IV - Pagalala

5 0 0
                                    

Lalasapin ko ang mga panahong ito
Habang ika'y naririto
Gagawa ng mga bagong alaala
At isasabit ito sa mga tala

Tanda ng pagalala
Ng ating pagsasama
Ako'y pilit umaasa
Na ika'y makakasama

Sana'y wag ka na lang umalis
Nang ang puso ko'y wag maghinagpis
Ngunit alam kong hindi maaari
Dahil mga pangarap mo ay natatangi

Kung sakali mang landas nati'y muling magtagpo
Gawa ng tadhanang mapaglaro
Laman ng puso ko'y hindi nagbago
Ikaw parin ang sinasamo

Collection Of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon