Paano ko makikita ang lahat
Kung pinili kung maging bulag sa katotohanan
Paano ako makikinig
Kung sarili kung puso, bingi dahil sa pagmamahal
Paano ako makakapagsalita
Kung pinili kung maging pipe
Paano ang isang tulad ko’y makikilala
Kung pinili kung itago ang aking sarili
Kung sa huwad kung katauhan
nagkukubli ang isang ako
Ako na malinaw ang mga mata,
Ako na Malakas ang pandinig,
Ako na Marunong magsalita
Ngunit ngayon nagbabalak-kayo
naging huwad para matanggap ng isang tulad mo
tulad mong naging perpekto sa mga mata ko
Tulad mong laging pinakikinggang ng puso ko
Subalit hanggang saan
San ako dadalhin ng pagpapanggap ko
Hanggang kailan
ang isang tulad ko’y gagawin ang lahat para sayo
Kapalit ng pagmamahal mo
Pagmamahal na kahati ang isang siya
Isang siya na marami ring sinakripisyo para sa’yo
hanggang saan…hanggang kailan…
Ang ako at ang siya
Ay magsasakripisyo
Para sa pagmamahal na walang kasiguraduhan
Na galing sa isang tulad mo.
BINABASA MO ANG
huwad
Poetrymapaninindigan ba ang pag-ibig na nararamdama kung sariling pagkatao'y ikinukubli para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan