(happy?) 3rd Anniversary

73 1 0
                                    

Nagising ako nang tumama sa aking mukha ang maliwanag na sinag ng araw mula sa bintana.

Panibagong umaga, panibagong mga pagsubok..

Tanghali na, kailangan ko nang bumangon.

Araw ng martes, wala akong pasok. May field trip ang section namin pero hindi ako sumama dahil kapos kami sa pera. Hindi ko na din ipinaalam kay mama ang kaganapang iyon dahil alam ko naman na kahit salat kami sa yaman eh ipipilit na naman ni mama na isama ako. Ganun si mama, gagawa at gagawa ng remedyo basta’t mapasaya kaming tatlong magkakapatid… ay mali, dalawa pala. Ayos lang naman sa akin kahit hindi ako sumama eh, mas mabuti na lang ang gumawa ng term paper kesa naman sa gumastos at magpagod.

Nako, kailangan ko na palang bilisan ang pagliligpit ng hinigaan ko. Tutulong pa ko sa paghahanda sa maliit naming karinderya.

Bago pa man ako nakalabas ng kuwarto, sumaglit ang paningin ko sa relong nakasabit sa tabi ng kalendaryo. Haay~, kung pwede lang sanang kontrolin ang oras. Kung pwede lang sanang lagpasan ang mga pagkakataong hindi kagandahan at habaan ang oras kung kelan tayo’y Masaya..

Pero kahit anung gawin natin, Diyos lang talaga ang may kayang kontrolin ang lahat ng bagay..

Mga tao lang tayo, obligasyon natin ang sumunod sa May Likha..

Habang naghahanap ako ng damit na pamalit ko sa loob ng luma naming aparador, nakita ko ang diary ni kuya..

Tingnan mo nga naman, isang pahina na nga lang ang natitira, sayang naman, hindi pa sinulatan ni kuya. Pero sabi ko nga di ba? Hindi natin kontrolado ang mga pagkakataon..haaay, si kuya talaga..

Tandang-tanda ko pa nung nag-umpisa siyang magsulat sa Diary na to..

Galing ako ng paaralan nung madatnan ko si kuya dito sa kuwarto..

Humahagulgol. Parang binagsakan ng langit. At hawak hawak ang maliit na notebook at bolpen.

Nag-umpisa ang lahat nang to nung araw na nang-galing sila ni mama sa ospital. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa loob ng kuwarto at umiyak maghapon..

At isa pang bagay na ipinagtataka ko, bakit nagpakalbo si kuya nang hindi ako kasama, eh dati-rati ay sabay kaming nagpapakalbo tuwing summer.

Isang gabi, narinig ko si kuya at si mama na naguusap sa kwarto ni tatay. Sinubukan ko silang pakinggan pero wala akong maintindihan maliban sa “isang buwan nalang”.

Nagtaka ako at tinanong ko ang sarili ko kung anung meron sa “isang buwan na lang”? anung ibig sabihin nun?

Kinaumagahan, nagising kaming lahat nung biglang nag-ring ang telepono bandang alas-6..

Sinagot ni mama ang telepono at ipinasa kay kuya..

Si ate Trixie, girlfriend ni Kuya..

Magdadalawang taon na din mula nung umalis si Ate Trixie papuntang Canada..

Oo, dalawang taong nagkahiwalay sina Kuya Harold at Ate Trixie, ngunit nanatili silang tapat sa isa’t isa.

Hindi naman sa nakikialam ako pero ugali ko na talagang ilapit ang tenga ko sa telepono kapag si Ate Trixie ang kausap ni kuya at ayus lang yun kay kuya..

Ramdam ko ang galak sa boses ni Ate Trixie habang ipinaparating ang magandang balita..

Uuwi si Ate Trixie dito sa Pilipinas, at sa araw ng 3rd anniversary nila ni Kuya..

Napatingin ako sa kalendaryo..

Aaah, isang buwan ang agwat mula ngayong araw na to..

Sobrang saya ni Ate Trixie ngunit nang tingnan ko si Kuya sa mata eh nangingilid ang luha niya..

Bakit? Hindi ba dapat Masaya siya?

Lumipas ang mga araw at unti-unting nauupos na parang kandila ang isang buwan.

Bilang na bilang na ang mga araw, pero si kuya….hindi ko nakikita sa kanya ang kagalakan. Sa halip ay para siyang nagluluksa.

Nilapitan ko si kuya at sinubukan ko siyang kausapin.

