agad kita? Noong 1st year high school tayo gustong-gusto talaga kitang ligawan kaso kailangan ko munang manligaw sa Lolo't Lola mo. Dapat daw mag hintay daw muna ako na mag 4th year tayo o kaya maka graduate ka ng high school. You're God's gift to me. Will you be my girlfriend?
- Gino
Pare-parehas lang yung laman ng mga bote. Ang effort naman! Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at napa-iyak na ako. Biglang lumapit sina Lolo't Lola sakin at kasama si Gino.
THE END. <3
BINABASA MO ANG
One-shot Stories♡
Teen FictionFrustrated writter. Just read, vote and leave a comment. :)