Chapter 3

18 2 0
                                    

Hex POV

Nandito ako sa underground training room ngayon at kasalukuyan sinusuntok at sinisipa ang mga training equipments dito. Ang gravity dito ay higit na mas mabigat ng 30 beses kumpara sa normal na gravity. Nandito ako dahil sa kagustuhan ni dad at ni mom. Halos 4 na taon ko na tong ginagawa pero hindi ko to ginagawa para hasain ang ang aking assasin skills kung hindi para ikondisyon ang aking sarili para sa anumang mangyayari sa hinaharap.

Sunod kong ginawa ang 180 degree push ups gamit lang ang ang aking hinlalaki. Tapos nagbuhat ako ng tag 100 kilos na barbel. Tumagaktak ang pawis ko sa sahig at nakaramdam ako ng malakas na aura mula sa pintuan. Nandun ang aking ama pinapanood ako.

Magaling magaling anak. Kung ganyan ka ba naman parati ee mas mapapabilis ang pag pula ng iyong mga mata

Bigla kong inalis ang paningin ko sa kanya at nagtanong patalikod

" hindi ka ba natatakot na isang araw dad lahat ng mga nakabangga mo ay mag higante sayo? "

" Handa ako sa sinumang may balak na lumaban sa akin at yun kung mahawakan mo nila maski hibla ng buhok "

" tsk. " - ako

Bigla kong hinagis ang aking katana sa direksyon niya ngunit laking gulat ko ng wala na siya doon

" Too slow my son "

Nanlamig ang buong katawan ng bumulong siya mula sa likuran ko. Ang bilis niya at hindi ko naramdam ang pag kilos niya.

Biglang may tumulong dugo mula sa akin leeg, nagkahiwa ito maliit lamang. Hindi ko kaagad naramdam ang katanang binato ko sa kanya at nagamit na pala niya sakin.

" I can kill you in a sec my son dont dare to to do it again because i will not hesitate next time to seperate your head from your body "

HAHAHAHAHAHAHA lumabas siya na tumatawa.

GRRRRRRRRRR.

Pagkalabas ng aking ama ay agad kong sinuntok ang pader at nagkaroon ng maliit na biyak ksabay ang pagtulo ng dugo mula sa aking kamao. Ito ba talaga ang nakatadaknang buhay sakin? Hindi pwedeng magpatuloy ng ganito kailangan ko gumawa ng paraan.

Nagdaan ang mga araw na puro pagsasanay ang aking inatupag. Lumaki ang katawan , nagkaroon ng muscles at six pack na abs. Bumilis ang pagkilos at tumalas ang pakiramdam ngunit hindi pa rin nag-iba ang mga kulay ng aking mga mata.

Nandito ako ngayon sa taas ng puno dito sa mini forest. Nakahiga at nakikinig sa mga huni ng ibon ng bigla tumunog ang cellphone ko at may nagtext

"Pinapatawag ka ni dad" - shenrui

Hindi ko alam kung anong meron pero nakaramdam ako ng kaba. Bumaba ako at agad na nagmadali papunta sa mansyon.

Shenrui POV

"Any last word? Trabaho lang walang personalan HAHAHA! "-ako

"Huwag maawa ka dodoblehin ko ang bayad nila sayo huwag mo lang ako patayin" pag mamakaawa nitong matandang lalaki sa harap.

Yun na ang huling ang salitang narinig ko at bigla kong winasiwas ang reaper ko at kasabay nitong nagtalsikan ang dugo mula sa nagkahiwalay na ulo at katawan.

Ang boring naman ng misyon tapos ang baba pa ng binayad sakin pero subagay di naman ako pinagpawisan. Pwede na rin to pang bili ng bagong kotse.

" ahhhhhhhhhh! " sigaw ng babaeng nakakita sa mga nangyari hahabulin ko sana ng biglang may nagtext

From: dad

Papuntahin mo si hex ngayon dito sa mansyon

Pagkabasang pagkabasa ko nito ay agad ko naman tinext si hex

To: my dumb brother

Pinapatawag ka ni dad

Mukhang magiging maganda ang mga susubod ng mangyayari hahaha!

Escape The FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon