Paano ko nga ba mailalarawan ang aking pinakamamahal simula bata palang kami. Si Chloe. She's my own definition of perfection. mabait, matalino, maganda, at palatawa nasakanya na lahat ang katangian na gusto ko sa isang babae. Sabi nga nila To make her fall in love I had to make her laugh, Pero bakit tuwing ngumingiti siya ako ang nahuhulog? ganon nga siguro kapag mahal mo. She was my best friend alam niya lahat ng sekreto ko pero wala siyang idea kung gaano ko siya kamahal. Manhid ba siya? o sadyang torpe lang talaga ako.
I could still remember the day I met her. nasa park ako nung time na yun nagaantay sa mga kaibigan ko ng may biglang lumapit sakin na mala anghel ang ganda at nagtanong "Hi! mag isa kalang ba?" sinagot ko siya ng may pagka sarcastic "Hindi may kasama ako. kita mo mag isa lang ako?" nag pout siya at kumonot ang noo haha ang cute lang "Sungit mo naman" sabi niya. "haha biro lang naman eh. Hinihintay ko kasi mga kaibigan ko" ngumiti siya at pinakilala ang sarili "By the way my name is Chloe. I'm ten years old, what's yours?" inabot nya ang kanyang kamay at nakipag shakehands, tinangap ko naman ito at nagpakilala din "I'm Nathan but you can call me Nathe. I'm ten years old too." binigyan niya ako ng matamis na ngiti at sinabi "since kilala na natin ang isat isa pwede ba tayong maging kaibigan?" napangiti ako sa kanyang sinabi "hmmm. Pwede" ngumiti siya ng napakalawak at sinabi "Talaga? So friends na tayo?" Sinagot ko siya ng pabiro "Hindi" Tumawa ako at nung nakita kong unti unting nawala ang kanyang mga ngiti sinabi ko "It was just a joke. Yes magkaibigan na tayo." As soon as I said that the smile on her face returned at mas malawak pa sa dati. "Talaga? Pinky Promise?" she offered to me her little fingers at tinangap ko ito "Pinky Promise". We entwined our little fingers and we pinky swore. "Itong mga dahon, mga puno, mga grass at mga bato na nakapaligid sa atin ay witness ng ating pangako" at ngumiti siya ng napakatamis.
Dun nag Simula ang lahat, nakilala ko siya ng lubusan at naging matalik na kaibigan. Sinasama ko siya sa mga lakad ng mga kaibigan ko bagama't may mga bagay na nagaalinlangan akong isali siya gaya ng pagakyat ng puno, pag huli ng mga palaka, maglaro ng mga street games at makipag karera ng bisikleta sa akin pero ginagawa niya ang lahat ng yun para mapakita sa akin na kaya niya.
Lumipas ang ilang taon napansin kong unti unting nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya, akala ko simpleng paghanga lang ito pero nung nagsimula na akong managinip tungkol sa kanya at gusto ko siyang palaging nasa tabi ko doon ko napagtantong unti unti na pala akong nahuhulog sa bestfriend ko.
Ilang ulit ko nang itingangi ang nararamdaman ko para sa kanya natatakot ako na baka mawala ko siya at masira ang aming pagkakaibigan kaya tinago ko ang aking tunay na nararamdaman para sa kanya
Isang araw dumating sa akin ang napakagandang balita na umuwi na ng Pilipinas ang aking kababatang kaibigan na si Mark galing sila ng kanyang pamilya sa Newyork dahil doon siya nag aaral. Dahil sa sobrang sabik kong makita siya nagtungo ako sa kanilang bahay at dinala ko si Chloe kilalang kilala ni Chloe si Mark dahil palagi ko siyang nakwekwento sa kanya. Pinakilala ko sila sa isat isa, medyo nahihiya pa si Chloe pero alam ko lilipas ang ilan pang mga araw at magkakalapit din sila sa isat isa.
Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan napansin kong nagiging malapit at nagkakasundo na si Mark at Chloe. Syempre masaya ako para sa kanila pero hindi ko maitatangi na nagseselos ako kay Mark dahil may kahati na ako sa oras at attention ni Chloe, Selfish man pakingan pero gusto ko lang talaga na akin lang siya
At Isang araw nabalitaan ko nalang sa isa sa aking mga kaibigan na may kasintahan na pala siya, Upon hearing those words parang unti unting pinupunit ang aking puso. At ang pinakamaskit ay nung nalaman ko na ang kasintahan niya pala ay ang aking Childhood bestfriend. I tried to convince myself that it was just a rumor kahit alam ko ang katutuhanan. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko inamin agad na may pag tingin ako sa kanya. Ang mga sumunod na araw ang pinakamalungkot na araw sa buong buhay ko na sa tuwing magtatagpo kami ng mga landas kailangan kung ngumiti at kapag mag kasama kaming tatlo kailangan kung mag panggap na okay lang ako at masaya ako kahit kabaliktaran ang nararamdaman ko pero sa pag lipas ng mga araw unti unti kong narealize na dapat tanggapin ko na ang mga nangyari at maging masaya nalang para sa mga bestfriends ko.