Ikaw ang una sa lahat ng una
Ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang naging kasama sa mga panibagong yugto ng buhay
Napapangiti ako sa simple mong pagngiti
Ang tawa mong rinig sa buong silid
O sadyang ikaw lang ang gusto kong marinig
Masyadong kakaiba ang ating kwento
Hindi sa ordinaryong paraan tayo nakatagpo
Maraming pagsubok ang nilampasan
At oras na lumipas
At may pagkakataon noon na naiisip ko kung ito bang nararamdaman ko ay isa lang paghanga at hindi pagmamahal
Dahil nakakilala ako ng isang taong sobra akong kampate kapag kami ay magkasama
Ngunit isang araw, paggising ko nalaman ko na mahal na nga kita
Dahil handa akong iwan ang lahat para lang makasama ka
At humihiling na sa ikaw na ang una at huli sa aking buhay
Ngunit nag-iba ang daloy ng ating istorya
Akala ko sa akin ka na itinadhana
Kaso akala ko lang pala
Hindi ako naniniwalang mapaglaro ang tadhana na pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana
Dahil umaasa pa rin ako na may plano ang Panginoon sa ating dalawa
Na hindi kita lang basta nakilala nang walang dahilan
Na kung ikaw talaga at ako
Kahit ano pang mangyari ay tayo pa rin sa dulo