Dreamboy :)

13 1 0
                                    

"Gusto ko .. Mas matangkad sa akin, may magandang mata, yung tipong tingin pa lang niya maiinlove ka na. Syempre matalino pero bobo sa panloloko, gusto ko ako lang at wala ng iba. Gusto ko rin yung sweet, mabait, napakaunderstanding, gusto ko lagi kong papasayahin at hindi ako sa sasaktan."

"Nageexist pa ba Max yang ideal man mo?" tanong ni Mia na bestfriend ko.

"Ideal nga pero siguro naman, 7 billion ang tao sa mundo. Kaya I know, meron yan!" siguradong sagot ko naman sa kanya.

"Oi, pasok na tayo!"

Dali-dali kaming pumasok sa room at pagkaupo namin ay dumaan naman ang mga students ng Section A. Section B lang kasi kami. Pag sila talaga ang dumaan lahat talaga napapatigil sa kanila. Paano ba naman, parang sila na ang God and Goddesses ng Augustus University. Section A sila ng Genetic Engineering. Anak kasi sila ng mga Elite sa buong Pilipinas. Magaganda, Gwapo at Matatalino. Pinangarap ko din mapunta sa section nila pero hindi kaya ng isang Maxine Dria Monteverde yun. I just came from an average family, Nurse ang Mommy ko at may Business naman ang daddy ko, may Architectural Firm siya. Scholar ako dito kaya ako nakapasok dito, pero half lang yung akin. Atleast nakapasok ako sa Most Prestigious University sa Pilipinas. Everyone is dying makapasok dito. Nasa section A din ang matagal ko ng first love, si William Augustus III, ang anak ng may-ari ng Augustus University. Ba't sabi nila sa FB wala daw forever, meron kaya. Forever hanggang tingin na lang ako sa kanya. Siya yung ideal man ko physically, ang gwapo kasi talaga, ang tangkad pa. Kahit magulo ang buhok niya bagay pa din sa kanya. Saka yung mata niyang pag tumingin sayo eh maiinlove ka talaga kaso suplado. Hindi ako pinapansin eh. Malamang Max di ka kasi type. Napakalayo sa type niya. Ano kayang ugali niya? Katulad din kaya nung sa ideal man ko.

--

@A.U Cafeteria

Isang building ang cafeteria namin, marami kasi ang students dito, sa second floor ang mga section A, any course na yun at sympre ang B-E eh dito sa first floor. Nakita ko na naman si William. Kailan ko kaya siya makakatabing kumain dito. Tumigil sa harap ng table namin sina William at yung mga friends niya. Naks naman Lord, sinagot niyo agad yung dasal ko. Pero nakatayo lang sila dun, sinundan ko yung tingin niya. Ayy.. Nakatingin pala kina Caroline at Andrew. Ang tagal na nilang break ah, di pa rin siya nakakamove on. Si Caroline ang EX ng aking first love. 2 years ata ang tinagal nila pero syempre nagulat ang lahat nung nagbreak sila at pinagpalit siya kay Andrew. Si Caroline kahit nasa Section A dito siya kumain sa 1st floor kasi Section B si Andrew. Pareho silang Business Administration. Hindi alam ng lahat kung ano ba talaga ang reason ng break up nila basta ang alam na lang eh third party daw which is Andrew. Mahal na mahal pa naman ni William si Caroline, sikat na loveteam sila eh. After a minute tumaas na din sila. Kawawang William. Ako na lang, di pa kita iiwan. Taas ko mangarap.

"Hooooy, tulala ka na naman!"- Mia

"Ang gwapo talaga ni William nu!"

"Tumigil ka nga dyan and just eat your foods. May klase pa tayo eh!"

"Kontrabida ever!"

--

Naglalakad kami palabas ni Mia papunta sa parking lot ng school.

"Ang cute talaga ni William, kahit hindi siya ngumingiti. Paano pa kaya pag nagsmile na siya."

"Dream on Max!"

"Kahit kailan talaga kontrabida ka!"

