ALMOST PARADISE..

119 4 2
                                    

May bagong lipat daw sa aming tapat sabi ni Mommy. Curious ako, dahil matagal nang walang tao roon. Buti pa si Mommy nakilala na ang aming new neighbor. May isa raw anak ang mag-asawang iyon. Hindi ko na itinanong ang pangalan dahil may balak naman akong makioagkaibigan sa aming bagong kapitbahay.

Kinabukasan, maaga akong tumanghod sa bintana ng aking kuwarto. Nagbabakasakaling maagang lumabas ang anak ng mag-asawa sa tapat. Nakatanaw ako hanggang sa mapalingon ako sa dingding ng aking kuwarto. OMG! Alas-diyes na pala!

Ganun na pala ako katagal na nakatanaw sa labas. Malungkot na tinungo ko ang pinto at lumabas. Nakita kong may kausap si Mommy. "Angel, Come here."

Tinawag ako ni Mommy at ipinakilala sa dalawang matanda. Sila pala sina Mr. at Mrs. Arellano;ang aming bagong kapitbahay. Napag-alaman kong ibinibilin ng mag-asawa kay Mommy na bantayan ang kanilang anak.

"Bakit kailangang bantayan?"

Pagkaalis ng mag-asawa ay nagpaluto ng tinolang manok si Mommy. Mabuti raw iyon para sa anak ng mag-asawa. Napag-alaman ko kay Mommy na binata na pala iyong pinababantayan sa kaniya. "Kung ganung hindi sanggol, how come kailangang bantayan?" tanong na muli, hindi ko maisatinig. At ipinangako ko..na aalamin ko ang katotohanan!

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa kabilang bahay. Nagdala ako ng nilutong ulam ni Manang Linda. Sumunod ako kay Mommy sa kusina ng kapitbahay.

"Ako na lang, Mommy." nagprisinta akong magdadala ng pagkain ni James;ang binatang "alaga" namin. "O, sige.Pero wag mong bubulabugin kapag natutulog ha?"

Nainis ako, bakit ba kasi kailangang pagsilbihan ng ganito ang lalakeng iyon? Kalalakeng tao hindi   marunong kumilos para sa sarili! Hmp..

Ngunit labis ang pagka-shocked ko nang pagbukas ko ng pinto ni James ay nakita ko siya...nakaupo sa wheelchair!

Bigla akong na-guilty..at ang pakiramdam na iyon ay gumuhit pala sa aking mukha. Nagulat na lang ako nang biglang magsalita ang binata. Bagaman mahina, halos pabalang naman. Bawat salita'y may diin.

"WHO ARE YOU? AND WHAT ARE YOU DOING IN MY ROOM?" 

' Hmp, suplado! 'naisip ko ngunit pilit akong nagpakahinahon. Sa tanang buhay ko'y ngayon lang may kumausap sa akin ng pabalang. Halos lahat ng lalakeng kilala ko'y sweet at mahinahon kung ako'y kausapin. At ang isang ito'y ano??Grrr...

"Ahm,ako nga pala si Angel.Nakatira kami dyan sa tapat. Ibinilin ka samin ng parents mo. Heto, dinalhan kita ng pagkain. You know, it's almost lunchtime na." friendly kong paliwanag kahit na halos mailang ako sa paraan ng pagtitig niya sakin. Hindi ko masasabing ang titig na iyon ay nagpapakita na attracted siya sakin. Kundi nagpapahiwatig ito ng pagkadisgusto at disapproval sa presensiya ko. 

"Hindi ako gutom," matabang nitong sabi at pinagulong ang wheelchair papuntang kama. Pinilit nitong makatayo upang makalipat sa higaan. Akma ko siyang hahawakan upang tulungan ngunit tinabig niya lang ang mga kamay ko at saka galit na nagwika. 

"HIndi naman ako totally imbalido, Miss-Whoever-You-Are! So please, leave me alone!"

"I'm Ange---"

"I don't care!" putol nito sa sasabihin ko. 

Hindi ako nakaimik. Pero makikita sa mukha ko na labis akong nasaktan sa paraan ng pagtrato niya sakin. Ngunit inisip ko na lang na ang mga tulad ni James ay bitter sa buhay. Hinabaan ko na lang ang aking pasensiya.

Nang muli ko siyang tignan, nakahiga na ito sa kama. Muli akong nagsalita.

"Iiwan ko na lang ito para in case na magutom ka."

ALMOST PARADISE..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon