Chapter 3

3 0 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan. Sinabi ni Kristine na nasira ang phone niya.

"Paanong nasira?" Tanong ko at sinabi niyang madali na itong mag lowbat at mamatay. Pero kapag china-charge, nagagamit naman. Keypad kasi ang gamit niya.

" Edi mawawalan na tayo ng komunikasyon?" Tanong ko muli.

"Wag ka mag-alala ipapaayos ko naman yung isa kong phone na touch screen."

Aaminin ko, na sobrang miss na miss na miss ko na siya. Katulad ng ibang may long distance relationship, minsan ay napapaisip ako kung anong ginagawa niya. Or kung kumain na ba siya.

Di naman sa wala akong tiwala Kay Tine pero minsan ay nagdududa ako kung ano ba talaga ang mahal niya.

Bukod kasi sakin ay mayroon siyang boyfriend. Kami, best friend with benefit lang kami.

Hindi ako nasaktan dahil sanay na ako na ma-reject kaya kahit ganon ang sitwasyon namin, tinanggap ko na rin kasi ayaw ko siyang mawalan dahil sa kanya ko natutunan ang tiwala. Na hindi kailangan na laging nagkikita. Basta may komunikasyon kayo.

Ngayon ay wala na naman kaming komunikasyon dahil ilang araw na kaming hindi nagtetxt at nagtatawagan.

A Forbidden Affair  (A Sequel Of My Vocation, My Vacation)Where stories live. Discover now