Sa Ilalim Ng Puno Ng Mangga

40 5 18
                                    

Note : this is a one shot story I made nang makarinig ako ng isang tugtog mula sa isang music box when I was watching random videos on youtube.. hahaha!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal, nanginginig ang mga labi, may mga luhang pumapatak sa aking mga mata.

Haayy.. gabi-gabi nalang akong ganito. Nagigising kalagitnaan ng gabi, parang galing sa isang panaginip.. o isang bangungot.. na kailanma'y hindi ko malalaman kung ano.

Minsan iniisip kong baliw na ako. O sa lohikal at siyentipikal na paliwanag, baka dala lang ito ng isang sakit, na kung ano man ay hindi ko rin alam.

Depressed siguro ako. Hindi lang kasi isang beses na natatagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak, na nag-uunahan ang mga luha sa mata.

Hindi ko alam ang dahilan. Pero mayroong bagay na nagpapasakit sa damdamin ko. Hindi ko alam kung ano. Na parang ang sakit sakit. Minsan ko ng naisip na wakasan ang buhay ko. Pero hindi ko magawa. Na parang may bumubulong sa isip ko na huwag. Baliw na nga yata ako.

Muli kong pinunasan ang aking mga mata. Bumangon sa aking kama at naghilamos, hindi na rin naman ako makakatulog.

Umupo nalang ako at nagbasa ng ilang libro bago ko namalayang may kumakatok sa kwarto ko.

8:23 a.m.

Isa lang ang taong pupuntahan ako ng ganitong oras...

"Yun pa rin naman ba?", tanong sa akin ni Naomi, isang doktor at ang kaisa-isa kong kaibigan.

Tumango ako.

"Nagising nalang akong umiiyak. Hindi ko naman alam kung ano yung napanaginipan ko.", pagkukuwento ko sa kanya.

"You know what, epekto na siguro ito ng palagi mong pagmumukmok sa bahay mo. Lumabas labas ka naman. Kung hindi pa siguro ako pumupunta dito wala ka paniguradong kinakausap. Maybe you need a new environment, a fresh air. Alam ko na, bakit hindi ka magbakasyon?", sagot ni Naomi.

"Tamang tama, uuwi ako sa amin bukas. Isasama kita. Okay?", hindi na ako nakahindi pa sa sinabi ni Naomi. Bumuntong hininga nalang ako.

"Okay.."

**********

Kasalukuyan kaming bumabyahe ni Naomi papunta sa kanyang probinsya. Ilang oras narin kaming bumiyahe hanggang sa makarating kami sa lugar nila.

Malaking puno ang sumalubong saamin. Isang tahimik na nayon. Kung saan ang mga kabahayan ay gawa sa kahoy at simento. Presko ang malinis na hangin at payapa sa pakiramdam, malayung-malayo sa siyudad na aming tinitirahan.

Siguro nga ay tama si Naomi. Preskong hangin at "new environment" lang ang kailangan ko.

"Maganda dito sa amin, medyo maliit lang ang lugar pero mababait naman ang mga tao. Sariwa ang hangin at walang polusyon. Kung gusto mo ay maglakad lakad ka muna. Ako na ang bahala sa mga gamit natin.", pagpipresenta ni Naomi.

"Okay lang ba?", tanong niya rito na sinagot lang ng kaibigan niya ng isang thumbs up.

**********
(3rd Person)

Dala ang kanyang maliit na bag, nagsimula siyang mag ikot ikot sa lugar. Pinagtitinginan siya ng ilang tao at sinusuklian niya ito ng isang ngiti.

Sa kanyang paglilibot ay napunta siya sa isang parang. Isang malawak at madamong kapatagan. Sa gitna nito ay may isang napakalaking puno ng mangga. Mababa ito na parang nakahiga kaya kahit sino ay maaaring makaakyat.

Tinatahak niya ang daan patungo roon ng mayroong isang matandang babae ang sumalubong sa kanya.

"Magandang umaga ineng. Maaari ba akong makahingi ng pagkain? Kanina pa kasi ako nagugutom.", wika ng matanda.

Sa Ilalim Ng Puno Ng ManggaWhere stories live. Discover now