"A!" Napahawak ako sa balakang ko dahil sa pagkalaglag ko sa kama.
Tumingin ako doon at nakita ang mga nagkalat na mga papel. Hays, mamaya ko nalang aayusin yan.
"Fey, anak! Nasa baba na si kate. Bilisan mo na alas otso na!"
Alas otso?!
Nagmamadali kong kinuha ang shampoo na naroon sa study table at ang tuwalya kong nakasampay sa upuan.
Ang lamig ha! Bakit ganito yung pakiramdam ko? Parang... ayaw ko maligo.
Pero hindi! Hindi pwedeng hindi ako maligo!
Napasabunot ako sa sarili at sinarado ang pinto ng cr.
Arghhh! Bakit ayaw masara!
"MA! AYAW Masaa...-"
Nakita ko ang nakaipit na takip ng ballpen sa gilid ng pinto nito.
Masaya kong dinampot ang takip. Yes! Nahanap rin kita. Isang linggo ata kitang di nakita.
Hinagis ko ito sa labas ng cr at napunta sa ilalim ng kama. Great! Ambilis mo namang mawala sakin.
Sinubukan kong hawakan ang tubig. Shet ang lamig.
Kaya ko ba talaga ito? Keri ba ng immune system ko? Pero ano ba ibig sabihin ng immune?
Isang buhos at napatalon ako sa cr. Napahawak ako sa pader. Woohhh ang dulas, natapon pala yung shampoo sa sahig hehe.
Natapos ako at nagtapis ng tuwalya. Pag labas ko ay may mga nakahanda ng damit. Galing talaga ni mama pumili. Ang kyut ng damit ko, all pink!
Nang matapos sa pagsusuot, bumaba ako para magsipilyo ng aking golden teeth. O diba shala, mahal siguro ito pag binenta.
Pinabula ko ito at nilunok. Shempre char lang binuga ko talaga sa kapatid ko. Medyo kadiri kasi pag nilunok.
Sumilip ako sa sala at nakita si Kate na nakacross ang dalawang braso. Grabe mukha siyang galit ha.
Nung nakita niya ko, umirap siya at tumayo. Pati ako nadamay.
Kinalabit ako ni mama at binigay sakin ang isang sandwich.
"Kainin mo nalang habang naglalakad kayo."
"Opo ma. Hehe." Kumiss na ako sa kanya at kay dad "alis na po kami" sabay kaway sa kanila.
Lumabas na ako at sinalubong ang masamang tingin ni Kate na lagi niya namang pinapakita sa akin.
"Grabe, fey. Ang bilis mo naman? Kakadating ko lang eh, tapos kana agad? Hindi nga ko inabot ng dalawang oras sa baba nyo eh." Pagtataray niya sa akin.
Eto namang si Kate lagi akong pinupuri.
"Ah, hehe. Mabilis lang talaga ako kumilos."
Umirap ulit siya at nauna.
Kung hindi ko lang ito pinsan!
"Saan ba ulit tayo pupunta?"
Tinanong ko siya pero lalo lang siyang nainis.
"Kate? San tayo pupunta?"
Tumingin siya sa akin.
"Ikaw ang nag-aya tapos ako ang tatanungin mo? Sa studio Fey, sa STUDIO."
Hindi niya na ako pinansin pagkatapos nun kaya kinain ko nalang yung binigay ni mama na sandwich. Ang sarap! Parang tinapay!
Sumakay kami sa bus at doon ako pumwesto sa may bintana kasi... mahiluhin ako sa byahe.
"Excuse me, miss. Dyan ako." Sabi ng isang lalaki sa babae na nasa likod ko.
Napatingin ako sa kanya at sa babaeng pinapaalis niya. Mukhang may sakit yung babae kasi nakamask siya eh kawawa naman tapos gaganyanin lang nung lalaki. Hindi pwede ang ganyan, aba!
"Kuya!" Tumingin siya sa akin. "Humanap ka ng iba mong pwesto at huwag mong angkinin yang upuan na para bang wala nang ibang upuan sa likod. Nakita mo nang may nakaupo na diba? Bulag kaba?"
Tumawa yung lalaki at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Hoy miss, sino kaba? Wag kang mangealam, hindi naman ikaw ang pinaaalis ko, bat sumasabat ka?" Pinagtaasan niya pa ako ng kilay.
"Bakla kab--" hinila ako paupo ni Kate at pinatigil. Natakot ako sa mukha niya na parang mangangain kaya umupo nalang ako.
Narinig kong lumipat na ng pwesto yung lalaki at tinigilan yung babae.
Sumilip pa ako at nakita siyang nakatingin din sa akin.
Ano yon?
"Pwede ba? Manahimik ka muna ngayon? Tingnan mo rin mga nasa paligid mo." Sabi ni Kate.
Tiningnan ko yung mga tao sa loob ng bus. Yung iba nakatingin sa labas, yung karamihan... nakatingin sa akin.
Unti unti akong lumubog ng upo dahil sa kahihiyan.
...
"Fey! Nandito na tayo!"
Nagising ako nang tampalin ni Kate ang balikat ko.
Humihikab ako nang dumaan ang lalaking yon at sumulyap sa akin. "Tss" narinig kopang bulong niya.
Bumaba na kami at mula dito'y kitang kita ang studio na gustong gusto kong puntahan simula pa dati, and now, nandito nako't tanaw na tanaw ko! At mamaya, mapupuntahan ko na!
Nandon kasi si kuya jhae kaya pwede akong pumasok at manood at syempre-
Manggulo.
Tiningnan ko si Kate at aba nakangiti na siya. Oonga pala't nandoon ang fiance niya. Hindi na kailangang magtaka.
To be continued