Chpater 2.

37 2 0
                                    

Chapter 2

Flashback

@St. Mary's Hospital

- Seoul, Korea

Room 307

Dr. Han : Malala na ang kalagayan ng Papa niyo. Meron kaming nakita na tumor sa kaniyang utak. Brain cancer at stage 2 na siya. Matagal nang alam ng Papa niyo na may brain cancer siya pero ayaw niyang ipaalam yun sainyo. Baka daw kasi magalala kayo at magisip. Stage 1 palang noon ang cancer ng papa niyo. Pero ngayon kailangan niyo na itong malaman kahit na magalit man sakin si Mr. Kim. Bibigyan ko na lamang siya ng apat na buwan para mabuhay.

Ikinabigla naming lahat ang sinabi ni Dr. Han. Hindi ako makapaniwala na sa lakas at siglang ipinapakita ni Papa samin ay di pala totoo. Bakit niya nakuhang itago samin?

Dr. Han: Una na ako sainyo Mrs. Kim. Kapag kailangan niyo ng tulong ay ipaalam niyo lang sakin. Kahit na binigyan ko na ng taning ang kaniyang buhay, kailangan ko pading imonitor ang kaniyang kalagayan.

Mama: Osige po Dr. Han, maaasahan niyo po. Maraming salamat po.

Tahimik ang lahat. Mga mahinang pag iyak na lamang ang naririnig ko. Ang mga kuya kong dating tigasin eto umiiyak.

Nagmulat ng mata si Papa.

Kim Adrian: Papa! Papa! Kamusta naman po kayo? Ayos lang po ba kayo? Papa, wag mo kaming iiwaaaan!

Si Kuya Ian na dating nagpapatawa at nagbibigay ngiti sa pamilya namin, eto umiiyak sa kalagayan ni Papa.

Papa: Mga anak, tapos na sa obligasyon ang Papa niyo. Pinalaki ko kayong matapang, kaya niyo na ang mga sarili niyo. Kailangan ng magpahinga ni Papa.

Mama: Honey, wag ka namang ganyan. Bata pa tayo. Makikipaglaro pa tayo sa magiging apo natin di ba? Lalaban ka Honey? Wag kang susuko.

Papa: Nasabi na naman sainyo ni Dr. Han ang kalagayan ko. May apat na buwan pa naman ako para makasama kayo. Sapat na sa akin yun.

Kim Hwook Jae - Pero Papa! Paano na ang mga negosyo natin?

Papa: Madami ka nang napatunayan sakin, kayang kaya mo nang hawakan ang negosyo natin Jae.

Kim Hwook jae: Pero papa, hindi ko kaya na mawala kayo. Pano ang mga Foundations natin? madami kayong mauulila Papa.

Papa: Kayanin niyo. Ang balak ko ay hatiin ang yaman ko sa inyong limang magkakapatid.

Kim Nathan: Papa, paano na po ako sa Family day? Edi wala na po akong kasamang Papa?

Natahimik si Papa.

Papa: Alam ba ni Hyun Jun ang kalagayan ko?

Ako: Opo Papa, naitawag na namin. Hindi na po daw niya tatapusin ang seminar niya sa University of Tokyo. Bukas na bukas din po ay uuwi nadin siya.

Papa: Sabihin mo sa kanya na tapusin niya, para sa akin. Pa graduate na siya. Kailangan niya yun. Gusto ko na bago ako mamatay gusto kong makita ko siyang isang ganap na Architect.

Ako: osige po Papa. Sasabihin ko po kay Kuya JH yun.

Papa: Ang lubos ko lang na ikinababahala ay ikaw Zelli.

Ako: Po? Kaya ko naman po ang sarili ko Papa. Malaki na po ako.

Papa: Paano kung lolokohin ka ng mapapangasawa mo Zelli?

Ako: Pipili naman po ako ng matinong lalaki Papa.

Papa: Eh paano ang negosyong mamamana mo mula sa akin?

Ako: Kaya ko pong patakbuhin yun Papa. Kaya nga po Business Ad ang kinuha kong kurso.

Papa: Kahit na, alam mo ang tradisyon sa pamilyang to. Simula sa ninuno ng mga Kim, ang mga asawa ng babae ang siyang humahawak at nagpapatakbo ng mga negosyo.

Tumahimik na lang ako. Tradisyon yun. Wala na kong karapatang sagutin pa si Papa.

Kim Hwook Jae: Tama si Papa, pero Papa nakita niyo na ba ang lalaking maaaring pakasalan ni Ze?

Papa: Hindi pa.

Napatahimik nalang si Papa. Halatang nagiisip.

Kim Adrian: May maganda akong idea Papa. ^_____^

Teka, di ko ata gusto ang ganitong ngiti ni Kuya Ian. Juskooo. Kuya please lang. Umayos ka. Dito nakasalalay kinabukasan ko.

Kim Adrian: Tutal Papa, Ambassador ka naman ng Entertainment dito sa South Korea. Bakit hindi ka magpa audition sa iba't ibang artista dito satin. Gawin nating reality show! Pagkatapos mapagkakakitaan din natin to Papa.

Ako: o__O Kuya, artista yung mga yun!!! Anong alam nun sa pagmamanage ng business??

Kim Adrian: You don't get my point baby sis, ang mga artistang yan ay galing sa hirap bago nila makamtan ang bituin na kanilang inaasam. Madami silang karanasan na magagamit pagdating ng panahon. Experiece is the best teacher Baby Ze.

Papa: Tama si Ian, bukas na bukas din ay magpapatawag na ako ng meeting sa iba't ibang artista dito sa Korea. At gusto ko Zelli, ang lalaking mapipili mo ay papakasalan mo agad. 18 ka na naman. Asa tamang edad ka na.

Ako: Papa! Asa legal age na nga po ako pero bata padin!

Papa: ZELLI!!! Pagbigyan mo na ako, gusto kong maging payapa ako bago ako mamatay. Yun ang tanging hiling ko sayo anak bago ako mamatay.

Ano pa nga bang magagawa ko? Si Papa na mismo ang humihiling.

Bahala na. Bahala na. :/

___________________________________________________________________________________

Thank you guys for reading my new story! Hanggang Chapter3 po ang iuupdate ko ngayong gabi. Inspired ako! HAHA!

Read.Vote.Comment.

Kamsa! ^^

-Pochay ;P

A Reality Show Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon