You-ed 2018

5 0 0
                                    

Things got tougher.

Madalas na yung away.

Madalas na yung selosan.

Madalas nang di magkaintindihan.

Umaabot sa puntong nagkakasakitan na ng pisikalan.

Magbabati.

Magaaway uli.

Magsisisihan.

Magaaway uli.

Pero ano? Lahat ng pagsubok nalampasan. Walang araw na hindi kinayang hindi magbabati. Ang mga masasayang samahan na punong puno ng mga ala alang gugustuhin mong balik-balikan.

Sabay nagtrabaho, sabay nangarap, kasama ka sa lahat. Saksi ka sa lahat, saksi ako ng lahat, at lalo nang saksi ng Diyos lahat ng pinagdaanan natin. Problema sa pera, problema sa magulang at pamilya, problema sa pagaaral, problema sa kaibigan. Nakaagapay tayo sa isa't isa.

Walang hindi kayang lampasan basta nakaagapay sa isa't isa. Ang sarap natawin lahat ng mga pangarap at pangakongn binuo ng magkasama.

As usual, yung pagiging late mo padin yung palagi nating pinagaawayan at kinakainisan ko di kana nagbago!! Hmmmp! Ako excited na excited pumasok ng maaga para makita ka tapos ikaw laging late, nakakatampo kaya!!!

Mapapa tangina ka sa kilig, sa inis, sa lungkot, sa awayan. Pero lahat ng yun worth it. Kasi natuto tayo. May mga factor na mas nggrow tayo kahit papaano sa mga karanasan natin.

Hindi nawala yung problema ko sa pamilya. Ganon padin. Hirap na hirap padin ako dahil ayaw ng magulang kong magmahal ako; hindi ko naman pinapabayaan lahat ng responsibilidad ko. Hindi ko din naman sila masisisi talaga sa kabila ng nangyare sa mga kapatid ko. Nadala lang talaga siguro sila. Inintindi ko, pero hindi ko kayang mawala ka sakin kaya tinuloy ko. Tiniis ko lahat. Gaano man kasakit. Tipong mapapasabi ka ng sa araw araw na ginawa ng Diyos laging ganon nangyayare. Uulitin ko ang sinabi ko... tiniis ko. Dahil ayokong mawala ka sakin.

Hindi padin mawawala yung mga surprise mong nakakabaliw.

Tandang tanda ko pa yung oras na everytime na puupunta tayo ng mall tinitignan ko yung instax mini 9 kasi gusto ko talaga yun. Nagiipon na nga ako kaya minsan nalang tayo magdate eh. Hahahahaha! Pero napa wtf talaga ako noon. Kasi binilhan moko! Nageffort ka! Nagtyaga kang hindi kumain para bilhan ano! Nangutang kapa nga yata? Ang tirik tirik ng araw namasko ka. Hiyang hiya ako sayo noon dahil hindi naman talaga ako nagpaparinig sayo. Alam mo din naman kaya kong bilhin yun pero binilhan mo ako. Sobra akong tuwa noon! Hindi ko matago saya ko hanggang sa bahay! Tinabi ko pa nga sakin matulog! Hahahaha! Ingat na ingat ako! Hindi ko tinanggal sa bubble wrap! Tapos basta ni-isang gasgas wala kang makikita doon! Hahahahaha! Ganon ko iyon iningatan!

Valentines day... hindi ko alam kung ano nanamang pakulo ang gagawin mo. Pero ako, nagipon ako lahat ng bagay na color blue. Tapos nilagay ko sa isang malaking box. Simula balot ng box, hanggang sa kung anong anong laman noon basta blue, ultimo graham gumawa ako, nakahanap ako ng asukal na kulay blue sa bilihan ng mga baking stuffs. Hirap na hirap ako itago yun! HAHAHAHAHAHAHAHAH! ang hirap mo kasi talagang taguan ng mga bagay bagay kasi ang bilis mo makahalata! Hahahahaha! Eto na, ang loko hindi nagpakabog! Late na nga pumasok lahat lahat, aba!! Hindi talaga nagpahuli! May pa bouquet ng flowers!!! Eto pa!!! Napaka special talaga dahil yung bouquet lahat ng rose color green!!! (maniniwala kaba kapag sinabi kong 2020 na nasa akin padin yung mga petals? Yup, nilagay ko sa isang jar na pinaglagyan ng palaman ng tinapay namin.. kung gusto mo makita pipicture-an ko) hahahahaha! Tapos may pa box din na green!!! Grabe!! Hirap na hirap tayong iuwi yun sa bahay mo! HAHAHAHAHAHAHA!!! Tapos laman ng box na green puro pagkain!! HAHAHAHAHAHAHAH!!! Champoy, ung chichacorn, kung ano ano pa!!!

You-edWhere stories live. Discover now