Chapter 15

7.2K 109 1
                                    

Chapter 15

Naging maingay ang balita tungkol sa ilang mga babae na ang nawawala
at karamihan pa dito ay mga estyudante mula sa mga sikat na unibersidad

naging maingay muli ang pangalan ni Lysandro dahil ito lang naman ang kilala
ng media na isang sindikato.

ito ang tinuturo ng media na mastermind ng pagkakawala ng mga kababaihan.

Seline together with her bestfriend Patty and her Uncle Harvey are all watching the news

"Kahit kailan, halang talaga ang bituka ng matandang yun. ang lakas ng loob" Patty said

"Kung hindi ako nagkakamali benebenta ng mga sindikatong ito ang mga nakukuha nila" Her Uncle Harvey said

"Kaya ikaw Seline mag ingat ka ngayon huh. Sorry kung hindi ka namin masasamahan sa airport,
magpapacheck up kasi ako"

"Ano ka ba patty, okay lang nu. basta balitaan mo ako about sa baby niyo ha"

Buntis ngayon ang kaibigan niya. Buti pa ito bumubuo na ng pamilya

"Hija. Mag ingat ka huh. tumawag ka kapag nasa Airport kana"

"Opo. aalis na ako. Bye guys"

Balak niyang sa labas nalang siya ng Subdivision maghintay ng taxi. kunti lang naman ang maletang dala niya
kaya hindi siya mahihirapan

but suddenly a White van stopped infront of her

kinabahan siya dahil ganitong ganito yung nababalita sa TV

"HULI KA!!" sigaw ng lalaki mula sa loob ng van

hindi makawala si Seline dahil sa ilang mga lalaki narin ang agad
na pumalibot sakanya

tinali ng mga ito ang kanyang kamay at nilagyan ng piring ang mga mata

gusto niyang maiyak. natatakot siya sa maaaring kahinatnan nito

"Tama nga ang sinabi ni Boss, maganda at makinis itong babaeng ito. SIguradong tiba-tiba
nanaman tayo. Mahal ang isang to" rinig niya mula sa isa sa mga lalaki sa paligid niya




naramdaman ni Seline na huminto na sila sa isang lugar. marahil dito na ang hideout
ng mga masasamang lalaking ito.

binuhat siya ng isang lalaki at naramdaman niyang ibinaba siya sa isang sofa

pagka tanggal ng piring sa kanyang mata ay nakita niya na hindi siya nag iisa
may ilan ring mga kabataan at kaedad niya sa lugar na yun
lahat sila ang nakatali rin ang kamay.

ang ilan ay umiiyak ang ilan naman ay galit na galit at pinagmumura ang mga lalaki.

"ganito na ba matatapos ang buhay ko?"

Hot Desires: Lucian MorningstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon