"Omg! Ang ganda mo Anne!!"I smiled shyly at the compliment because I don't know what else to do. I have never been the receiving end of such kaya nakakapanibago ang mga sinasabi nila ngayon. Kesyo ang ganda ko raw, bagay daw ang gown at buhok ko sa akin, at kung anu-ano pa. Ngayon lang kasi yata ako nakabihis ng ganito kagandang gown. At ngayon lang din nakamake up ng ganito kabongga.
Simple lang naman ang make up ko. It isn't too much but it really highlighted my facial features na maski ako napakurap pagkatapos tumingin sa salamin.
"Mamsh, ayaw mo ba talagang magmodel? May kakilala akong talent scout naku! Hanap nun ganitong mukha!" ani ng baklang nagmake up sa akin. I felt the heat creep into my face and produce a natural blush.
Awkward akong tumawa sabay iling.
"Naku Ate hindi ako bagay dun e. Saka ngayon lang to dahil nakamake up ako." Me? A model? End of the world na yata.
"Ahh bahala ka! Nagsasabi lang ako ng totoo. Mas maganda ka pa nga kaysa kay Charlotte no!"
I smiled shyly again. Hanggang kailan ba sila matatapos sa pagkumpara sa aming dalawa? Hindi ko na sinagot ang sinabi niya dahil bumaling na siya sa iba pang me-make up-an niya. Wala rin naman akong isasagot pa sa sinabi niya.
Tiningnan kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Maganda ang pagkakulot ng buhok kong kulot na dati pa. Maganda ang pagkakamake up. Maganda ang gown na suot. Dati, pinangarap ko lang makakasuot ng ganito kagandang damit. Ngayong suot-suot ko na, hindi ko alam na hindi pala ako sasaya.
Tiningnan ko ang pumpon ng bulaklak na nasa harapan. I smelled it and its fragrance brought me back to the days when all of these are still part of the dream. It's my favorite flowers. But for now, these are but reminders of a dream, that stayed that way.
"Bilisan na daw magsisimula na!"
Napukaw ang pag-iisip ko ng sigaw galing sa wedding coordinator. Huminga ako ng malalim bago naglakad palabas papunta sa pinto ng simbahan.
I closed my eyes as I heard the start of the song signaling the entourage to start. Tumingin ako sa itaas at nagpasalamat sa araw na ito kahit papaano. Pagkatapos, tiningnan ko ang lalaking naghihintay sa harap ng altar.
Gwapo pa rin! Walang kupas! Kahit walong taon na ang nagdaan simula noong makilala ko siya, araw-araw pa rin siyang gumagwapo sa paningin ko. He wink at me and I smiled genuinely to the only man I have ever loved.
"Hi! I'm yours, are you mine?" He said with a mischievous smile pasted on his face. I rolled my eyes at him dahil sa lahat ng aming mga kaklase, ako na naman ang nakita niya para banatan.
"Hmp! Sungit naman ng magandang babaeng 'to!" Patuloy niya kahit sinusungitan ko na. Tumabi pa siya sa akin kahit pang-isahan lang ang upuang 'yon.
"Oi si Jason pinopormahan na naman si Anne! Baka magkatuluyan kayo niyan!" Sigaw ng mga kaklase namin.
"Edi mabuti!" Patol naman ng katabi ko. I rolled my eyes again kahit hindi na maitago ang ngiting kanina pa gustong kumawala.
"Oiiii nangiti na siya!" Dali-dali akong tumikhim para maitago ang ngiting iyon at nagkukunwaring nagbabasa. Lalaki ang ulo nito kapag nakita niyang nakangiti na ako. I choose to ignore him still.
"Alam mo, pag daw ang ngiti pinipigilan nakakasakit daw 'yon ng tiyan. Bahala ka, habambuhay ka ng sasakitan ng tiyan." Sabi niya pa sabay agaw ng binabasa ko.
"Pakialam mo ba?" Pagtataray ko pa.
"Pakialam ko kasi pakakasalan pa kita. Ayaw ko namang nasasaktan ang minamahal ko." He seriously said but winked at me in the end. And the smile that I tried to suppress showed up. Nang nakita niya ito, lumawak ang ngiti niya showing his deep dimples. Pogi talaga ng isang 'to!