Mr. RZT

45 1 2
                                    

okaaaayyy. game na ulit. :))

BTW, ganda ng cover picture ko noh? si DONGHO yan. :))

ipinopromote ko pla. ito. Stopgirl ng UKISS. ihh.. love ko kasi sila e. hahhaha.http://www.youtube.com/watch?v=d_AwyTp9qb0

okay, sana magustuhan nyo tong aking kwentong ginawa khit kunwari lang. :))

enjoy..

------------------------------------------------------------------------------------------------

Dumaan ang mga araw, lagi na lang siya ang laman ng aking isipan. bkit ganun? may pagtingin na ba ako sa kanya? o baka nabigla lang ako dahil gwapo siya? *ano teh? first time makakita ng gwapo ganon???*

"hoy bregs! tulala ka?"Mhew. Kami ay naglalakad sa daan at naghahanap ng mapagkakainan. At friday na ngayon.

"ah? wala bregs, iniisip ko lang kung san tayo kakain."syempre biru ko.

"hala? maniniwala na nga ako kung di ku lam alam.."Mhew *sabay tawa*

"mga bregs, ROTC na bukas oh. makikita ko na nanaman si Sir Corps!"- singit ni Mhelai habang kinikilig kilig pa.

nagkatinginan sina Mhew at Mhelai."may iniisip na naman tong dalawang to."sabi ko sa sarili ko.

"makikita mu na si Sir Brace. oy! tignan mu na kasi yung apelyido nya para di na malalim yung iniisip mu dyan."halos sabay nilang sabi habang tumatawa.

"'sabi ko na ee." sabi ko sa sarili ko.

Natapos ang tuksuhan ng malapit na kami sa Mcdo at napagpasyahan namin na dun nalang kami kumain. Masaya kaming nagbiruan at nagaasaran.. hanggang sa makauwi na kami...

Sarae's POV

Heto kami ngayon nakaupo sa mga bleachers. Magpapakilala daw ang mga officers namin.

''okay, cadets.. magpapakilala ang mga officers sa inyo ngayon, be nice to them, wag magsasalita ng mga walang kwentang bagay, copy?" Sir Corps

"YES SIR!" kaming cadets

Nagumpisa ng magpakilala ang mga officers sa amin. Binigyan kami ng mga advice at sinabi din ang mga pwede at mga bawal. Hanggang sa....

"hi cadets. I'm cadet captain Justin Hontaveros. *tonguena! wala akong maisip na pangalan* sana makayanan nyo tong first sem  goodluck and godbless.

Biglang nagising diwa ko. "Justin Hontaveros pala ang pangalan nya, ang ganda. nakakainlove." - sabi ko sa sarili ko.

"hoy Serae, Justin Hontaveros pla name nya oh? iih. kinikilig siya." bulong ni Mhelai sakin.

"tumigil ka nga, baka makita tayo ni Sir Corps, mapagalitan pa tayo." pabulong ko din balik sa kanya.

Habang kinukulit ako ni Mhelai biglang nagsalita si Sir Corps.

"Cadets, bago ko makalimutan, hanggang 3pm pla tayo ngayon ha."

Nagtaas ako ng kamay. "yes?"

"Sir, paano pag may pupuntahan mamaya? pwedi po bang umalis?" ako, binyag ng pamangkin ko kailangan andun ako.

"ocge, magpaalam ka na lang pagaalis ka na." Sir. isang tango lang sinagot ko.

Lumipas ang tatlong oras, luch break na. Hinahanap ko si Sir Hontaveros pero di ko siya makikita. Sayang uuwi na pa man din ako. nagpaalam na ako at habang naglalakad ako papalayo sa Court bigla kong nakita si Sir Hontaveros na nakamotor. *grabee gwapo talaga nya* Tinignan niya ako sanhi ng lalong  pagkainlove ko *yata* sa kanya. hahahha. Ibang saya ang nafeel ko ng tignan nya ko. Dala dala ko iyon hanggang sa paguwi ko..

Justin's POV

Ako si Justin Hontaveros,  isang second year criminology student at ROTC officer. *astig no?*

Inutusan ako ni Sir Mendoza(Sir Corps) na pumunta sa office upang kunin ang mga listahan ng mga cadets. Ang layo pa man din ng office kaya nung pabalik na ako e ginamit ko na ang motor ko. Habang binabaybay ko ang daan nakita ko yung isang cadet. Sabi ko sa sarili ko baka tumatakas. Tinignan ko siya hanggang sa madaanan ko siya. Tinignan ko nga siya hanggang sa mga side mirror ko ee. Tinignan ko siya hanggang sa makalayo na kami sa isa't isa. Ewan ko ba bat parang weird yung nararamdaman ko.

"Sir Mendoza, heto na po yung mga listahan." Justin

"Salamat Hontaveros." Sir Corps

"ah siya nga pla sir, may nakasalubong akong kadete diba hanggang 3pm sila ngayon?" papa Justin Ulit

"oo, nagpaalam yun." Sir Corps

 "ahh. permission to leave sir?!" Justin

"leave."

Umalis na ako at kinalimutan ang kadeteng aking nakasalubong....

----------------------------------------------------------

PAALALA: Lahat ng sinasabi ng bidang lalaki dito sa aking kwento ay pawang mga kathang isip lamang. HAHAHHAAHHAHAHA. :)))))))))))))

to be continued........................

Si Sir Pogi. ;))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon