Chapter 44 - It's you whose I'm into

2.5K 71 17
                                    


Umawang ang bibig ko matapos akong dalhin ni Blue sa parking area ng penthouse nito.

"Did you missed him?" Nakangiting tanong nito habang tinatapik ang upuang bahagi ng motor nitong Ducati.

Mabilis ko iyong nilapitan at parang alagang hayop na hinimas iyon.

"Hi Ash, namiss kita." Pagkausap ko rito na ikinahalakhak naman ni Blue.

Pakiramdam ko iniisip na nito na baliw ako. Kanina lang para akong namatayan kung umiyak tapos ngayon kinakausap ko naman itong motor niya.

"If ash can talk, malamang sasabihin niya ring na-miss ka niya. Ikaw lang naman kasi ang kumakausap sa kaniya. You even gave him a name."

Sinimangutan ko ito. Totoo naman iyon. Noong nagtatrabaho pa ako sa restaurant ng ninong nito pitong taon na ang nakararaan, binili nito ang motor at ito ang madalas naming sinasakyan satuwing yayayain ako nitong kumain sa labas o kaya nama'y mamasyal kung saan-saan. Sa dalas namin itong kasama ay naisipan ko itong pangalanan at dahil kulay abuhin ito kaya Ash ang ipinangalan ko rito.

Nanggigigil na nilamutak nito ang magkabila kong pisnge. Para itong amo na nilalapirot ang alaga niya.

"You're so adorable." Saad nito saka binitiwan ang pisnge ko. "Don't pout on me. Baka isipin ko, niyaya mo 'kong lamukusin ka ng halik."

Tila naman nasamid ako sa sariling laway dahil sa turan nito. Malakas itong tumawa saka iiling-iling na isinuot sa ulo ko ang kulay asul na helmet at may disenyong Doraemon. Ito rin iyong helmet na binili nito para sa akin noon. Paborito kong cartoon character si Doraemon noon at dahil likas itong pilyo ay ito ang pinili niyang disenyo ng helmet ko.

"Kapit ng maigi." Paalala nito matapos akong lingunin nang makasakay na kami sa motor.

Kumapit ako sa baywang nito ngunit kinuha nito ang magkabilang kamay ko at ipinulupot iyon sa kaniya. Tila istatwa akong nanigas sa ginawa nito. Dikit na dikit ng husto ang dibdib ko sa likuran nito bagay na ikinapula ng mukha ko.

Bakit ganito? Dati naman halos araw-araw akong umaangkas sa motor nito ngunit kahit minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagkailang. Ngayon, kulang na lang maghurumintado ang buo kong sistema sa hiya.

Sa isang idlap, ang nararamdaman kong pagkailang ay bigla na lang nilipad ng hangin ng mag-umpisa na itong humarurot.

"Buwisit ka Blue!"

Sigaw ko habang nagsusumiksik sa likod nito.

Punyeta! Nakalimutan kong kaskasero pala itong damuho na 'to!

Habang halos humiwalay na ang kaluluwa sa katawan ko, ito naman ay panay lang ang tawa. Tuwang-tuwa sa natatakot kong itsura.

Para akong bumaba sa roller coaster nang ihinto na nito si Ash.

Tumatawa pa rin ito habang tinatanggal ang helmet sa ulo ko. Sa sobrang inis hindi ko napigilan ang palad ko na biglang dumapo sa ulo nito at walang sabi-sabing hinila ang buhok nito.

"Ouch! What the hell Winter! Let go of my hair!" Sigaw nito kaya padaskol kong binitiwan ang buhok nito.

Hindi makapaniwalang tinitigan nito ang palad kong bahagya pang nakataas at nakakuyom. Maski ako ay nabigla ng makita ko ang palumpon ng hibla ng buhok nito roon.

"Sorry." Nakangiwing hingi ko ng paumanhin. "Ikaw naman kasi eh! Alam mo namang takot ako sa mabilis mong pagmamaneho pero sumige ka pa rin!" Paninisi ko pa rito.

Nakasimangot na kinapa nito ang sariling ulo. Napa-igtad pa ito nang makapa ang bahagi kung saan ko ito sinabunutan.

"Napanot yata ang ulo ko sa lakas ng sabunot mo. Ibang klase ka talaga. Pamatay mo 'yang ganiyang depensa."

PROXY SERIES: RESURRECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon