CHAPTER 8

16 0 0
                                    


Pa?! Parang mas pumogi tayo ah? Anong sikreto mo?
sabi ko sabay lapit ko sakaniya, natawa silang lahat except lang kay papa. Tiningnan ko sya ng seryoso at nakita kong may tubig ang kaniyang mga mata.

I'm sorry. P-pasensya kana kasi hindi kita kayang pag-aralin alam mo naman na hanggang ngayon suma-sideline parin ako para sa tuition ng ate at kuya mo, kunti lang kasi ang sahod sa pernamenting trabaho na pinasukan ko eh. Kung nakinig lang sana ako kay papa noon, siguro kayong tatlo hindi na maghihirap sa trato ng mga tao dahil lang sa kahirapan natin at sa pag-aaral pasensya na kayo, di bale babawi ako sainyo.
pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumulo na ang luhang kanina pang nakapalibot sa mata ni papa.

I hugged him and whispered Thank you for your sacrifices papa, kahit na mahirap lang tayo ang importante buo tayo papa. Yun yung family's goal natin diba?
Naramdaman kong gumalaw yung ulo nya, tumango si papa at niyakap ako pabalik.

Ano bayan naiyak na ako ha?!
sabi ni ate michaela.

Panira ka talaga ng moment
sabi naman ni kuya mich sabay paggulo sa buhok ni ate
di bale rin bro tutulungan ka namin ng ate mo makapagtapos.
Dagdag pa ni kuya na syang dahilan na ikinatuwa ko ng sobra

Salamat ho sainyo, labis ang tuwa ko ngayon.
sabi ko naman
Alam ba ni tito, papa na nandito kayo?

Oo, sa totoo nga nyan anak pinapunta nya kami rito para makita mo kami. Sabi nya kasi mukhang namimiss mo na kami kaya napagdesisyonan nya ito.

Eh si tita? Alam ba nya?

Oo naman anak sya nga ang nagsabi kay tito mo eh, at tsaka si lux naman ang nagpauwi saiyo, tama ba ako?

Kaya pala pinauwi nya ako at ginawang dahilan ang walang tao dito sa bahay.

Oo ma, akala ko ho kasi walang tao rito. Yun pala susurpresahin nyo ako.
ngumiti lang si mama saakin

Kumain naba kayo ma?

Teka lang anak, bakit may pasa ka sa labi mo?
pinagmasdan ni mama ang mukha ko

Oo nga pala, hindi ko nagawang gamutin ito kaagad kanina.

Napaaway lang po ako ma, kasi may pinoprotektahan akong babae.
pagsabi ko ng totoo

Naks, parang may jowa ka na ah?
Tanong naman ni kuya

Hays, ano ka ba riyan mich. Naku anak tsaka muna yang girlfriend² pag may na-achieve ka na sa buhay mo, okay?
Tama ka ma, pero mapipigilan ko kaya yan? eh kahit na sabihin nyo pang huwag muna, ang isip ko naman ang magdedesisyon at tsaka puso ko namn ang makakaramdam.
Tingnan mo nga yang labi mo namumula pa. Di bale gagamutin ko yan mamaya.
Tumango nalang ako at ngumiti sa sinabi nya

Kumain na ba kayo? Kung hindi pa edi tara sa dining room!
Maligayang sabi ko, sumunod naman sila saakin patungong dining room

Pagpasok ko may pagkain ng nakalatag at puro pamilyar ang nakikita ko, tiningnan ko si mama at si ate ngumiti naman sila saakin. Kumain kami ng sabay katulad ng dati masaya pa rin kami kahit ngayon lang kami nagkita.

MATAGAL ko tong hindi natikman ang mga niluto nyo mama, ate.
Sabi ko nang nabusog ako sa niluto nila

Kaya nga anak pinaglutoan ka namin ng ate mo kasi alam namin na hindi ka na nakakatikim ng tinolang manok at sinagang dahil sa puro masasarap na pagkain ang kinakain nyo rito.

Oo nga, michael. Tsaka yung bilin ko sayo yung uminom ng tubig 8 glass or more araw-araw para hindi ka mag mukhang tamlay.

Opo, sinunod ko po yun. Tingnan nyo nga ako ngayon sobrang gwapo dahil sa pag-aalaga nyo na dinala ko rito.
Sabi ko

With Or Without YouWhere stories live. Discover now