1- Make Up Artist

214 18 20
                                    

"Ah shit 'yung brush!" Sigaw ko agad nang marealize ko na nawawala ang dapat kong gamitin na brush. Oh nooeeesss. Patay ako ne'to huhu. Sana 'di magalit 'tong customer ko T---T

"Ate? May problema po ba?" Ayan naaa. Napansin na ata niya na medyo nataranta ako huhu. Anuba, kalma self T---T

" H-ha? Wala namaaan." Ngiti ko. "Nagutom lang ako bigla, may malapit ba na tindahan dito sainyo? Pwede bumili muna ako ng pagkain? Matagal pa naman ata bago magstart party niyo ihhh." Palusot ko na medyo nanunuyo. Sana gumana huhu.

"Meron ate. Yang convenience store sa harap pero-- Ay hala ayaw mo nung cake sa ref, ate?" Sabi ng babae sabay turo sa bandang kusina.

C-cake? 🤤🤤

"Gusto kaso...." Gulp huhu, goodbye muna cravings--- and advance goodbye future savings. "Bibili na rin ako ng gamot kooo. Medyo masama kasi pakiramdam ko eh " Kinamot ko na rin ang batok ko para effective.

Napatango si Kie ng banggitin ko ang salitang gamot. Tumingin siya sa relo niya at binalik saakin pagkatapos. "Sige ateeee, eatwell~ Balik ka dito tapos balot mo nalang cake mamaya. Patuyuin ko muna buhok ko habang hinihintay kita. "

" Sige sige thank youuuu. " Medyo nagbow ako sakanya nang ngumiti uli siya. Nang makaalis na siya ay niligpit ko na rin ang mga gamit dito sa lamesa ko. Maganda kapag aalis kang walang kalat, kakahiya naman kina Kie kasi bisita lang naman ako dito.

Pagkatayo ko ay dumiretso na ako sa gate palabas. Nilakad ko nalang ang convenience store habang tinitignan ko ang pera sa wallet ko.

Hindi ka pa nga sapat, mababawasan ka na naman ಥ_ಥ (me to my savings T.T)

Lecheng brush ka kasi.

Hala paano na 'yan? Wala na akong makakain nito mamaya. Masarap naman yung cake pero pangmeryenda ko lang yun eh. Paano na dinner ko? 200 lang pera ko huhuhu.

Hingi nalang kaya ako kay ate Jodalyn? Kaso nakakahiya na T---T. Hindi na nga ako nagbibigay ng pera para sa upa, manghihingi pa ako ng para sa tiyan ko.

Ay putspa speaking of upa!! Ngayon pala due noon aAaaAa. I'm so doomed ಥ_ಥ

Aish, bahala na nga huhu. Hindi nalang ako kakain mamaya! ---- or better yet, mamamalimos nalang ako sa daan. Ampucha, kaiyak. Ano ba naman 'tong krisis sa Pilipinas. Nakakapunyeta. Aja aja deputa is this.

Nang makarating ako sa store hinanap ko agad ang brush na kakailanganin ko. Brush.. brush.. san ka na ba?

Boooom! Shet thank you Lord! Buti nalang may stippling brush sila ༎ຶ‿༎ຶ Muntik na akong sumakabilang store ah. Buti nalang talaga huhu.

Napasigaw ako sa tuwa kaya pinagtinginan ako ng tao. Nagpeace sign nalang ako bago tumili ng very very slight nalang. Oqodvqldhwdlwhw, lezgooooo.

Nasa kalagitnaan palang ako ng kasiyahan nang tinignan ko 'yung price and as soon as nakita ko ito ay parang gusto ko ulit sumigaw..... pero ng masasamang words naman :>

AJA AJA DEPUTA, 210?! ISANG KAPIRASO NG BRUSH?! ABA ANO? 7/11 KA GHORL? MAHAL NG PATONG AH.

Inis kong tinignan ang brush. Paano ba naman ༎ຶ‿༎ຶ. 185 lang 'to sa watsons ah? Bakit ang kapal ng mukha ng nagpatong nito? Magkukulang pera ko sayo nyeta ka.

Napabuntong hininga ako. Huwag ko nalang kaya 'to bilhin? Ang mahal masyado eh--- pero kabuki brush lang kasi meron ako do'n. Pwede na ba 'yon?

Pero kahit anong pag-iisip ko pa rin, hindi eh. STIPPLING TALAGA EH HUHUHU. Kanino kaya ako makakahiram ng pera na 'to T--T?

Napansin kong may lalakeng nakahoodie ng black na tumitingin ng pagkain. Napakagat ako ng labi, it's now or never. Kakapalan ko na peslak ko ><

The Made-Up Artist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon