Tuwing sasapit ang kapaskuhan, isa sa mga tumatatak agad sa isipan natin ang mga regalo. Nauuna na syempre sa listahan natin ang mga ninong at ninang. Kapag nakikita sila, nakatihaya na. Ang nakakatawa? Hindi para magmano, kundi para makahingi agad agad ng aguinaldo mula sa kanila. Kaya kadalasan ang eksena, palagi nalang invicible si ninong at ninang kay inaanak. Minsan kasi, inaabuso na ang connections. Wala nang iniisip ang ibang kabataan ngayon kundi puro materyal na bagay.
Ngunit sa kabilang banda ng napakalawak na imagination ko, mo, natin, niya, nila.. Nandun ang isang taong handang magbigay ng kasiyahan tuwing Pasko, basta bang magpapakabait ka eh, bakit hindi? Kailanman ay hindi siya nawala; wala naman talagang nakakaalam kung totoong nabubuhay nga siya.
Ang kwentong ito ay HINDI tungkol sa regalo, pinahaba ko lang ang intro. XD
Halina at tunghayan natin ang kakaibang Pasko, kung kailan masasaksihan nating umibig ang Ninong ng lahat, si Santak Laws. =))