Azura's POV:
"Sa iyong patuloy na paglimot at sa oras na itong iyo'y tinanggap upang tuluyan nang makalimutan..."
Sino ka? Ipagpatuloy mo ang iyong sasabihin! Wag kang lumisan!
"Azura! Gumising ka na. Mahuhuli na tayo sa trabaho! Nako naman. "
Panaginip. Panaginip lamang. Pero, bakit pakiramdam ko'y sobrang bigat? Hay. Ano ba naman 'to. Ilang gabi na akong ganito.
"Baka sa pagod lang to..." Bulong ko sa aking sarili nang tuluyan na akong bumangon.
"Ha? Jusko maryosep, Azura! Tulog ka pa yata." Pasinghal na sambit ni Vera at natauhan naman ako roon.
"Ay. Sorry naman. Heto na nga oh. Maliligo na." Kahit kelan talaga napakalakas ng boses ng babaeng 'to. Napailing na lamang ako at kinuha ang tuwalya.
"Dalian mo na dyan. Nasa lamesa na ang kakainin natin. Labas ka lang at hihintayin na kita ron ah. WAG KA NANG MAGTAGAL SA CR!" Pasigaw na singhal naman nito at tuluyam na ngang nilisan ang kwarto ko. Napanguso na lang tuloy ako't naligo. Kahit kelan talaga iyong babaeng yon. Daig pa ang mikropono sa lakas ng boses. Pailing-iling naman ako sa naisip ko.
"Oh. Upo at kain na." Pag-aalok sa akin ni Vera. Hindi ko lubusang mawari ang pagkakaiba naming dalawa sapagkat tunay ngang magkasalungat kami. Maingay siya, ako nama'y tahimik. Madaldal lang ako kapag kakilala ko talaga ang isang tao. Palakaibigan din siya samantalang ako'y nakikihalubilo naman ngunit kakaonti lang talaga ang matatawag na kaibigan. Kaya sobrang hanga ako sa kanya. Napagtiisan niya ko sa ilang taon nang magkaibigan kami.
"Napatulala ka na naman diyan. Kumain ka na nga lang. Susmeyo. May-ari ng sariling restaurant at coffee shop pero siya rin naman ang nagpapahuli. Hindi yun maganda, Azura!" Nako. Heto na na naman tayo sa pangaral ni Vera.
"Oh tigil na. Tigil na. Eto na nga kakain na. Jusko naman, Vera. Kay aga-aga saka wag ka nga. Parang ang engrandeng tawag naman ng restaurant at coffee shop..." Sambit ko at nagsimula nang kumain.
"Wag ka nga rin, Azura. Pinaghirapan mo yan. Maging proud ka nga minsan! Nasa business ka na oh kaya yang pagkahumble mo, minsan ibaba mo ha? Para hindi ka maloko kung sakaling may makipag partner sa'yo lalo na't dumarami ang mga costumer mo. Matuto kang umayaw at lumaban kung ayaw mong pagsamantalahan ka at ang business mo. Tsk." Sinabi ko bang kaibigan ko 'to? Parang mama ko ata to eh.
"Oo na ho, nay. Oh siya. Magsisipilyo na ko't baka sermonan mo na naman ako."
"Osige sige. Ako na rito. Saka sabay ka na sakin ha. Wag mo na dalhin ang sasakyan mo. Sa resto mo na lang ako kakain mamaya. Sabay na tayo. Baka sa sobrang busy mo naman 'di ka na kumain at buong araw ka naman nasa opisina mo. Hay jusko. May manager ka naman pero todo asikaso ka pa rin talaga. Hay."
"Eh kailangan. Para naman makalabas ako sa opisina at makita ko mismo ang galaw ng mga tauhan ko, Vie."
"Okay. Sabi mo eh."
Pagkatapos kong magsipilyo ay naghanda na ako ng mga gamit ko saka tuluyan na ngang umalis ng bahay kasabay si Vera. Pumasok na rin kami sa kanya-kanyang trabaho. Si Vie ay isang accountant ng isang bangko habang ako naman ay isang businesswoman.
"Good morning, Ma'am Z!"
"Good morning, Ma'am!"
"Hi, Ma'am! Good morning po!"
Bati ng mga empleyado ko nang makapasok ako sa restaurant and coffee shop.
"Magandang umaga rin sa inyo. Nakakain na ba kayo ng almusal ninyo?" Ngiti kong bati at tanong sa kanila nang nakalapit ako sa kanila.
"Opo, Ma'am. Salamat po!"
"Yes, Ma'am! Buong araw na ganado na kami!"
Natawa naman ako sa kakulitan nila habang kaharap ako. Makikita mo kasing komportable sa akin ngunit may respeto parin. Ito ang hinahangaan ko sa kanila. Ang kanilang mabuting ugali. Pamilya ko na nga rin sila.
"Basta alam niyo na ha? Walang magpapalipas ng kain. Pagpatak ng alas onse, ang kalahati sa inyo ay kakain sa dining area ninyo habang ang kalahati ay nagtatrabaho. At pag natapos na ang kalahati ay magsasalitan naman kayo. Maliwanag ba? Para iwas sakit sa ulo o ano pa mang sakit."
"Oho, Ma'am!"
"Noted, Ma'am!"
"Oh siya. Tara na't magbukas. Mahaba-haba ang araw na ito." Nginitian ko sila muli at pumasok na sa opisina ko.
Tiningnan ko ang sales report ng business at tumataas nga ito. Sinimulan ko na ring ihanda ang mga pay slip nila saka nag research ng bagong mga kape at putahe na pwedeng idagdag sa menu.
Hindi naging madali ang pagpapatayo ko sa negosyong ito. Dumaan din ito sa halos ilang mga costumer lamang ang dumarayo nang minsang mapadpad ang isang professional photographer sa restaurant ko. Hindi ko naman inasahan iyon. Nagustuhan niyang tunay ang kape at mga putahe namin kung kaya't hinanap niya ako na may-ari nito sapagkat ayon sa kanya, deserve raw nito na ma feature at makilala. Dahil sa kanya, dinayo nga ng mga tao ito. Napag-alaman kong isa pala siyang sikat na blogger din. Ayun nga lang, dahil sa kanyang trabaho ay palipat lipat naman siya ng mga lugar.
Napatigil ako sa pagbabalik tanaw ko nang may kumatok at pumasok.
"Ma'am may bisita ka po. Si Sir Zac po."
"Hala! Sige papasukin mo, Franco at maghanda ka ng kape't tinapay na lagi niyang inoorder, okay? Saka sa akin na rin."
"Opo, Ma'am."
Sinuklay ko naman ang buhok ko gamit ang kamay ko nang matapos ako sa onting pag-aayos ay sakto namang pumasok na rin si Zac.
"Zac! You're here! Hindi ka man lang nag text or nag chat na pupunta ka pala rito." Sambit ko habang lumalapit sa kanya upang mayakap siya. Matagal na rin pala nung huling bumisita siya rito.
"Nako, Z. Miss mo lang talaga ako eh." Tawang sagot naman nito sa akin at niyakap ako.
"Maupo na nga tayo. So, kamusta na. Myghad. It's been one year nung huling bumisita ka rito ha." Ani ko rito sapagkat totoo nga namang na miss ko siya.
"Nothing new. Trabaho eh. Pero mas exciting ngayon kasi for a year, I will stay here. Paano ba naman, may kompanya na kinontrata ako for a year. So, yes. I'll be staying here at pagsasawaan mo ang pagmumukha ko." Pabiro namang tugon nito sakin at may pagtawa pa.
"Seryoso?! Hindi nga! Masaya ako para sa'yo, Zac! Saka wag kang mag-alala, nakakasawa naman talaga ang pagmumukha mo kahit nasa malayo ka pa. Masasanay rin ako, okay?" May pagtawang sabi ko sa kanya at pareho naman kaming natawa, talaga.
"Grabe ka naman, sa akin!" Reklamo naman nito ngunit tumatawa pa rin.
"Ma'am, ito na po ang kape at tinapay." Pagpasok naman na salubong ni Franco. Nilapag niya ito sa center table.
"Salamat, Franco." May ngiting pasasalamat ko rito.
"Welcome po, Ma'am. Lalabas na ho ako." At tuluyan na ngang lumisan ito ng opisina.
Kinuha naman ni Zac ang tasa ng kape at inamoy ito. Tila walang ekspresyon ngayon ang Zac na kaharap ko. Ang Zac na photographer at writer na naging kaibigan ko na rin. Nagtaka naman ako rito.
"Zac? Ayos ka lang ba? May problema ba? May mali ba sa kape?" Napatingin naman ito sakin.
"Ah wala wala. Na miss ko lang 'tong kapeng ikaw mismo ang nag-imbento." Ngiting sagot nito sa tanong ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko roon.
"Jusko! Kinabahan naman kasi ako, sa'yo. Pabigla ka ron eh. Yan ba ang dulot ng Paris sa'yo? Nako. Hindi maganda, Zac ah." Pagbibiro ko at tumawa naman ito ng mahina. Ininom naman niya ang kape at napangiti siya ngunit may kakaiba sa mga mata niyang hindi ko mawari kung ano.
"Ikaw nga, Azura. Ikaw nga..."
YOU ARE READING
Time of Tears
FantasyKapag nasasaktan, umiiyak. Kapag masaya, umiiyak pa rin. Sa bawat segundo, minuto at oras na lumuluha, kaakibat nito ay samu't saring damdamin. Ikaw? Handa ka bang lumuha? At paano kapag sa bawat pagluha ay biglang ang mga alaalang minsang kinalimut...