5 years after
Nasa office si marx at inaasikaso ang mga papers na naiwan niya kahapon maaga kasi siyang umuwi kahapon
Alexie: sir may meeting po kayo tomorrow
Si alexie ay ang secretary ni marx
Marx: anong oras? Saan?
Alexie: 10:00 am po sa casumlong fashion design and consulting
Marx: ok I'll be there
Alexie: itetext ko na lang po sa inyo yung location
Marx: no need alam ko yun
Alexie: ok sir
Umalis si alexie at tinuloy na ni marx ang ginagawa niya.
-------------------Kinabukasan--------------------
Venus: ms.glaiza mamaya na po yung meeting niyo sa casumlong fashion design and consulting
Si venus ay ang secretary ni glaiza.
Glaiza: yah, I know
Venus: ok mam alis na po ako
Glaiza: wait hindi ko alam ang location nun
Venus: alam naman po yun ng driver niyo
Glaiza: hmm, nangangamoy lovelife ah? Kamusta kayo ni lance?Si lance ay yung driver ni Glaiza
Venus: ok lang naman kami mam, sige po una na ako
Umalis na si Venus kasi may aasikasuhin pa siya.
Bumaba na rin si Glaiza kasi 9:00 am na, tinawagan agad ni glaiza ang driver niya para sunduin siya sa parking lot.
Casumlong fashion design and consulting.
Nasa elevator ngayon si glaiza dahil pupunta na siya sa office ni Ms.Casumlong sa pagkakaalam ni glaiza may isa pang dadating na gagawa ng magazine pero hindi niya alam kung sino. Pagpasok ni Glaiza sa office ni Ms.Casumlong wala ito ikinagulat niya ng makitang si Mr.Topacio ang nasa loob.
Glaiza: Marx....
Napalingon naman si marx sa kanya, halatang nagulat rin si marx sa pagdating ni glaiza.
Alexandra: Ms.Galura, Mr.Topacio Im glad nandito na kayo lets start then?
Marx: Ms.Casumlong, anong ginagawa ni Ms.Galura dito?
Alexandra: Sa company niya ako kukuha ng mga model.
--------------------fast forward--------------------
Natapos na yung meeting nila glaiza kaya bumalik na siya sa company niya at umupo sa couch ng office niya. Napabuntong hininga na lang si glaiza dahil nagkita sila ni marx isang bagay na matagal na niyang iniiwasan.
(Flashback)
Paolo: glaiza! Kelan ba matatapos yang kahibangan mo sa marx na yan?!
Glaiza: dad, ano po bang gusto niyong gawin ko para matanggap niyo si marx?Umiiyak na sambit ni glaiza.
Paolo: wala kang dapat gawin para matanggap ko siya hija, kasi kahit kelan hindi ko siya matatanggap!
Glaiza: ano po bang mali kay marx?
Paolo: kapag hindi mo hiniwalayan si marx, papabagsakin ko siya hanggang sa gumapang siya sa lupa! Naiintindihan mo?!