"Im your bestfriend, I don't want your hopes to get so high sa mga bagay na impossibleng mangyari!" pumunta ako sa harap niya kaya ako naglalakad ako patalikod.

"The word itself says IM POSSIBLE!"

"Ewan ko sayo! Maglakad ka na nga na maayos, mamaya madapa ka pa sa ginagawa mo. Saan na ba yung cellphone na yun!" Pagharap niya sa akin "Max!!!!"

"Uhm!" bago pa ko magsalita nabundol na ko sa pader. Natapon tuloy yung iniinom kung shake. Pagharap ko, hindi pala pader..

"So..Sorry. Sorry!" si Mia, hindi rin makagalawa. Pag tingin ko sa pantalon ni William, may mantsa din ng shake. Naku po. End of the World ko na ata. "Sorry talaga!" nilabas ko yung panyo ko at pinunasan yung pantalon niya.

"Stop!" nakakatakot naman boses ni William.

"Im really really sorry!" inabot ko na lang yung panyo sa kanya. Kinuha niya yun pero tinapon lang niya.

"I don't use trash!" ano daw? Aba naman, Armando yun na original. Punaburdahan ko pa ng pangalan ko yun. Kapal ng mukha niya.

"It's not a trash. That's a hanky, at kung gusto mo ng original. Original yun. Letse! Yabang mo, nagsosorry na nga eh!" pinipigilan na ko ni Mia. "Kala mo kung sinong prinsipe porke kayo may-ari ng school!"

"Correction, campus prince talaga siya!" singit naman nung isa niyang kasama.

"Campus prince na iniwan ng campus princess niya. Kaya siguro pinagpalit ka ni Caroline kasi ng ganyan ang ugali mo! You're very hard to please and it was hell to be around you." hinawakan niya yung braso ko ng mahigpit. Tinitigan niya ako.

"You don't know anything!"

"Yes I don't know anything, pero sa pinapakita mo, pinapaalam mo na sa amin ang ugali mo. Napakarude mo!! I wonder how paano nakatiis sayo si Caroline for 2 years!" binawi ko yung braso ko sa kanya at hinila na si Mia papunta sa sasakyan namin.

"Max, ano ba yung ginawa mo dun!" pagsesermon sa akin ni Mia.

"Ang yabang kasi niya, ayoko pa naman sa lahat yung mayabang!"

"Hello Max, that's William!!!!! William Augustus III ! Yung first love mo na gustong gusto mong mapansin ka. And yes, nangyari nga yung gusto mo. Hindi na ko magtataka kung bukas hindi ka na makakapasok dyan palang sa gate ng school."

"Eh kasi naman siya, napakayabang niya!"

"Pero below the belt na yung sinabi mo sa kanya. Lalo na yung sa kanila ni Caroline. Nakita mo ba yung mukha niya kanina. If looks could kill, tumatawag na ako siguro sa St.Peter para ayusin ang libing mo!" naguilty nan ako bigla dun. " Oh, eh di ano hindi ka makapagsalita ngayon. Wish you luck Bes tomorrow! Tawagan mo na lang ako pag di ka na pinapasok ng guard para madala ko sayo yung mg gamit mo na nasa locker mo pa!"

"Bestfriend ba talaga kita?"

"Oo naman. Naghahanda na lang ako para bukas. Alam mo na!"

"Nakakainis ka naman eh!"

"Alam mo ang mgandang gawin mo niyan?"

"Ano?!"

"Praaaaay!" Nakakainis naman oh.

Lalaki eyebags ko nito. Hindi talaga ako makatulog. Nakakainis naman si Mia eh, imbis n iuplift ako lalo pa akong idown. Nagtext pa kanina kung nagdasal na daw ako. Kinakabahan na ako pra bukas. Magdrop na kaya ako sa school??? Pero last year ko na eh, ayoko!!!! Dun grumaduate si Kuya kaya gusto ko dun din ako. What to do?!! Mababaliw na ako kakaisip. Pwede bang rewind na lang para walang ganitong gulo. Natatakot na ko para bukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's not FAKE thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon