RPW ENCOUNTER

3 0 0
                                    

meron akong kaibigan na nainlab sa rpw 1 year na syang single tapos pag tatanungin ko sya kung bakit ayaw nya mag paligaw ang isaagot nya "may inaantay ako". kaya sa barkadahan namen sya lagi ung napag iiwanan i mean lahat kami may jowa,exes alam mo yon?ung tipong naka ilang ex kana pero andito ung kaibigan mo dimo alam kung kanino naiinlove. kaya naman nung nag kaayaan kami na mag inuman na gulat kami lahat sa inamin nya.
"inaantay ko syang bumalik kahit wala na sya"-pag uumpisa nya sa kalagitnaan ng biruan namin.
"hoy ayos ka lang?lasing kana ata e,sandal mo lang ulo mo pra bawas amatz"-paalala ko
maya maya nag tawanan ulet kami pero laking gulat namin nung umiyak na sya as in na hagulgol sya.
"hoy te sa tyan nilalagay ang alak wag sa utak"
"video-han nyo tanga"
"hoy para kang bago sa inuman ah"
"teka lang guys,hayaan nyo sya,hayaan natin sya kailangan din natin sya pakinggan baka di nya na kaya"-singit ng isa kong kaibigan.
"hindi nyo ko magets e gusto ko din mag ka jowa,gusto ko din maging masaya"-tahimik lang kaming nakikinig sa kanya.
"sus,kala mo walang nanliligaw"
"wala naman atang nanliligaw dyan"
"pangit mo kase te"
"wg kayong papansin hindi sa lahat ng oras kayo ung papakinggan matuto kayong makinig sa problema ng ibang tao lalo na kaibigan natin yan"-pangaral ng tanggera.
"i know rpw is a fake world but my feelings are real hindi ko lang malaman kung bakit ako pa?would u believe if i tell u na ung mahal na mahal ko may cancer?"-sabay iyak nya
"cancer?sobrang weird mo naman HAHAHAHA"-tawa ko kase like imagine rpw tayo te madaming ganyan biruan na nga yan e kung titignan.
"anong weird?may cancer talaga sya habang mag kausap kami noon late night talks,chats everyday akala ko normal sya i mean walang iniinda kase sobrang buhay ng chats namen e tipong ang sayasaya kaya kahit sino maiinlove tapos one day nakipag vc sya saken un din ung araw na pinakilala nya ko sa magulang nya even sa mga kapatid nya"-ngumiti pa ya habang inaalala yon
"yun naman pala e legal naman pala,swerte mo"-komento ko
"hindi din kase kung anong kina swerte ko sa mga panahong masaya kami mga panahong wala pa kong kaalam alam un din pala ung mga panahong nilalabanan nya ung sakit nya"
"hoy shot mo to"
"sshhh wag ka maingay"
"ano ba sakit nya?"
"sakit sa puso"-ngumiti ito ng mapait kahit ako na nakikinig at pinipilit labanan ung emosyon ko natatalo ako nakikita kong ganto pala kalungkot dinadamdam ng kaibigan ko.
"taga davao sya kaya wala kaming way na mag meet up bukod sa pag vc the day after he passed 2years na kami pag patak ng 12:00 kaya masaya ako nag vc kami masaya pa non nag bibiruan pa kami until we say i love you to each other saktong 12:00 namatay ung vc"
tumindig ung balahibo ko kase humangin ng malakas lols.
"kinabukasan nag try ako tumawag pero si tita na ung sumagot nakipag vc ako alam nyo ung weeks na hindi ako pumasok?buong araw ko ka-vc ung mama or mga kapatid nya para lang makita sya sa loob ng kabaong"
sobrang maga na nung mga mata ng kaibigan namin to the point na nilalabanan nya na lang ung antok narinig ko din ung pag singhot ng iba kong kaibigan.
"patay na ung inaantay mo?"-tanong ko
"no,sarili ko ung inaantay ko nangako ako sa kanya na saka lang ako papasok sa relasyon pag okay nako sinabi ko sa kanya na hindi nya ko masisi kung magiging malungkot ako sinabi ko din na pwede ako makahanap ng iba pero hindi ko sya kakalimutan.....mahal na mahal ko sya....hanggang ngayon naka kulong ako sa pag mamahal sa isang tao na kahit kailan hindi ko na masisilayan,mahahawakan"

RANDOM STORYWhere stories live. Discover now