BLH 8

635 13 4
                                    

Kath's POV.

Nandito pa rin ako sa bahay ni ulupong este nung kambal -___-

Saturday ngayon putragis, kaylan ba titigil 'to manira ng araw? Well, tapos narin pala kami sa project. Gogora na aketch. Baka hindi ko matantsa 'tong si ulupong masapak ko pa. Eew, madudumihan hands ko. Psh. Arte ko na.

"Ah, Hu. Gorabells na 'ko no?" ("Hu" as in "Hyu" or  "U")

"Hala friend, 'di kita mahahatid. Sorry, may lakad kasi ako e." lakad? 'di pwedeng takbo?

"Sus, Keri ko na 'to friend. Sige na." Eeeeeh? Anong lengguwahe to Kath? Shet lalim.

"Ah!" Tapos, may lumitaw na light bulb sa ulo niya. Imagination ko talaga ang lawak! FYI, Matalino ako 'no.--- Syempre joke lang yon. Math palang ay jusme. "Si Kuya nalang maghahatid sayo!" HUWAT? Mas gugustuhin ko ng gumapang papunta sa amin, kesa maka-sama ko 'yan. Baka dumilim paligid ko, gaya ng kili kili ni Mimay sa DNHMSL

"Aba friend! Wag na yakang-yaka 'ko na itey." ODK (O Dyos Ko) Saktong bumaba si Ulupong. My Ghad! Topless! Yung kanin ko saan na? Kaloka! Anim na pandesal! Mamasa masa pa, edible kaya yun?

"Kuya!" Masiglang sabi ni Huey. Saya natin friend ah?

Napataas naman ng kilay si DJ. Dj nalang. Taraaaaaay, kinabog pa 'ko!

"Paki-hatid naman si Kath. Aalis kasi ako e." Magsasalita pa sana siya--"Pleaseee?" Omg. How can you resist that cuteness? (OA ni Kath no? :P)

"Aish! Oo na." Told you. Umakyat naman siya, pababa. Joke, syempre pataas :P

"Yehey!" Isip Bata lola niyo, haha.

*beeeep*beeeep*

"Friend, ayan an sundo ko. Ba-bye! Enjoy sa date nyo ni kuya!" Tsaka tumakbo papuntang limousine. LIMO?! Aba, bonggasious! DATE?! Matalino naman si Huey, pero minsan may sapak  talaga yan ulo. -_________________-

"Ano, tutunganga nalang? Dalian mo Ms. Flat chested." Peste. Sarap talagang supalpalan, Amp.

On the other side, Hot este ang init sa bahay nila -____-

Sino ba namang hindi maiinitan kung makakakita ka ng ganito?

Excuse me lang ha, yung kotse yung tinutukoy ko.

"Laway mo." Napatigil naman ako kaka-pantasya. Pinunasan ko nalang gilid ng labi ko, err. Wala naman e. -______________- Tawa tuloy ng tawa si Kupal. Dami ko nang endearments sa kanya. "Pakyu."

"Love you too!" Kumindat pa ang loko. May napapansin talaga ako sa kanya ngayon -________-

***************************************************

"Hoy kupal! San mo 'ko dadalhin?" Nauulol nanaman to -_______- Iba kasi way na dinaanan niya.

"Sa puso mo" Kumindat pa. Aba, naka-drugs ata 'to eh. Hilig kumindat.

"Hoy saan nga?" Medyo kinakabahan nga ako ngayon eh. Wala kasi akong tiwala kay Ulupong, Luuuuh! Baka-rapin niya pa ako -___________-

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Aba ang saya nito ha? Pag ako talaga hindi nakapag timpi, hahambalusin ko siya ng ferrari na nasa tabi ko, pero syempre joke lang 'yon. Unang una, kahit may pera na kami, 'di ko parin gagamitin yun para makaganti kay Ulupong 'no! 'Di worth it!

"Okay, Okay. Titigil na. Haaaaay, dami kong tawa sayo. Nabilang mo?" Inirapan ko na lang siya.

"Sungit, amp" Parang may mali talaga eh. Hindi naman sa assuming, pero parang ang sweet niya ngayon (wow, sweet yung minumura ka ha?). I mean diba hindi naman siya ganyan? Kadalasan nga parang siya pa yung may pms saamin eh.

"Okay ka lang? May sakit ka ba? Or what?" Bahagya naman siyang natawa

"Masama ba?" Tawa ulit niya. Hala! Saya niya ata ngayon? Sana araw-araw ganito siya.


*****************************************************


"Kath... Kath."

"Hmmm." Sakit ng leeg ko putspa!

"Kath? Andito na tayo." Nang nakapag-adgust na yung aking byutipul ays, nilibot ko ang aking mata. Hindi yung literal ha -_______-

"Woah!" Nasa Enchanted Kingdom kami?! OMG!

Sa sobrang saya ko, napayakap ako kay DJ (Chansing pa, brad.)

First time ko kasing pumunta dito. Because you know? We're not rich. At akalain mo yun? Si Ulupong nagdala sa'kin dito!

"Oh? Masyado ka atang natuwa sa katawan ko?" -______-

Binitawan ko na siya at nag ayos. Nagsuklay ng buhok, at nagipit.

"Ay fudge!" Wth? Ngayon lang nag sync in sakin yung suot ko!

"What?" Kunot-noo niyang tanong.

Tinuro ko yung damit ko tsaka humalakhak nanaman siya.

Pupunta ako ng EK ng naka pajama? Ugh, epic fail!

Tinignan ko siya ng masama at akmang kukunin yung bag ko na para ihampas sa mukha niya ng "Whooo! Dami kong tawa dun. Eto na po boss. Bibili na po ng damit. Dito ka lang ha?"

"Sa tingin mo ba, lalabas ako dito ng ganto?"

"Sabi ko nga." At tuluyan na siyang lumisan. (Lalim talaga eh.)

Nilabas ko nalang yung phone ko.

Habang naglalaro ako ng Temple Run, *riiiiiiiiiing*riiiiiiiiiing*

'Di ko naman phone yun ah? (Shunga talaga si Kath, hawak nga niya phone niya eh.)

Ah! Phone ni Ulupong -____-

Kinuha ko at Binasa kung sino ang tumatawag Candice Romero? Sino yun?

*tok*tok*

Dali-dali kong binaba yung phone niya at binuksan yung pinto.

"Oh, eto na yung damit mo." Napakunot noo naman ako. San ko 'to isusuot?

"Hoy Ulupong, san moko balak pagpalitin?" Nagpa-ngisi naman ang loko.

"Sa harap ko." With unggoy este matching taas-baba ng kilay. Aba, hanep 'to ha?

Kinuha ko yung paper bag at hinampas siya. "Sabi ko nga lalabas ako. Tinted naman 'tong kotse eh." At lumabas na siya. Buti nalang tinted 'to at hindi niya nakitang pinakealaman ko 'yung phone niya.

Nagbihis na 'ko at nilipat yung mga gamit ko dun sa binili niyang bag

"Tara na?"

"Tara." Tsaka niya hinawakan 'yung kamay ko...

o.o

O.o

o.O

⊙_⊙

Bernardo's Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon