FLASH BACK

898 15 1
                                    

3. FLASH BACK

My Hot Ex-BOYFRIEND~~

-LARK-

First day nang school pero eto ako tinatamad pumasok, bakit? syempre dahil puro mga bagong mukha nanaman ang makikita ko, sawa na ko mag pakilala, kasi pangalan lang naman ang aalamin nila sayo, at hindi ang pag katao mo, malamang hindi sila interesado sa NERD at PATPATIN na tulad ko, para akong amerikano sa puti, tuloy para na kong Abnormal sakanila, sinasabi nung mga dati kong classmate, silahis daw ako, eh pucha, ano bang pakelam nila, kaya nga lumipat ako nang school at dito ko sa QC mag hihigh school.. 

Nasa loob na ko nang room, tahimik, ang iba may grupo na agad, ang iba nag iisa lang, umupo ako sa may dulo, banda sa may bintana, maganda kasi ang view, puro bubong at mga kalat (akala nyo maganda talaga noh?) nakatingin lang ako sa labas iniisip na sana walang kumausap sakin, pano kapag meron ala hindi pa naman ako mahilig makipag socialize, mahihirapan ka pang kumbinsihin ako, di tayo agad magiging close,

kaso may biglang umupo sa tabi ko, nilagay nya ang bag nyang BUM at umupo at yumoko na parang matutulog, ang bango nya, amoy na amoy ko pa ang shampoo nyang creamsilk at sunsilk, hehe. tinignan ko sya dahil nagulat ako at lalo pa akong nagulat nang inangat nya ang ulo nya at napa tingin sakin ... nag katitigan kami

AWKWARD !! pero bigla syang ngumiti

^___________________,^ hehehe sabi nya

O . O ? nu meron bakit sya ngumiti ang nasa isip ko, 

"Uy !! kakaiba ka aa. mukhang nagagandahan ka sa view diyan sa labas!" sabi nya

"huh? -- eh --aa" speechlesss nu bayan nakakahiya, tumawa nalang sya at ako napayuko at napakamot sa ulo, bigla nyang nilapit ang mukha nya sakin, sinisilip nya yung mukha ko kasi nga nakayuko ako

"baa-Bakit?"

"Hmmm.. may future ka!" 

"ano?"

"eh kasi future teller ako alam mo ba yun?"

"eh ano naman?"

"nakikita ko sayo balang araw mag kakaroon ka nang limang anak, at take note aa---." nung sinabi nyang take note, nag labas naman ako nang note book, nag taka ata sya kung bakit ako nag labas,

"hahahaha !!" 

"Bakit?"

"wala, ang cute kasi nang note book mo, si Yagami Light nang death note!"

"a--lam mo yang anime na yan?"

"aba oo, shet sinubaybayan ko yan noh! nag tiis ako sa lag naming PC"

"hahaha!" napatawa nya ako...

"rated SPG naman kasi yan ei kaya di pinapalabas dito sa pinas, masa demons!"

"ou nga ih! kung sabagay!" sabi ko nalang

Hindi kami nag pakilala sa isa't isa, basta may isang beses na tinatawag ko nalang sya sa pangalan nya, sya si GENIEVE, ang unang babaeng naging close ko, at dahil sa close ko sya dapat may itawag ako sakanyang kakaiba, GENIE!! kaso tinatawag narin sakanya yun nang mga iba pa naming classmate, pucha mga gaya gaya! kaya GENG nalang, nasanay naman sya na tinatawag ko syang GENG, at minsan na isang linggo syang hindi pumasok dahil nag kasakit sya, nalungkot ako at duon ko narealize na gusto ko pala sya, ganun naman diba?

My Hot Ex BoyFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon