THE PERFECT TWO: PART 2
*****************************************************************************
Ilang araw na din ang nakalipas ng ganoon ang nangyayari. Magkasama sila pumasok ni Henry at pagdating ng Break Time at Recess ay ang oras namin, pagdating ng uwian, hahatid siya ni Henry. hindi maganda diba? At ang masama pa, wala padin kaming naiisip na paraan ni Amber para matigil tong kabaliwan na to.
Pero paano na ang lahat kung kailangan ko ng umalis pagkatapos ng graduation?
Nasa States kasi ang Nanay ko, iniwan niya ko sa Tatay ko noong bata pa ako. Pero hindi siya umalis dahil ayaw na niya samin, kundi dahil kailangan niya magtrabaho. Sobrang tagal na niya doon at nasasabik na akong makita siyang muli. Sa skype lang namin siya nakikita ni Dad at nangako siya na pagkagraduate ko ng HighSchool, lilipad na kami ni Dad sa States at doon na kami titira bilang pamilya. Doon na din ako mag-aaral.
Maayos na sana yung plano na yun kaso biglang dumating si Amber sa buhay ko. Oo, matagal na siyang nasa buhay ko pero ang ibigsabihin ko ay bigla ng nagkaroon na kami ng relasyon at hindi naman pwdeng iwan ko nalang siyang basta basta.
Hayyyyyy....
Nakakainis! Ang tanga tanga ko talaga kahit kailan.
Bakit ko nakalimutan na aalis na nga pala ko? Nawala yun sa isip ko nung pilit kong nilalapit ang sarili ko kay Amber. Sana pala, nanahimik nalang ako at nanatiling titigan nalang siya sa malayo, baka wala pang problema ngayon.
Pero hindi eh, hindi ko yun dapat pinagsisihan dahil sa buong buhay ko, she's the best thing that's happened to me.
Paano ko sakanya sasabihin to? dagdag lang to sa mga problema niya, problema namin.
I don't want to hurt her anymore. She suffers bad enough. I want to drive her away from all the pain. But how?
Ang kailangan naming gawin ay parehong tungkol sa pamilya. Family comes first right? If you're in my place...what would you choose?
Should I go?
Kapag umalis ako, maiiwan ko si Amber sa Pilipinas at magkakatuluyan na sila ni Henry. Ayokong mangyari yun dahil para sakin si Amber. SAKIN LANG.
or should I stay?
Kapag hindi ako umalis, paano na ang pamilya ko? Siguradong masasaktan si Mommy dahil eto na nga ang pagkakataon para magkita kami tapos tatanggihan ko pa siya? Matagal na kong nananabik sa mga yakap niya.
I have to make a choice.
Perhaps a choice on which one should get hurt.
</3 </3 </3
naglalakad padin ako at nakarating na ko ng School.
pero parang may pinagkakaguluhan ang mga tao. Mga nagbubulungan at nagtatakbuhan papunta sa lugar kung saan andoon ata ang kalahati ng batch namin.
Pupunta na sana ako dun ng bigla kong makasalubong si Daniel, isa sa mga team mates ko. Tumakbo siya palapit.
"Tol! Kanina pa kita...h-hinahanap..." Di siya makapagsalita ng maayos kasi hinihingal pa siya.
"Oh hinga. Bakit? ano meron?"
"S-si...Amber.." agad akong kinabahan sa sinabi niya.
"Anong nangyari kay Amber?!" sabi ko sakanya na niyuyugyog pa siya.
"T-tignan mo...s-sa may likod ng School.."
"Bakit? Sige, sige tol ha?" pagkatapos nun ay agad na kong tumakbo sa papunta sa likod ng School.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT TWO (TPO: BOOK 2)
Teen FictionWhen you love someone, what other people might say doesn't matter, what other people think does not count, what others do just to get between the two of you will be ignored, whether they separate your hearts and keep them apart, as long as you fight...