'Di Naging Tayo

37 2 0
                                    

A/N: You can listen to Sleep alley's Di naging tayo while reading this chapter.

Verne's P.O.V

Matapos akong maihatid ni Caelum dito sa apartment ay dumiretso na ako kaagad kila Kiara.

Matapos lang ang ilang katok ay bumukas na rin ang pinto ng unit nila. Ngunit, imbis na si Kiara ang bumungad saakin, ang bumungad saakin ay si... Pavo habang karga karga si Clover.

"W-Why are you here?" Medyo shocked na tanong ko sakaniya

"Oh. I'm just visiting my aunt and my cousin. How 'bout you?" Balik tanong naman niya. Pero hindi pa rin mag-sink in saakin na magpinsa pala sila ni Kiara.

"I just live next door." Sagot ko naman.

"Kumusta na pakiramdam mo?" May halong pag-aalalang tanong niya na hindi ko na lamang sinagot. Kinuha ko naman si Clover sa kamay niya na medyo ikinataka pa niya nung una.

"He's my dog." Sabi ko na lamang sakaniya

"Si Kiara pala?" Tanong ko sakaniya.

"Umalis eh. Ibinilin niya lang na alagaan ko muna 'yung asong inaalagaan niya. Which turned out, na alaga mo pala. Sakto kasing dumalaw ako sakanila. What a small world, isn't it?"  I hate how small the world is.

Hindi na lamang ako umimik.

" 'Yung susi nga pala." ani ko naman sakaniya matapos kong maalalang wala 'yung master key ko dahil naiwan ko ang bag ko sa hotelroom ni Aya.

Matapos kong maghintay ng ilang sandali ay bumalik na din siya dala-dala ang susi ko.

"You never really changed. Parang noong highschool pa tayo neto noong ibinigay ko sa'yo 'to ah. Ang galing mo talagang magpahalaga ng mga bagay bagay. Isipin mo buhay pa pala 'to." Tuwang-tuwang sabi niya habang pinagmamasdan pa rin ang keychain na ibinigay niya matapos kaming mag-champion sa Englympics noong senior highschool kami.

Magaling talaga akong magpahalaga. Ngunit sadyang ako lang 'yung hindi pinapahalagahan.

Dahil ramdam kong maiiyak na naman ako habang inaalala ang lahat lahat ay kaagad kong hinablot sa kamay niya ang susi gamit ang isang kamay ko.

Atsaka walang pasabi na lang siyang iniwan... gaya ng ginawa niya.

Akala ko talaga may "KAMI", pero ayon, kathang isip lang pala ang lahat.

Ewan ko ba kung manhid siya o sadyang pinanganak lang siyang semento.

Akala ko naka-move on na ako. Akala ko okay na ako. Pero sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik ang lahat ng sakit na sariwang- sariwa pa sa isipan at sa puso ko.

I confessed to him for almost 200 times. I conveyed my true feelings to him each and every time. But, I guess I wasn't really that important and that he won't see me more than just a friend.

Hindi kasi ganoon kadaling mag-move on. Hindi ganoon kadaling makahanap ng iba. Kasi once you truly love a person, that person will become your standard. Like, wala ng hihigit o makakapantay pa sakanila.

I waited...and waited again.

Hanggang sa hindi ko namamalayang halos mahigit na sa isang dekada na ang nakalilipas.

Masakit kasi... he PROMISED.

He promised na ako ang ihaharap niya sa altar.

And pinanghawakan ko iyon.

Ngunit mukhang nakalimutan niya na yatang ako... AKO ang pinangakuan niya.

Kaya ganoon na lang kasakit saakin ng ipinakita niyang masya na siya sa piling ng sarili niyang pamilya. Kasi dapat-- dapat... Ako iyon. Ako dapat ang kasama at katuwang niya.

Pero wala.

Ano pa nga bang magagawa ko. Ni wala nga akong panama sa sobrang full package na ng asawa niya.

Pero alam ko ang sakit ng maiwan ang manghawak sa isang pangakong never naman palang matutupad ng... mag-isa.

M.U nga kami. Kasi all along, ako lang pala. Ako lang pala ang... Mag-isang Umaasa, Mag-isang Umiibig, at Mag-isang Unti-unting nagpapaka-martir.

Ayaw ko namang makasira ng pamilya, that's why this time, I'm letting him go. I'll treasure the memories but I'll let his wife and his own family love him and treasure him more than I do.


Unmei no Akai Ito (Red string of Fate) Where stories live. Discover now