“kuya.”

“nag-aalala ako sayo.”

Tumingin sa akin si kuya at niyakap niya ako ng mahigpit.

“kuya tama na. wag ka nang umiyak…”

Nagkaroon kami ng pagkakataon ni kuya na mag-usap ng kaming dalawa lang..

“Alam mo Caloy, napakabait mo. Caloy mangako ka kay kuya ha, na kahit anung mangyari, wag na wag mong pababayaan sina Mama at Tatay, pati na din si Mika..Caloy, ang hiling ko lang sana sa iyo ay alagaan mo ang sarili mo at habang bata ka pa, gawin mo ang lahat ng makapagpapasaya as iyo at sa buong pamilya natin. Diba may kasabihan tayong dalawa? “Hindi natin kontrolado ang oras, Diyos lang ang may kayang kontrolin ang lahat ng bagay, kaya sumunod tayo sa kanya.”. pero alam mo Caloy, sana kahit ngayon lang, biyayaan ako ng Diyos ng kakayahan na kontrolin ang oras. Kung pwede lang sana, lalagpasan natin yung mga pagkakataong hindi kagandahan at hahabaan natin yung mga oras na Masaya tayo..bukas na pala noh? Napakabilis naman ng isang buwan. Ewan ko kung matutuwa ako, ewan ko kung hihilingin kong sana dumating na agad yung araw na yun o hihilingin ko na sana huwag na lang.”

Umiiyak na naman si kuya at dahil sa mga sinasabi niya ay napaiyak din ako..

“bakit kuya? Anung ibig mong sabihin? Aalis ka ba?”

“hindi Caloy, hinding hindi ako aalis sa piling ninyo.”

Humagulgol si kuya habang nakatingin sa kalendaryo..

Niyakap ko si kuya at ramdam ko na parang nanlalamig siya. Ramdam ko din ang kahinaang bumabalot sa kanya. At kasabay ng pagyakap ko sa kanya ay siya ding pagkawala ng malay niya.

Agad kong tinawag si mama at Tatay at itinakbo naming si Kuya sa pinakamalapit na ospital…

Habang hinihintay naming ang pagbalik ng malay ni kuya, kitang kita ko sa mga mukha nina mama at tatay ang pag-aalala..

At ako naman, heto..wala akong kaalam alam sa mga nangyayari..

Lubos na din akong naguguluhan..

Tumawag kahapon si Ate Trixie na paluwas na siya ng  Canada, marahil ay malapit nang mag-landing sa Maynila ang eroplanong sinakyan niya..

Inutusan ako ni mama na magload sa baba para may pantawag kami sa mga kamag-anak namin sa Cotabato..

At habang pababa ako ng hagdan ay biglang nagtext si ate Rhea, best friend ni Ate Trixie..

“Harold, ayoko sanang sabihin sayo to, pero karapatan mong malaman to. May nangyaring plane crash sa bandang South China sea. At…………..

Isa si Trixie sa mga pasahero. And im so sorry ti tell you that, she didn’t survived.”

Nagulat ako sa mensaheng natanggap ko kaya agad akong tumakbo pabalik ng kuwarto ni kuya.

Nakasalubong ko sa labas ng kuwarto si tatay na parang pinagtakluban ng langit at lupa patungo sa nurse’s station.

Parang walang nakita si tatay kaya’t dumiretso na ko sa loob ng kuwarto at nakita ko si mama na humahagulgol na nakahandusay sa semento..

At si kuya na pilit na hinahabol ang hininga..

“kuya!”

Dali-dali kong nilapitan si kuya..

“Caloy……tapos na ang isang buwan ko….”

“kuya hindi…”

bago pa man naipikit ni kuya ang kanyang mga mata ay nakita ko sa kanyang mga labi ang matamis na ngiti ng pamamaalam.

Masaya na siguro sila ngayon.

Malamang magkasama na sila.

Masaya nilang icecelebrate ang 3rd anniversary nila kasama ang Maykapal..

Pagkatapos kong basahin ang huling pahina ng Diary ni kuya..

Nakaramdam ako ng malamig na ihip ng hangin at napatingin ako sa Litrato ni kuya sa ibabaw ng study table. Napakatamis ng ngiti niya.

Napakalamig ng yakap ni kuya, totoo nga yung sinabi niya,

Hinding hindi siya aalis sa piling namin..

(happy?) 3rd AnniversaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon