August 16 2006
Marx: nasaan na ba si glaiza?
Kanina pa nag aantay si marx sa restaurant dahil may gusto daw sabihin sa kanya si glaiza.
Glaiza: marx...
Marx: love, finally you're here, kanina pa kita inaantay eh.Humalik si marx sa pisnge ni glaiza, pero umiwas ito, kaya nagtataka si marx.
Glaiza: marx, Im sorry late ako.
Marx: its ok, gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?
Glaiza: uhm, actually busog pa ako ehNapansin naman ni marx na malungkot si glaiza.
Marx: love, are you okay? Bat parang malungkot ka? May hindi ka ba sinasabi sakin?
Glaiza: marx...Hinawakan ni marx ang kamay ni glaiza na nakapatong sa lamesa, napansin na lang bi marx na umiiyak na pala si glaiza kaya sobra siyang nag alala
Marx: ano ba kasi yung problema? Bakit umiiyak ka?!
Binawi ni glaiza ang kamay niya kay marx kaya napatingin si marx sa kanya na hindi maintindihan ang nangyayari
Glaiza: sorry marx, pero m-makikipaghiwalay nako s-sayo, h-hin-hindi na kita m-mahal.
Nauutal na sabi ni glaiza ng hindi manlang nililingon si marx. Hindi alam ni marx kung ano dapat ang maging reaction niya sa sinabi ni glaiza.
Marx: wait glaiza, ulitin mo nga yung sinabi mo, im sure mali lang yung rinig ko
Tiningnan siya ni glaiza sa mata
Glaiza: hindi na kita mahal marx, maghiwalay na tayo!
Tumulo ang luha ni marx ng marinig ito mula kay glaiza. Tumayo si glaiza at naglakad na palabas. Naiwan naman si marx na umiiyak.
To be continued